10:

120 9 0
                                    

(Kai's POV)

Napatingin ako kay Ashley na nakatingin lang din sa labas ng bintana ng sasakyan. Ano kayang nangyari sa babaeng ito? Simula pag-alis namin sa bahay nina Cyril ay napakatahimik na niya. Sinulyapan ko ang tatlong aso sa likod na natutulog. Ibinalik ko ulit 'yung paningin ko sa daan.

"Ehem. " sumulyap ulit ako sa kanya.

Anong trip ng babaeng 'to?

"Ashley... " hindi pa rin siya natinag.

"Ashley! "

Napaigtad siya. "Futek naman Kai! Bigla-bigla ka na lang manggulat diyan! Nagmumuni-muni pa ako dito oh, panira ka talaga ng moment. "

"Ginugulat ba kita?! Tinawag ko lang pangalan mo. Ano bang nangyari sa'yo? Bigla ka na lang nanahimik diyan! "

Napakamot siya ng ulo. "Teka lang kasi, may inaalala pa ako. Huwag kang maingay. "

"Ano bang inaalala mo? "

"Kaya nga nag-iisip pa ako kung ano ang inaalala ko kasi hindi ko pa talaga maalala. Hayst! Ang gulo mo!! "

Napatingin ako sa kanya. "Bakit ako ang magulo?! Ikaw kaya ang gulo-gulong magsalita diyan! "

"Huwag ka ngang maingay sabi! Nawawala concentration ko eh! "

Concentration-concentration, pinagsasabi nito?

Bigla siyang napapitik sa hangin. "TAMA KAI!! NAALALA KO NA SA WAKAS!! INFAIRNESS HA, ANG TAGAL!! "

"Anong naalala mo? Na hindi ka nag-toothbrush? "

Napatingin siya sa akin. "Excuse me?? Paano mo nalaman?! "

"Kadiri ka! Hindi ka nga nagsipilyo?! "

"Whahahaha!! Loko, nagsipilyo kaya ako. " bigla siyang lumapit sa akin at bumuga ng hangin sa mukha ko. "Mabango 'diba? "

"Mabaho. "

Inirapan niya ako. "Heh! Kunyatan kita diyan eh. "

"Ano ba talagang naalala mo? "

"Si Cyril! Kaya pala pamilyar ang pagmumukha niya kasi nakita ko na siya. "

Napakunot-noo ako. "Saan mo siya nakita? "

"Siya 'yung babaeng nakita ko na kasama mo sa picture. "

"Picture? Saang picture? "

"Doon sa picture frame na nakapatong sa side table ng kwarto mo? "

Tiningnan ko siya ng masama. "Pumasok ka sa kwarto ko?! "

"Ah... Hehehe... Hindi ko naman sinsadya ko eh. Pumasok kasi sa loob si Monggu kaya kinuha ko siya. Nakalimutan kasi ni Manang Shin na isara ang pinto ng kwarto mo kaya nakapasok ang aso. Saka, hindi ko naman sinasadya na nakita ko ang picture na 'yon eh. Natabig ko lang 'yon at nahulog kaya kinuha ko at nakita ko 'yung picture ninyong dalawa. " ngumisi pa siya sa akin.

"Wala ka bang pinakialaman na gamit ko? "

Biglang nawala ang ngiti niya. "Kailan pa ako nangingialam ng mga gamit mo? "

"Bakit, hindi ba? Eh 'yung sapatos ko, pinapalaro mo kay Monggu kaya nadumihan 'yung sintas 'diba? Huwag mong sabihin na si Monggu ang kumuha 'nun dahil hindi maabot ng aso ang pinaglalagyan ng sapatos ko. "

"Eh, 'yon lang! 'Yung sapatos mo la---"

"How about my belt? Pinapalaro mo rin kay Janggu at Jangga. "

"Eh.... "

" 'Yung t-shirt ko? "

"Hin----"

" 'Yung face mask k----"

"Oo na! Oo na! Hayst... Pero wala talaga akong pinakialaman na gamit sa loob ng kwarto mo, okay? "

"Mabuti na 'yung malinaw. "

Umayos siya ng upo. "Balik tayo kay Cyril, may napuna lang kasi ako sa kanya eh. Bakit ganun? Kahit palagi siyang nakangiti at napakamasayahin, pero parang may mali pa rin sa kanya no? "

Natigilan ako. "K-kasi may sakit siya."

Nararamdaman kong bigla ulit siyang napatingin sa akin. "M-may sakit siya? A-anong sakit niya? "

"Brain tumor. "

Napasinghap siya. "B-brain tumor? Jesus Christ.... "

Nag-sigh ako. "Malala na 'yung sakit niya. Bago pa lang sinabi ng mga doktor na hindi na nila kayang gamutin. Kumalat na 'yung tumor. "

Napatakip siya ng bibig at napalunok ng laway. "Kaya pala, medyo hinang-hina na siya. "

"Kung nakikita mo lang ang hitsura niya noon, masasabi mo talaga na ang laki na ang pinagbago niya ngayon. Ang laki ng ibinagsak ng katawan niya. "

Napatingin siya sa labas. "Bakit ganun? Ang bait niya... bakit siya pa? "

Tinatanong ko rin 'yan sa sarili ko, kung bakit sa dinami-daming tao dito sa mundo ay bakit siya pa? Mahal na mahal ko si Cyril. Kung pwede lang ibigay niya sa akin ang sakit niya, okay lang, hindi lang siya mahihirapan. Nasasaktan din ako kapag sa makikita ko siyang nahihirapan sa tuwing sumusumpong ang sakit niya. Ang sakit isipin na kukunin na siya sa amin. Na iiwanan na niya kaming lahat. Na hindi na siya magtatagal dito sa mundo

Wala na kasi kaming magawa dahil hindi na umi-epekto ang mga gamot na ininom niya. Mas lalong gumuho ang mundo namin nang sinabi ng mga doktor na may taning na ang buhay niya. Ang sakit! Alam niyo 'yung feeling na parang gusto mong maunang mamatay na lang kesa makita mo siyang mamatay na rin??

Parang naghihintay na lang kami kung kailan siya kukunin sa amin. At hindi ko gustong dumating ang oras na 'yon. Ang bait ni Cyril, kaya labis kaming malulungkot kung mawawala siya.

"Kai, p-paano pa niya magawang ngumiti at sumaya? "

Pilit akong ngumiti. She's strong and independent woman. Ayaw niyang may makikita siyang nalulungkot na tao sa paligid niya. Ayaw niyang may nag-alala ng husti dahil sa kanya. Ayaw niyang aalagaan siya na parang bata dahil para na rin daw na pinapaalala sa kanya na may sakit siya at hindi na niya kayang gawin ang lahat ng bagay na gusto niyang gawin. Ayaw niyang binabantayan lagi ang mga kilos niya dahil gusto rin niyang mamuhay ng simple. Mamuhay na walang inaalalang sakit. Gusto niyang kalimutan na bilang na pala ang buhay niya dito sa mundo. Gusto niya, habang may buhay pa siya ay magagawa pa niya ang lahat ng gusto niyang gawin. "

"Ang hirap ng sitwasyon ni Cyril... " mahinang sabi niya.

"Yeah, tama ka. Nalulungkot nga ako kasi minsan ko na lang siya mabibisita, pero ayaw naman niyang bibisitahin ko siya palagi. "

"Kahit naman siguro ako, ganyan rin ang gagawin ko. Ayokong may magpapa-alala sa akin na may sakit ako, na bilang na pala ang araw ko. Ayoko rin na may magdidikta sa akin sa lahat ng gusto kong gawin. Ayokong parang scripted ang buhay ko dahil parang may isang direktor na utos ng utos sa akin na dapat ito ang gagawin ko, na ito ang hindi dapat kong gawin. Gusto kong malaya ako palagi.... "

Ano na daw pinagsasabi niya?

Napatingin ako sa kanya. Parang ang lungkot-lungkot ng mukha niya.

"Ano bang pinagsasabi mo? "

Yumuko lang siya.

Tahimik na lang kaming dalawa hanggang sa pagdating namin sa bahay.

"Oh Kai, may bisita ka yata. " puna ni Ashley nang makita naming may kotse na naka-park sa labas ng bahay.

Bumaba siya at kinuha ang tatlong aso sa likod. Bumaba na rin ako.

Teka, kilala ko ang kotse na 'to ah!

"Wahhhh Kai my loves! There na you pala!! "

Haist...

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon