48:

62 7 4
                                    

(Kai's POV)

Nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan nila Suho hyung. Huminto rin ako at agad na bumaba sa sasakyan ko at pumunta sa sasakyan nila.

"Anong nangyari? Ba't kayo huminto?" Agad na tanong ko sa kanila pagkalapit ko.

Ngumuso si Tao hyung. "Eh huminto yung van na sinusundan natin."

Napatingin ako sa unahan. Nakita ko nga yung van na nakaparada. Medyo malayo ang distansya namin sa kanila pero kitang-kita naman namin sila mula rito.

"AY TEKA! 'DIBA BAHAY NILA ASHLEY 'YAN?!" bulalas ni Baekhyun hyung.

Napatingin naman kami sa tinuturo niya.

"Ay, oo nga no? ANLA! ANONG GINAGAWA NILA DIYAN?!"- Tao hyung.

"TEKA, HUWAG MONG SABIHING DADDY NI ASHLEY ANG MISMONG NAGPAPAKIDNAP SA KANYA?!"- Suho hyung.

Sh*t! So tama talaga ang hinala ko!!

"Pwedeng oo, pwede ring hindi."

Napatingin kami kay Umin hyung. "Huh? Anong ibig mong sabihin, hyung?" Tanong ni Tao hyung sa kanya.

"Hindi porke't dito siya dinala sa bahay nila, ay 'yong daddy na niya ang nagpapakidnap sa kanya."

"Ibig mong sabihin hyung..baka ibang tao ang gumawa nito at dito lang talaga dinala si Ashley?!"- tanong na naman ni Suho hyung sa kanya.

Tumango-tango siya. "Posible rin. Baka kakilala lang nila ang gumawa nito. At posible ring lahat ng tao na nakatira diyan sa loob ng bahay na 'yan ay nasa panganib."

"Hala...oo nga no?"- Tao hyung.

"Si crush!"

Napatingin kami sa van. Nakita naming lumabas yung mga nasa loob...at si Ashley. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya nagulat habang nakatingala sa bahay nila.

Akmang lalapit si Tao sa kanila nang hinila siya pabalik ni Umin hyung. "Tao! Pwede ba, kung ayaw mong may masamang mangyari sa'yo at kay Ashey tumigil ka dyan!"

"Pero hyung, baka ano na ang gagawin nila kay Ashley! Ano? Tutunganga lang ba tayo dito?! Hindi natin siya ililigtas?!"

"Syempre tutulangan natin! Kaya nga tayo nandito 'diba?!"

"Kaya naman pala eh! Hihintayin pa ba nating may mangyayari saka tayo kikilos?!"

"Aish, shut up Tao! Shut up!!" Inis na angil ko sa kanya. "Hindi tayo pwedeng padalos-dalos lang baka mapahamak tayo at si Ashley! Maaaring hindi lang tatlong lalaki 'yan ang nandiyan! Posibleng mas marami pa ang nandoon sa loob! Saka, sa tingin mo ba walang baril ang mga 'yan?! Anong laban natin?!"

Napayuko naman siya. "Nag-alala lang naman ako kay Ashley.."

"Tao, lahat tayo nag-alala kay Ashley..pero tama si Kai, hindi tayo dapat magpadalos-dalos sa mga kilos natin. Kailangan muna natin magplano kung paano natin makukuha si Ashley. Wala tayong alam kung anong nangyayari diyan sa loob at kung ilan lahat ang kalaban natin. Kaya kumalma ka muna diyan okay?" Pagpapaliwanag naman ni Suho hyung sa kanya.

"Okay, Suho eomma.."

Bigla naman siyang binatukan ni Suho hyung. "Siraulo ka talaga! Akala ko nagseseryoso ka na! Bwesit 'to."

"Kina-career mo kasi ang pagpapaliwanag eh!"

"Eh kasi hindi mo naiintindihan! Ang tigas ng ulo mo!"

"Hoy, tumigil na kayo diyan! Bakit ba kayo nagsisigawan?" Bulalas ni Baekhyun.

"HOY BUMALIK KA DITO!! HABULIN NIYO BILIS!! ANAK NG---"

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon