(a/n: Maraming POV tong chap na to.)"I like you." bulong ni Lemuel kay Kaye.
"Huh?" hindi marinig ng maayos ni Kaye dahil kahit nasa parking lot sila, rinig na rinig pa din ang tugtugan sa loob.
Lumapit si Lemuel kay Kaye sabay bulong sa tenga nito, "Sabi ko, I like you."
Medyo nagulat si Kaye. Medyo lang. Kasi alam na nyang may gusto sakanya si Lemuel. Mula nung unang pagkikita palang nila.
"Oh, ano ngayon?" pambabara ni Kaye.
"Grabe ka naman, Kaye." nalungkot ng bahagya si Lemuel dahil sa sinabi ni Kaye.
Agad namang binawi ni Kaye iyon at niyakap si Lemuel. "Joke lang, I like you too."
"T-talaga?" hindi makapaniwala si Lemuel. Sa tagal kasi nyang kinukulit ito, hindi nya alam mapapa-amin nya pala ito. Sobrang saya nya lang.
*****
Lemuel's POV
Hindi ako makatulog kagabi dahil sa nangyari kagabi sa parking lot. Sobrang saya ko lang talaga.
First time kong magseryoso sa babae. Realtalk. Dati kasi, mahilig akong magpaasa ng mga babae. Yung parang nangm-micro? Basta ganon. Pero nagbago na talaga ako mula nung nakilala ko si Kaye.
"Hoy, tulala ka nanaman dyan." napatingin ako kay Mark na nasa harap ko ngayon.
"Ha?" tanong ko.
"Yan kasi, tulala. Sabi ko, may balak ka bang ligawan si Kaye?" sabi ni Renren habang nagc-cellphone. Malamang, katext si Marealla.
"Oo naman."
"Nako, pre. Baka naman microhin mo yun ah. Lagot ka kila Chloe." sabat ni Kyle.
Nasa sala kami ngayon. Wala kaming magawa eh.
"Hindi 'no. Wala akong balak microhin yun. Nagbago na ko."
"Nako pre, ayus ayusin mo lang talaga."
"Bakit ba? Parang matagal na nating kaclose yung mga yun ah? Hahahaha."
"Gago pre. May nakwento kasi sakin si Marealla. About sa past ni Kaye." napatingin ako sakanya, "Gusto mo malaman?" tanong nya.
Marealla's POV
Hi, buti naman nagkaPOV ulit ako. Hahahaha.
We are here live at the Resorts World Manila--charot lang.
Nandito kami sa isang garden kung saan gaganapin ang sorpresa ni Lemuel kay Kaye.
Garden 'to na malapit lang samin. Kanina, nagdecorate kami nila Chloe at Erika dito. Tulog pa si Kaye nang isagawa namin 'to. Syempre bawal nya malaman! Surprise nga diba?
"Ready na daw guys! Nagtext na si Chloe. Papunta na daw sila." sigaw ko. Nagready naman sila at pumunta sa kani-kanilang pwesto.
Rinig naming may humintong kotse sa labas, sila Kaye na siguro yon.
Pagkapasok nya, lumapit sa kanya si Kyle na may nakasulat na letter W sa tshirt. Binigyan nya si Kaye ng rose at umalis din agad.
Lumapit naman ang ibang kaibigan nila Lemuel na may dalang bulaklak.
Hanggang sa lumapit na din ako, si Chloe at si Erika na may dalang bulaklak.
Lumapit si Renren para takpan ang mata ni Kaye, agad namang pumunta si Lemuel sa harap ni Kaye na may hawak na rose din at sa tshirt nya may nakasulat na 'bae'. Wala trip nya lang daw, sabog yon e.
Tinanggal ni Renren ang pagkakatakip nya sa mata ni Kaye at nagulat si Kaye ng makita nya si Lemuel sa harapan nya.
Nagulat din sya ng makita kaming nakahilera sa likod ni Lemuel na bumuo ng 'Will you be my girl?' ganern.
"Will you be my girl?" tanong ni Lemuel. Napa-'Yes' naman si Lemuel nang tumango si Kaye.
Pagkatapos ng ligawan portion, syempre nagsi-uwian na. Nagthankyou naman ng marami si Lemuel samin. Jusko, dapat may kapalit to!
"Hoy, yung icecream ko ha." sabi ko kay Lemuel at sinuntok sya ng mahina sa braso.
"Oo na."
Pagkauwi namin sa bahay, narinig ko si Kaye kausap si Lemuel sa phone.
"Okay, I-I love you t-too."
-------
Sorry lame :c Di ako magaling sa mga ganyan ganyan eh. Di ko naman naranasan yun! Hahahahaha. Yung crush ko kasi eh, di ako crush. Hahahahahaha lol okay bye.