S I X

8 2 0
                                    


Weeks have passed since that incident. Sa totoo lang, naiinis pa din ako kay Lemuel. Tangina lang kasi, kayo kaya mapunta sa ganong sitwasyon? Diba? Tapos umalis lang pala sya bigla kasi bumili sya ng pagkain kasi nga narinig nya ko nung bumulong ako. Napatawad ko na naman sya. Hindi naman ako marunong magtanim ng galit.

Pero tbh, napangiti naman ako kahit papano nung sinabi nya sakin yun. Syempre 'no?! Bilang nalang sa mundong to mga lalakeng ganun.

Nandito kami sa bahay ngayon, kasama sila Lemuel. Wala, trip lang nila pumunta dito. Tsaka nandito mga poreb3r nila.

May sari-sarili kaming mga gawain ngayon. Si Erika at Mark, lumabas saglit para bumili ng pagkain. Si Chloe at Kyle, ayun nagbabangayan.

"Akin na nga yaaaan!" sigaw ni Chloe na pilit inaabot yung chocolate sa kamay ni Kyle na nakataas. Dahil matangkad si Kyle, hindi nya ito maabot. Kung matangkad si Chloe, mas matangkad naman si Kyle.

Si Marealla at Renren naman, nanonood ng tv.

Ako? Malamang nagc-cellphone. Lagi naman akong nagc-cellphone kaya dapat masanay na kayo.

Si Lemuel? As usual, kinukulit nanaman ako.

"Babe dali na kasi! Selfie na kasi tayo." singhal nya.

"Ayoko. And please stop calling me babe." Kanina nya pa ako pinipilit na magselfie daw kami.

Busy ako sa pagc-cellphone ng makarinig ako ng 'click' ng camera. Napatingin ako sa cellphone nya at sakto nyang pinindot ang click button ng camera kaya yung itsura ko don parang tanga.

"Hoy ano ba! Delete mo nga yan!" pilit kong inaagaw sa kanya yung cellphone nya.

Hanggang sa mapagod na ko, sumuko na ko. Hayaan mo na sya.

Umupo ulit ako at nagcellphone. Scroll lang ako nang scroll sa facebook ko ng makatanggap ako ng notification.

'Lemuel Sy tagged you in a photo.'

Tinignan ko sya ng masama at umakyat sa kwarto ko. Matutulog nalang ako. Tutugtog pa kami mamaya.

*****

"Yo guys. Ako muna vocalist ngayon, hehehe."

Wala munang drums ngayon kasi ako nga ang vocalist. Guitar muna ang hawak ni Chloe ngayon.

Sumignal na ako para magsimulang tumugtog.

Para kang facebook status ko, maya maya gumugulo sa isip ko.

Alam mo ba na, like na like kita? Oh please naman magcomment ka nalang.

Seenzoned ako parati sayo. Masakit pero kakayanin ko. Sino nga ba, naman ako sayo? FB Friend lang yan ang tawag mo.

Bigla kitang na-tag. Nagalit ka naman. Oh please aking crush, makinig ka naman.

Hindi ko alam kung bakit ganon yung nararamdaman ko tuwing kasama ko si Lemuel. Feeling ko, safe ako kapag kasama ko sya. Feeling ko nga, nahuhulog na ko sakanya.

Nakatingin lang ako kay Lemuel habang kinakanta iyon. Nandito din sila sa bar na tinutugtugan namin ngayon. Kakatapos lang din nila tumugtog. Kasalukuyang nasa baba sila ng stage at nanonood samin.

Ikaw, ikaw, ikaw ang aking puso. Oo, ikaw, ikaw ang aking puso. Sana sinta ganon ka rin diba? Ako, ako, ako ang puso mo.

Ngayon ko lang nalaman, sa ilang linggong pagsasama namin ni Lemuel, nahulog na pala talaga ako sakanya. Kahit lagi akong naiinis sakanya, at kahit lagi nya kong kinukulit, na-fall na talaga ako ng tuluyan.

Sobrang bilis ng pangyayari. Pero wala eh, nandito na. Nararamdaman ko na. Hindi mo naman mapipigilan kung magmahal ang puso diba?

Sa school, andaming nag-abang. Nagtatanong kung tayo na bang dalawa? Umurong dila, di nakasagot. Pa'no bigla kang sumulpot.

Bigla kang nagsmile. Puso'y nahimatay. Lahat natulala ng bigla kang kumaway.

Hindi mo mapapansin, nahuhulog ka na pala sakanya. Yung tipong, gusto mong lagi syang kasama. Yung lagi kayong nag-uusap. Kasi ako? Naranasan ko yan. Gusto ko lagi ko syang kasama kahit kinukulit nya lang ako. Gusto ko lagi ko syang kinakausap kahit sobrang bwisit na bwisit ako sa kakatawag nyang babe.

Hindi ko alam na mangyayari to, unexpected.

Nakakatuwang isipin, kung ikaw ay mahulog sakin. Wag lang sana gisingin sa mundo ng panaginip. Kase mahal kita, ganon lang talaga. Ikaw lang walang iba.

Saktong pagtapos ng kanta, nagpalakpakan lahat ng tao.

Bumaba agad kami sa stage at dumiretso sa pwesto nila Lemuel.

"Ganda pala ng boses mo, Kaye." bungad ni Mark.

"Mas maganda pa din boses ko." pagmamayabang ni Chloe.

Hinatak ako palayo ni Lemuel at nakarating kami sa parking lot.

"Why?"

"I like you."

------

Relate na relate ako sa kanta na yon. Hahahahaha! Vote and comment puhlease. :( HAHAHAHA Iniba ko na po pala yung name ni Ella. Marealla na po yung bagong name ni Ella.

P.S Sorry sa mga wrong grammar. :c

-alienk.

Battle of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon