59:

63 6 11
                                    

(Kai's POV)

"EXOOO!! SHHYYY!! YOOOSSSHHH!! ANO BA?! BUKSAN NIYO 'TONG PINTOOOO!!"

Nakatingin lang ako sa kanya habang kanina pa siya sigaw ng sigaw, at kanina pa rin niya kinalampag at sinisipa ang kawawang pintuan. Mukhang ako pa nga yata ang nasaktan para sa pintuan.

Napalingon siya sa akin. "Kai! Bakit ka ba nakatunganga lang diyan?! Tulungan mo ako dito! Sisirain natin 'tong pinto!"

"Tss..hindi natin 'yan masisira."

Inis naman siyang napakamot sa noo niya. "Ano ng gagawin natin?!"

Nagkibit-balikat lang ako. "Wala na tayong magagawa. Maghihintay na lang tayo kung kelan nila gustong buksan 'yan."

Plinano nila 'tong lahat kaya wala talaga silang balak buksan ang pinto. Ano kayang nasa utak ng mga 'yon at ginawa nila ito?

Napangisi ako. At least, this is my chance! Thanks to them. Mukhang may alam na sila. Kahit hindi ko pa sasabihin, nahahalata na nila.

Padabog naman siyang umupo ulit. "Bakit ba ginagawa nila 'to sa atin? Ano bang iniisip ng mga baliw na 'yon?!"

Umupo na rin ako katapat niya. Tinitigan ko siya.

Ilang weeks ko palang siyang 'di nakikita pero bakit parang gumanda siya lalo?

Gustong-gusto ko na talaga siyang puntahan sa bahay nila because I'm dying to see her, kaso natatakot ako. Natatakot akong mahahalata niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Yeah, gusto ko siya---no! I love her. I admitted that to myself already. Ni pag-text at pagtawag sa kanya ay hindi ko pa magawa.

Torpe? I guess so..lahat naman yatang lalaki natotorpe pagdating sa babaeng nagugustuhan nila. Mahirap kaya sa amin ang umamin, lalo na 'yong manligaw. Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang ma-basted. Kung gaano kasakit kapag malaman namin na hindi kami gusto ng babaeng nagugustuhan namin. Nag-iipon kami ng lakas ng loob para mailabas ang nararamdaman namin tapos babastedin lang kami? Unfair din kaya sa amin 'yon.

Kaya, hindi niyo rin ako masisisi kapag hindi ko magawang magtapat sa kanya, dahil natatakot akong malaman na hindi kami pareho ng nararamdaman. Totoo talagang naduduwag ako. Pero, nung nag-usap kami ni Chen hyung, yung mga sinabi niya. Natauhan ako. Tama siya, dapat maging matapang ako kesa sumuko na lang ako na hindi ko nasabi ang nararamdaman ko, mas lalo akong talo.

At! May plano na sana ako kung paano magtapat pero itong mga baliw kong kasama, masyadong excited at inunahan pa ako! Tss..

"What?" Untag niya sa akin nang nahalata niyang kanina ko pa siya tinitigan. Para naman siyang naiilang at nag-iwas ng tingin.

"Kumusta ka na?" Biglang tanong ko sa kanya habang titig ng titig pa rin ako sa mukha niya.

Bumaba pa ang tingin ko sa labi niya at bigla ko na lang naalala ang pagnakaw ko ng halik sa kanya.

Napatingin ulit siya sa akin at inirapan pa ako. "Buti naman naisipan mo pa 'yang itanong sa akin no? Ganun ka ba talaga ka-busy at hindi mo man lang maisipang bumisita sa bahay para kumustahin 'yong mga aso?!"

Bumuntong-hininga ako. "Sorry.."

Naduduwag kasi ako..

"Ni hindi ka man lang tumawag at nagtext!"

"Bakit hindi na lang kasi ikaw ang tumawag sa akin?" Balik-tanong ko rin sa kanya.

Hinihintay ko rin kaya ang tawag niya. Kasi gusto ko ng marinig ang boses niya.

"E-eh kasi wala akong load!"

"Tss..wala kang load pero nagawa mong tumawag kay Suho hyung? Sa kanya ka pa talaga nangungumusta?"

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon