Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.
It was never supposed to happen. But one moment turned into another, and slowly, the line between curiosity and desire began to blur.
Trevour Brixton grew up in a loving and supportive family. Yet beneath his quiet curiosity was a young man eager to...
I do not own any of the photos used in this story. All image rights belong to their respective owners/creators. Credits go to the rightful photographers, artists, and sources. No copyright infringement intended. Used for creative purposes only.
MORE THAN JUST AN APOLOGY
Trevour's POV
June 01, 2019 (Saturday)
7:47 AM
"Trevour, nako etong batang 'to... ay napaka-tagal magbukas ng pinto!" rinig kong daing ni Ate Jolina sa labas ng kwarto ko, sabay malakas na katok na parang may hinahabol na deadline.
"Pinatatawag ka na ng daddy mo't lahat ay nasa hapag na! Are'y akoy mapapagalitan gawa iyang kabagalan mong kumilos!" sunod-sunod na sigaw nito.
Napailing ako habang pinipigil ang tawa. Alam ko na 'to. Kapag tatlong katok na ang pagitan, ibig sabihin malapit na siyang maubusan ng pasensya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napahagikgik ako. "Bababa na, Ate! HAHA!"
"Ha? Ano ga? 'Bababa na' raw! Eh kanina pa iyan sinasabi! Aba'y bilisan mo't lumalamig na ang pagkain! Kapag yan ay hindi na mainit, ikaw ang paiinitin ko!" banta niya na halatang pabiro.
Tumayo na rin ako sa wakas at inayos ang buhok ko sa salamin. "Grabe ka naman, Ate."
"Ako pa ang grabe? Aba'y ikaw etong parang prinsesong hinihintay pa ang karwahe bago bumaba!" sagot niya agad.
Habang binubuksan ko ang pinto, nakita ko siyang nakapamewang, nakataas ang isang kilay. Pero kahit gano'n, halatang pinipigilan lang din niya ang ngiti.
"Mag aalas otso na. Etong batang are kala mo'y nagtrabaho maghapon kahapon eh." nakatingala ito sa akin lalo't parang hindi pa aabot ng limang talampakan ang taas nito
"Lahat naghihintay sa iyo! Ang Kuya mo'y kanina pa nagtatanong kung buhay ka pa raw," dagdag niya sabay irap.
Natawa ako. "OA naman."
"Ako pa ang OA? Aba'y bumaba ka na nga't baka akoy mapagalitan ng daddy mo. Sabihin pa'y hindi kita tinatawag nang maayos!" sabay talikod niya at nagsimulang maglakad pababa ng hagdan.
Parang nakatatandang ate na rin talaga ang turing ko kay Ate Jolina. Mula pagkabata, kasama na namin siya. At sa tuwing paulit-ulit niya akong pinagsasabihan, lalo lang lumalakas ang Batangueña accent niya "aba'y," "are'y," "ano ga" na siyang lalo kong ikinatatawa.
"Sumunod ka riyan ha!" pahabol pa niya habang pababa.
"Opooo!" sagot ko nang may halong tawa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.