Kaye's POVAndito kami sa bar na pagtutugtugan namin.
"Tara na." yaya samin ni Erika. Tutugtog na kami.
Isang beses lang kami tutugtog dito tapos sa ibang bar naman. Ganon kasi talaga kami. Nung last na tugtog lang namin yung naiba. Birthday kasi ng may-ari ng bar kaya inarkila kami.
"Itong kanta po na kakantahin namin ay isang Korean song. Maganda kasi yung message nya kaya ayun. Alam kong hindi nyo maiintindihan pero okay lang yan. Maganda naman yung mga kumakanta. Hahahaha! Joke lang. Nirequest ito ng may-ari ng bar kaya wala kayong magagawa. Hahaha! Joke lang ulit." -Chloe
Lahat kami may mic, lahat kasi kami kakanta.
*plays don't go by exo*
"So ayan! Sorry kung wala kayong naintindihan. Ako din wala eh. Hahaha! Thankyou!" Chloe bago kami bumaba.
Pagtapos namin tumugtog, nagtungo na kami sa next na place na pagtutugtugan namin.
"Uy, babe!" Bati ni Marealla kay Renren. Ofcourse, nagkita lang naman ang banda ng boyfriend nya at kami.
"Babe!" sabay halik sa pisngi ni Marealla.
Clingy! I hate those kind of people. Kala mo naman may aagaw sa boyfriend or girlfriend nya.
"What are you doing here?"
"Tumugtog din kami dito. Actually kanina pa, kaya naglakad lakad nalang muna kami. Napanood nga namin kayo eh. Galing! Hehehe."
Napansin ko namang titig na titig sakin yung isang kabanda ni Renren. Di ko nalang pinansin at tumingin sa dalawang magsyotang unggoy na nag-uusap. Ay sorry.
"Ehem." nahalata na siguro ni Marella na naiinip na kami. Like what the hell?! Pumunta kami dito para tumugtog hindi para makipaglandian.
Pero wala eh, bestfriend namin sya eh.
"Ay! Oo nga pala, una na kami ah? Tutugtog pa kasi kami sa ibang bar. Sige bye!" Buti naman.
Habang naglalakad kami papuntang parking lot, biglang nagsalita si Erika.
"Musta pag-uusap nyo ni babe mo?" note the sarcasm.
"Hala! Grabe kayo sakin ah. Ngayon ko lang ulit sya nakita eh. Namiss ko lang. Sorry na agad!" What? Magkasama kaya sila kaninang umaga. Psh.
"Magkasama kaya kayo kanina, teh." sabi ni Chloe.
"Ay oo nga 'no? Tanga ko talaga." tumawa naman sila Erika dun. Eh? What's so funny?
Pagkadating namin dun, tumugtog din kami agad.
(a/n: Sorry kung puro ganyan. Wala kasi akong mga alam na ginagawa at kinakanta ng mga banda. Huhu, sorry na.)
"Inom tayo." I said. Syempre, hindi nakakalasing yung mga inorder namin. Duh? Magdadrive pa kami.
"Guys, nandito daw sila Renren."
"Nanaman?" tanong ni Chloe.
"Sus! Ayaw mo pa? Makikita mo na nga yung poreber mo dun." Walang forever, guys.
"Poreber? Sino?"
"Weh, pa-inosente pa eh 'no!"
"Luh, sino nga?"
"Sino pa ba? Edi si Kyle!" Nag-'ayie' naman kami don. Nakisali ako, syempre.
Ay si ate mo Chloe, namula.
ate mo Chloe? Yuck, sounds jeje.
Pagkadating ng order namin, kasabay nun dumating yung Natural Spirit, banda nila Renren.
Syempre, pinagtabi ni Erika si Chloe at Kyle. Di naman sila naka-angal. Si Erika pa ba? Bhoszxc MapAgMahaL yan eh.
Magkatabi naman si Marealla at Renren, matik na.
Tapos magkatabi yung dalawa pang kabanda ni Renren. Sila Mark at yung isa si Lemuel ata? Ewan.
"Guys, may tanong ako." biglang sabi ni Marealla.
"Ano?" sagot ko.
"Bakit ang ganda ko?" Binato sya ni Erika ng chips na nasa table namin, "Aray! Powtuh."
Tinawanan lang namin sya. Ay mali, sila lang pala.
"Kala mo masakit talaga e 'no?" sabi ni Chloe.
"Oo nga, sus! Gusto mo lang mag-alala sayo si Renren eh!" Erika.
"Tapos yayakapin ka nya kasi nasaktan ka." Chloe.
"Tapos kilig na kilig ka naman." sabat ko.
"Oo na! Boset." Tumawa nalang ulit sila.
Nagbulungan bigla si Renren at si Lemuel ba yon? Basta yon.
"Gago, pre. Wag na! Nakakahiya.
"Di yan, tanga."
"Uhm, Kaye!" tawag sakin ni Renren.
"Whut?"
"Lemuel nga pala." Ayun, Lemuel pala talaga.
"Uh, hi?"
"Hello." nginitian ko sya.
"Pre tabihan mo na." rinig kong sabi ni Mark.
Dahil may bakante pa sa tabi ko, ayon. Umupo nga ang loko.
"Hi." Lemuel. Infairness, gwapo sya ah.
"Hi nanaman?" cold na tanong ko.
"Ay, sorry. Hehehe." napakamot sya sa ulo nya.
Hindi ko na sya pinansin at ininom yung beer na nasa harap ko.
"Kamusta?" biglang tanong ni Lemuel.
Srsly, kakakilala palang namen ah? "Okay lang."
"Ah. Hehe." Ngumiti nalang ako.
Sabi nila cold daw ako. Oo, cold ako magsalita pero hindi ako masungit.
"Uhm, ano...." Tinaasan ko sya ng kilay. "Can I get your number?" Ooh.
"Sure." In-enter ko na yung number ko sa phone nya.
"Ah,guys? Uwi na kami ah? Late na din kasi eh." paalam ni Erika.
Nagbabye na kami at umuwi na.
Pagkauwi ko, nagshower na ako at dumiretso sa kama.
Haaaaay, kapagod.
Patulog na sana ako ng biglang tumunong yung phone ko.
"Hi."
*********
