"Kaye." tawag sakin ni Marealla.
"Oh?"
"Paabot naman nun." Tinuro nya yung chips na nasa mataas na rack. Inabot ko sa kanya yun.
Ilang araw na yung lumipas mula nung getting-to-know-each-other scene sa bar. At sa ilang araw na yun, laging pumupunta dito ang banda nila Renren. Okay lang naman, eh. Ang nakakaasar lang, yung kinukulit ako ni Lemuel. Boset. At ayun nga, napilitan akong makipagkaibigan sa kanya.
At yung nagtext sakin nung gabi pagkauwi namin, si Lemuel pala yun.
Pagkatapos namin kunin lahat ng bibilhin namin, dumiretso na kami sa counter para magbayad.
Pagkatapos namin magbayad, dumiretso kami sa KFC. Fave namin to bh3.
Pumunta si Erika sa counter para umorder, samantalang kami naman ay naghanap ng table.
Nagvibrate bigla yung phone ko. Si Lemuel to, matik na.
From: Lemuel
Kaye.Nagreply ako, What?
San ka?
Baket gusto mo malaman?
Wala lang, hehe.
K.
So, san ka nga?
Bakit nga?!
Bakit masama ba? Hehe.
Sa sobrang inis ko sakanya, hindi ko nalang sya nireplyan.
Tinago ko na yung phone ko pagkatapos nun, saktong dumating si Erika kasama yung inorder nya.
"Musta kayo ni Lemuel?" biglang tanong ni Marealla.
"Huh?" sabay kagat sa chicken.
"Sus, deny deny pa! Hahahaha, yieee."
"Luh, anong meron?" poker face kong sabi.
"M.U na kayo ni Lemuel eh. Yieeee." WHAT THE?!
"What the hell?!" muntik na kong mabilaukan dahil sa sinabi nya.
Uminom agad ako ng tubig. Kainis naman oh.
"Hahahahaha--sorry na hahahahahahaha." Binato ko sya ng tissue. "Kadiri naman to!"
Bwisit na bwisit na nga ako kay Lemuel, eh. Tapos dadagdag pa sya? Kaasar ah.
"Sorry na hahaha." Inirapan ko sya at pinagpatuloy yung pagkain ko.
Umuwi na kami pagkatapos nun.
Umakyat ako sa kwarto ko para maligo ulit. Ang init talaga, putspa.
Pagkatapos ko maligo, bumaba na ko. Kumuha na din ako ng mogu-mogu sa ref. Favorite ko to, men.
Tahimik lang kami sa sari-sarili naming gawain ng may magdoorbell.
"Marealla, buksan mo na." sabi ni Erika na nag-aayos ng mga binili namin.
"May ginagawa ako." sabat ni Marealla na nanonood.
"Oh, Chl--"
"Ops, busy ako." Jusko, nagc-cellphone lang naman sya.
Tumayo ako para buksan yung gate.
Niluwa nito sila Renren. Sino pa ba? "Hi Kaye!" bati nila sakin.
"Yo."
Pumasok sila sa loob. Okay lang yan. Mga feel at home yung mga yun eh.
"Tara na babe." sabi ni Lemuel.
AY TUPANGINANG KINALBO!
"Babe? Fck off." sabi ko sakanya at iniwan sya sa labas. Bahala sya sa buhay nya.
Narinig ko namang tumawa sya at sumunod din sakin.
Bwisit na lalaking to! Hindi nya ba alam na ayaw na ayaw kong tinatawag akong babe? Dahil una sa lahat, hindi kami! Pangalawa, hindi ako baboy! Pangatl-- ay wala na palang pangatlo.
Naabutan kong nakaupo ang lahat sa sofa habang may foods at drink sa table na nasa harap nila. Bilis ah? Kami nalang pala hinihintay.
Umupo ako sa tabi ni Chloe samantalang si Lemuel, sa harap ko. I mean, sa tabi ni Mark.
Ugh! Bwisit talaga.
Napansin ko namang pinipigilan ni Lemuel ang tumawa. Like what the hell? Anong nakakatawa don?
Inirapan ko sya at binalik ang tingin ko sa phone ko. Nagt-twitter ako.
"@kayekk Bwisit na lalakeng to."
Biglang dumami ulit notifs ko, puro fave, rts, at replies.
Biglang lumabas sa tl ko, pangalan ni Lemuel. Pagtingin ko, nagc-cellphone ang loko.
"@lemuelszxc babe."
Tumingin si Lemuel sakin at biglang nagsmirk. Inirapan ko lang sya.
"Guys? Ano? Magt-twitter nalang ba kayo?" tanong ni Erika.
Ay, halos lahat kami may hawak na phone. Kaya pala sunod sunod pangalan nila sa tlist ko. Abaaaaa.
"Ay sorry po, boss." sabi ni Mark.
"Yan ka nanaman sa boss boss na yan ha!"
Ow, nangangamoy isda.
"Laro nalang tayo! Dare. Kung kanino matapat yung bote, pipili sya ng number from 1-50 na dares tapos gagawin nya yun. Okay?" Panimula ni Kyle.
"Game!" Inikot ni Kyle yung bote at natapat kay Mark.
"Number 5." Tinignan naman ni Kyle sa phone nya kung ano yung dare nya na yon.
"First letter of the name of your special someone."
"E." Diretsong sagot ni Mark. Umiwas naman ng tingin si Erika. Ah!!!! Sabi ko na, eh.
"Ikot mo na, Mark." Inikot ni Mark yung bote at tumapat ito kay Chloe.
"17." sabi ni Chloe. "Ayus-ayusin mo Kyle ah!"
"Kiss mo sa cheeks pinaka-kaclose mo dito. Isa lang, ha." Tumingin sya samin at parang tinatanong kung okay lang. Tumango ako at ganun din ang ginawa nila Erika.
Kiniss nya sa cheeks si Marealla. "Aw!!! Nakakatats yon, sis. Halika nga dito sapakan tayo."
Inikot na ni Chloe ang bote at tumapat ito kay Lemuel.
"15."
"Hold her hand for five minutes." Pag 'her' matik na spesyal samwan yon.
Ngumiti si Lemuel at papunta sa..... pwesto ko?
******
Err. Hahaha!
