43:

77 6 9
                                    

(Ashleah's POV)

Umupo ako sa tabi ni Kai. "Ano ba naman 'yan, Kai! Pororo na naman?! Hindi ka ba nagsasawa?!"

"Kapag gusto mo, hindi ka magsasawa."

Ano bang meron kay Pororo at nahuhumaling siya ng ganyan?

Kinuha ko 'yong popcorn na nakapatong sa kandungan niya at isinubo halos ang kalahati nun.

"U-uyy, huwag mong ubusin!" Sigaw niya sa akin sabay bawi ulit ng popcorn.

Damot! Hindi ko naman inubos ah!

Nang malunok ko na 'yong kinain ko ay agad ko siyang kinulbit. "Kai, ano 'yon?" Sabay turo dun sa shoe rack niya kaya napalingon naman siya dun.

Bigla kong hinablot yung remote sa kanya at inilipat sa ibang channel.

O_______O

WAAAAAAHHHHHH!!! SAILOR MOON!!

^__________^

"Hoy, ba't mo nilipat?!"

Iningusan ko siya. "Nakakasawa na kasi 'yong pagmumukha ni Pororo. Buti pa si Sailor Moon oh, ang ganda! Waahhh! OMG!!"

Hinablot niya sa akin ang remote at nilipat ulit sa Pororo.

"Kai, wala ka talagang good manners at right conduct no? Nanunuod yung tao!"

"Wow, nagsalita ang merong good manners at right conduct! Kaya pala 'nung nanunuod ako kanina bigla mo na lang nilipat! Pwede ba, nakikinuod ka lang at bahay ko 'to kaya wala kang pakialam kung ano ang papanuorin ko!"

Nag-pout ako. Bakit ba ang damot niya? Sailor Moon gusto ko eh!

TT________TT

Bigla ko siyang tinulak kaya napahiga siya sa sopa. Umupo ako sa tiyan niya at pilit na kinuha 'yong remote sa kanya.

"H-hoy! Ano bang ginagawa mo?" Itinaas naman niya 'yong isang kamay niya kung nasaan 'yong remote.

"Sailor Moon ang gusto ko, magsawa ka na kay Pororo, kaya ibigay mo na sa akin 'yan Kim Jongin!!"

"Ayoko."

"Akin na sabi!"

"Sabing ayok--aray! Ano ba ang bigat mo! Umalis ka nga diyan!"

"Oo, alam kong mabigat ako. Pero, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ibibigay sa akin 'yang lecheng remote na 'yan!"

"Alin ba sa salitang A-Y-O-K-O ang hindi mo maiintindihan?!"

"Aish! Alin ba sa SAILOR MOON NGA ANG GUS-TO KO ang hindi mo rin maiintindihan?!" Asik ko sa kanya at pinilit pa ring abutin 'yong remote sa kanya.

Bakit ba ang haba ng braso niya?

TT_________TT

Muntik ko na sanang makuha yung remote pero nilipat niya sa kabilang kamay.

"Kai naman eh!"

"Tss..."

"HOY!! ANONG GINAGAWA NINYONG DALAWA??!!"

Sabay kaming napalingon ni Kai sa may pinto.

O________O????!!!!----> reaksyon nilang lahat.

"Yosh? Teka, bakit kayo nandito?"

Tinuro niya ako habang nakanganga at parang gulat na gulat. "U-umayos ka.."

"Huh?"

Napatampal siya sa noo. "Oh my Gosh, Ashleah!" Bigla niya akong pinaliliitan ng mata at humahalikipkip. "Kumportable ka ba sa ginagawa mo ha?!"

Please Don't GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon