Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.
It was never supposed to happen. But one moment turned into another, and slowly, the line between curiosity and desire began to blur.
Trevour Brixton grew up in a loving and supportive family. Yet beneath his quiet curiosity was a young man eager to...
I do not own any of the photos used in this story. All image rights belong to their respective owners/creators. Credits go to the rightful photographers, artists, and sources. No copyright infringement intended. Used for creative purposes only.
RIDING THE WAVES, COLLECTING SHELLS
Trevour's POV
May 25, 2019 (Saturday)
7:11 AM
Bahagya kong iminulat ang aking mga mata at ang unang bumungad sa akin ay si Kuya Tray, nakasandal sa gilid ng kama, abala sa kanyang telepono. Ang liwanag mula sa screen nito ang bahagyang nagbibigay ilaw sa silid. Inabot ng aking paningin ang orasang nasa bedside table at doon ko napagtantong mag aalas siyete pa lamang ng umaga.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Masyado pang maaga.
"Did I wake you up, bunso?" tanong niya nang mapansing gising na ako.
"Hindi naman, Kuya," sagot ko, paos at antok pa ang boses. "Pero ba't ang aga mong nagising?"
Humiga siya pabalik sa kama at agad akong niyakap, parang unan. "Jet lag..." mahinang wika nito bago ibinaon ang mukha sa aking leeg, mainit ang hininga, halatang bagong gising din talaga.
Napangiti ako. "Hahaha! Sabagay, 7pm nga naman na sa Manila." biro ko dito.
Napatawa siya at bigla akong kiniliti sa tagiliran. "Hoy, Kuya, STOP! Ikaw kasi, gising na gising na."
"Tigil na, titigil na," sabi niya pero sinabayan pa ng huling kiliti bago tuluyang huminto. Natawa kaming pareho.
Bumangon ako mula sa kama at dahan-dahang tinungo ang higanteng bintana. Hinawi ko ang kurtina at agad na bumungad sa akin ang malawak na dagat. Kulay asul na may halong ginto dahil sa pagsikat ng araw. Marahang humahalik ang mga alon sa buhangin, tila ba may sariling musika ang bawat galaw nito.
Napahinto ako.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Grabe..." napabulong ko. "Ang ganda ng umaga dito."
Lumapit si Kuya Tray sa likuran ko, dala pa rin ang kumot na nakabalot sa katawan niya na parang burrito. Sumandal siya sa balikat ko at sumilip sa labas.