Chapter 10: Welcome Banquet

2.5K 103 2
                                    

I woke up early like usual but my maids woke up way more early than me and is causing some ruckus inside my room.

"What's the problem?" I asked as I rub my eyes and comb my hair with my hand.

Napatingin naman ang mga maid sa akin at mabilis na yumuko sa aking harapan. Napatingin ako sa paligid at nalula sa nakitang napakaraming mga dresses sa loob.

Hindi sinagot ng kahit na sino ang aking katanungan, maging si Lily kung kaya't ipinagtaka ko iyon. Ngunit nang magtatanong na sana muli ako, ay lumapit sa akin si Lily at mayroong ibinigay na isang kulay itim na sobre na may gintong selyo.

Base on its looks, it's an invitation. But to where? And from who?

Mabilis ko naman itong binuksan at binasa ang nasa loob,

Dear Lady Despina,

                    I humbly invite you, to the welcoming banquet held in our estate in the capital as we will be celebrating another great victory of my son, the current Duke of Pouvoir Family. I also attached some gifts with this letter and I hope you find it good. We will be expecting your presence.

                                                             Duchess Martha.

I wanted to shout in horror and in happiness because I don't need to tirelessly find who's Duke Pouvoir is but God! Ang aga naman ata ng pagtatagpo ng landas namin!? I'm not yet ready to go to war!!!

One minute ago, I was still sitting in my bed spacing out thinking about the things I need to say the moment I see the Duke, another minute I'm already in my bathtub taking a bath and finally fitting every dresses that the Duchess has given, and for Pete's sake it's a total of 50 dresses!

Bakit niya ako binigyan ng ganito ka raming dress kung iniimbitahan lang naman niya ako sa welcome banquet? Parang sinusuholan niya ako kasi ipapakasal niya ako sa kaniyang anak or ano. Tch.

Hindi na ako nakapag-agahan sa dining hall at dito ko na iyon ginawa sa aking kuwarto sapagkat napakaraming bestida ang kailangang subukan. Nang matapos ko na ang pag susubok at nakapili na ng isusuot sa banquet ay humiga agad ako ng mabilis sa aking kama.

"This is so tiring!" I mumbled under my nose as I stare at the violet ceiling with glitters. It also resembles the deep sky full of stars, and that calmed me and took some of my stress and fatigue away.

The twins and I ate lunch together like usual, but we postponed our swordsmanship training because the marquess told us to get ready because we will be departing after lunch.

"Ano sa tingin mo ang itsura ng capital? Nasasabik na akoooooo!" matulis na tumili si Lala dahil sa pagkasabik at pinatahimik naman ito ni Lulu na nasa tabi niya.

Nasa loob na kami ng carriage at halos 8 na oras na itong tumakbo at napakasakit na talaga ng aking puwet. Kailan ba balak tumigil ang mga ito?

Tanging ako at ang kambal lamang ang nasa loob ng carriage at papunta sa kapital ng emperyong Rowan. Ang Marquess at panganay na lalaki ay susunod nalang daw sapagkat mayroon pa raw silang gagawin, habang ang pangalawang lalaki naman ay nasa paaralan na nasa kapital.

The rude young man who disrespect me on that family dinner is currently attending the most prestigious school in the empire, and is top of it's class. Tsk, lucky bastard.

"Are you guys hungry?" tanong ko sa kambal nang marinig ko ang pagkulo ng kanilang mga tiyan at mabilis namang tumango si Lala habang si Lulu ay nag-cross arm at hindi tumingin sa akin.

I instructed the coachman to stop at the nearest food house to get some dinner and he gladly obliques.

Maya-maya lamang ay tumigil ang carriage at binuksan ng isa sa mga kawal na kasama namin ang pintuan kung kaya't lumabas ako. Tinulungan din ng kawal ang kambal na bumaba at sabay kaming pumasok sa isang maliit, ngunit maingay na food house.

"What's your name?" tanong ko sa kawal na siyang tumulong sa akin at mabilis naman itong yumuko bago sinagot ang aking katanungan.

"Ako po si Heffry, my lady," sagot nito. Tumango ako sa kaniya bago tumingin sa masayang kambal.

"Watch the twin closely, Heffry," utos ko sa kaniya na tinanguan naman niya at tumabi sa kambal. Tumango naman ako at tumingin muna sa aming carriage bago naisipang pumasok.

Ngunit mabilis naman akong gumilid nang mayroon akong makitang tumatakbong lalaki papunta sa aking gawi. Muntik na akong madumihan dahil doon ah, mabuti nalamang at naka-ilag ako.

Mabilis naman akong tumayo ng tuwid at papasok na sana nang hindi ko makita ang Isa na namang tumatakbong lalaki papunta sa akin. Ngunit imbis na magkabanggaan ay itinulak ako nito na naging dahilan ng aking pag-upo.

"My Lord! Duke Pouvoir, the criminal's escaping!" malakas na sigaw ng lalaking nasa kaniyang likuran na tumatakbo rin.

'Duke Pouvoir?'

Tumigil ito sa kaniyang pagtakbo at tumingin sa akin, nag-abot ang aming mga mata and I feel something... weird. I felt something hot urging inside me, and I don't like it.

"Stupid. Watch where you're going, and stop blocking the way," malamig na usal niya bago mabilis na tumakbo, hinahabol ang lalaking naunang tumakbo kanina.

'YOU MEAN THAT UGLY, AND ANNOYING MAN IS MY MISSION!? THE FUCK DO YOU MEAN!?' malakas na sigaw ko sa aking isipan at tumayo sa tulong ni Heffry na mayroong nanlalaking mata na nakatingin sa aking kalagayan.

Hindi naman ganoon nadumihan ang aking bestida sapagkat tuyo ang damuhan, maging ang lupa.

"Waaah! What happened ate Pin!?" gulat at nag-aalalang tanong sa akin ni Lala bago lumapit sa akin at tinulungan akong pagpagan ang aking bestida.

"Nothing, natalisod lamang ako. Pasok na tayo?" mahinahong usal ko sa kaniya. Narinig ko namang bumulong si Lulu at mukhang naiinis dahil sa aking katangahan.

Gusto kong suntukin ang batang ito dahil sa inis. Kung alam niya lang talaga ang totoong nangyari, naku!

'I'll surely give that Duke a punch when we meet tomorrow, he deserve a beating for what he did to a young lady!'

Mabuti na lamang at bukas pa sa gabi ang welcome banquet, kung hindi naku! Ewan ko nalang.






tamadsiakuma.♡

The Young Lady of SwertuanfelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon