BallpenIsang buwan at isang linggo ang nagdaan simula nung unang araw ng pasukan, at mabilis pa na nagdaan ang mga araw hanggang sa itoy maging buwan, hindi pa naman kami ganoon ka close ni Nathan pero ramdam ko ang pakikipag close niya sa akin, at si Agatha patuloy ang pagka gusto kay Nathan gaya ko.
"OMG girl" tumili at niyugyog ako ni Kim pagkarating niya sa room galing sa canteen nung mag break time.
"Ano na naman ba?" Inis at kunot noong tanong ko sa kaibigan.
"Nagka usap na naman kasi kami ni Cedrick kanina, niyaya niya akong lumabas mamayang uwian, for the first time in my life, OMG!" Aniya at tumili pagkatapos.
Simula nung magka kilala na ang dalawa ay palagi na naman itong nagka usap walang araw na hindi nagka usap iyang dalawang iyan lalo na tuwing lunch break, pero hangang dun lang naman iyon kaya first time talaga ngayong inaya siyang lumabas ni Cedrick mamayang uwian.
"What?, talaga lang ha!" ani ko.
Hindi ako makapaniwala sa dalawa, ang babata pa!, kung sa bagay anong pakialam ko?, maging masaya nalang ako kay Kim sa araw na to na matagal na niyang pinag dasal.
Wala namang nagbago sa daloy ng araw ko, tuwing umaga sabay kami ni Agatha tapos darating ako sa room na may sasalubong na si Kim minsan rin ay nauna pa ako, tapos papasok si Nathan at babati sa akin ng 'Good Morning' tapos araw araw na ang pagbating iyon kaya nasasanay na ako, tulad nalang nang kanina pero hindi pa nga kami ganoon ka close, ako naman kasi itong parang umiiwas e!
"You only have ten minutes to answer class, two paragraph lang naman ang hiningi ko" Si Ma'am nang nagpa gawa ng essay sa English.
Ang pinaka ayaw ko talaga bukod sa Math ay Essay, ayaw ko nun lalo pa at English, mas mabuti kung tagalog iyon ayaw ko ng English, nauubusan ako nun hindi naman kasi ako kasing Englishera ni Kim e! Kaya nga minsan pag nagka problema sa English ay sa kanya ako nagpa tulong.
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng isusulat nang namataan ko si Nathan na pinupokpok ang ballpen niya sa mesa, napa iling rin siya, gets ko rin agad na mukhang hindi na gagana ang ballpen niya.
"Sinong may ballpen?" Sigaw nito na nakapag lingon ng ilang kaklase ko sa kanya, na maliban sa akin na kanina lang naka tingin sa kanya.
"May ballpen ka to?" Pabulong na tanong niya sa katabing si Toto na umiling lang.
Luminga linga ako bumalik sa gawain ang ilan, napabuntong hininga ako, mukhang hindi ata naka hiram ng ballpen si Nathan saka naalala kong may extra ballpen pala ako sa bag, kaya walang pasubaling kinuha ko iyon mula sa bag at pagkatapos bumaling ulit kay Nathan.
I swallowed hard na parang hindi kayang tawagin si Nathan pero tumakbo ang oras, wala nang oras para tapusin ang essay kaya naman isang buntong hininga ulit ang ginawa ko bago siya tinawag.
"Nathan?" Unang tawag palang ay lumingon na siya sa akin, pinakita ko sa kanya ang ballpen na hawak ko..."kailangan mo?, ito gamitin mo muna" sabi ko.
"Pwede?" Nag angat siya ng kilay sa akin .
Ngumiti lang ako saka pinapapasa na sa ka klase ang ballpen para kay Nathan, at wala na siyang nagawa pa nang inabot na sa kanya iyon, ngumiti nalang rin siya sa akin na nakapag tunaw naman sa akin then he mouthed 'thanks' then I looked away na.
Nakakahiya para sa akin ang ginawa ko, naiinis ako sa sarili ko, bakit ba kasi ganoon! Hindi ko tuloy nagawa ng maayos ang essay ko.
Pagsapit ng lunch ay iniwan agad ako ni Kim matapos siyang kumain ang sabi niyay magkikita raw sila ni Cedrick sa garden hindi ko alam kong bakit pero naintindihan naman iyon, at dahil naiwan akong mag isa naisipan kong pumunta nalang ng Library hindi para makita si Nathan kundi para mag aral, bababa na kasi ata ang grade ko nito e!
"Hell yes, Nathan is so handsome!"
"Crush ni Agatha!"
"He's mine, huwag niyo nang pakialaman" it's Agatha and her friends.
Napadaan ako sa CR malapit sa Library at habang papasok na sana ay iyon ang narinig ko kaya hindi ako tumuloy sa pag pasok lalo na nung narinig ko ang boses ni Agatha, gusto ko pa sanang makinig pero hindi na sila nagsalita at kahit gusto ko nang mag banyo ay tumakbo nalang ako palayo doon papunta sa Library baka kasi makita pa nila ako dun pag lumabas na sila.
"Ouch!..." At dahil sa pagtakbo hindi ko nakita ang taong nasa harapan kaya naka bangga ko pagka pasok ko sa Library katawan ng isang lalaki ang sumalubong sa akin pagka bukas ko sa glass door ng Library.
"Sorry"....my eye's immediately widened when I saw Nathan.
Hindi ko alam na siya pala iyong naka bangga ko, tila gulat rin siya nang makitang ako pala ang naka banggaan niya at siya pa talaga ang nag sorry! e sa ako naman itong bumangga.
"A-Ah-Ahm..sorry Nathan" sabi ko sa wakas.
"Ikaw pala iyan Elle, well I'm sorry too, saka thank you sa ballpen" aniya sabay pakita sa pinahiram kung ballpen.
Lumiwanag ang mata kong naka tingin sa hinawakan niyang ballpen, nag angat ulit ako ng tingin sa kanya at sa pag ngiti niya lumalabas na naman ang dimples niyang ang sarap tusukin, sana naman balang araw matusok ko iyang dimples niya sa magka bilang pisngi.
"Sa iyo muna iyan, gamitin mo muna habang wala ka pang ballpen" sabi ko.
He just looked at me with a wide smile bago ulit nagsalita.
"Ah mag aaral ka? o magbabasa ulit ng romance novel?" Tanong niya, tumingin sa likuran sa mga libro kaya napatingin rin tuloy ako dun.
"Mag a-advance reading sana" natatawang sagot ko dahil sa nag mention pa siya ng 'romance novel'.
"Sige samahan na kita, mukhang ang saya kasi kapag may kasamang nag aaral e" anito at hindi na ako pinasalita pa at tumalikod na siya sa akin para maglakad papunta dun sa mga libro.
I sighed natulala ng saglit pero nang may nag sabing 'excuse' ay doon ko lang napag tantong matagal pala kaming naka harang sa daanan, tumabi nalang ako at tuluyan nang pumasok, sinundan si Nathan.
🌾
YOU ARE READING
Love Me Tomorrow
Teen Fictioniyong tipong gusto mo naman pero hindi ka pa talaga handa. iyong ayaw mo siyang saktan pero hindi ka pa talaga handa. iyong Mahal mo naman pero hindi pa puwede, matitiis mo bang ipagtabuyan ang lalaking mahal dahil lang sa hindi ka pa handa? madadal...