I pulled myself together and took a deep breath before standing up again. The Marquess is still crying, and it hurts me seeing him that way, but he needs to let everything out.
“Lily, I want you to bring Father a glass of water, and put sleeping powder on it. Do same with the Marchioness and find Buns, he is with the twins,” malamig na utos ko kay Lily na hindi nagsasalita at mukang prenoseso rin ang mga narinig kanina. Ngunit ng tinawag ko muli ang pangalan niya ay mabilis itong bumalik sa realidad at humarap sa akin bago yumuko.
Wala naman itong pasabing umalis kaagad sa aking harapan. Ibinaling ko ang tingin kay Marquess na ngayon ay natutulog na. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil naisip ko bigla si Heinrich. Mag-ama talaga sila, nakatulog agad ng mahimbing pagkatapos umiyak.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis akong lumabas ng Marquessate. Pagkalabas ko ay tumigil na ang ulan, ngunit napakadilim ng paligid, at napaka-itim ng langit.
Nakita ko naman ang mga kawal ng pamilya at mabilis na pumunta sa gawi nila upang balaan sila sa nangyayari at maghanda. Ngunit tila mayroon na silang nalalaman base sa kanilang pinag-uusapan at natatakot na ekspresyon. Nakita ko si Captain Kristoff kung kaya’t tinaas ko ang aking kamay at mabuti nalamang nakita niya ito.
“My Lady! We have bad news, demons has been spotted around the palace,” lintaya niya. Tumango ako sa kaniyang sinabi bago bumuntong hininga.
“The gates of hell has been opened, Kristoff. Ready your men, to help the empire. Half of the knight should stay and guard the Marquessate and everyone inside it, while the rest head to the palace,” seryosong utos ko sa kaniya. Seryoso naman itong tumingin sa akin bago tumango. Ibinaling ko ang aking tingin sa mga kawal na mayroon pa ring takot sa mukha ngunit yumuko pa rin sa aking harapan.
Agad kong kinuha ang kabayong malapit sa amin at sumakay dito.
“We don’t have enough time, hurry,” muling lintaya ko sa kanila bago pinatakbo ang kabayo. Malayo ang kapitolyo, kung kaya’t gumamit ako ng teleportation magic at mabilis na nagteleport sa labas ng palasyo.
Mayroon na ngang mga demonyo ang nakalabas mula sa gate, at nagsisimulang maghasik ng lagim. Napaka-ingay ng kapitolyo. Samo’t saring mga ingay ang maririnig mo. Ingay ng mga taong nagsisigawan sa takot at nagsisitakbuhan, ingay na ginagawa ng mga demonyo, at ingay ng mga kawal na nakikipag-away sa mga demonyo.
Mabilis akong tumakbo papunta sa mga tao upang tulungan ang mga kawal sa pagpaslang sa mga demonyo at ipagtanggol ang mga mamamayan.
“Where are the royal families!?” malakas na tanong ko sa isa sa mga kawal habang nakikipaglaban sa isa sa mga halimaw.
“Lady Despina! What are you doing here?” gulat na tanong nito.
Gumawa ako ng pana out of water magic at tinira ang isang demonyo na papunta sa aming gawi.
BINABASA MO ANG
The Young Lady of Swertuanfel
FantasyWhen a young woman opened her eyes after the Gods gave her a second chance to live again and fulfill her dreams in exchange for one tiny, and not so dangerous mission, she found herself in a body of a 19 year old girl named Despina who's hated by ev...