Part 23

1.3K 114 32
                                    

Nagising ako nang dahil sa maingay na huni na nagmumula sa labas ng mansion. It is a loud banging sound, and it leaves me with a headache.

Naalimpungatan akong napaupo at humihikab pa na napakusot ng mga mata.

Napatingin ako sa bintana at nakita ang liwanag na pumapasok sa kwarto nang dahil sa araw.

Umaga na pala.

Napansin ko na nakatayo na rin si Anya sa tabi ko at mukhang hinihintay ang paggising ko.

"Anya, pakikuha nga ang robe ko," Inaantok kong pag-utos sa kanya.

Pero muntik na akong atakehin sa puso nang bigla siyang magpasabog ng party popper sa tabi mismo ng tainga ko.

"Ano bang ginagawa mo ha?!" gulat kong sigaw.

Isang malaking ngiti naman ang isinagot niya sa akin.

"Congratulations for being alive after your marriage consummation, my lady," she happily greeted.

I blinked.

Ha?

Marriage consummation?

Ngunit matapos niya ring sabihin iyon ay naramdaman ko nalang ang unti-unting pamumula ng buong mukha ko atsaka ako mabilis na napatingin sa ibabang parte ng aking katawan.

At nang makitang nakahubad pa rin ako ay napatili nalang ako ng sobrang lakas. Ngayon ko lang naalala ang x-rated na pinag-gagawa namin ni Zero kagabi.

"Hindi!" nasabunutan ko ang buhok ko. "Hindi pwedeng mangyari ito!"

Nang dahil sa kalasingan ko ay naibigay ko kay Zero ang pinaka-iniingatan kong virginity! At ang matindi pa ay pinayagan ko siya!

Ngunit unti-unti ay kaagad ding nawala ang emosyon sa mukha ko bago ako napalingon sa bintana. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at naglakad patungo sa balcony.

Umakyat ako sa railings at tumayo roon bago ako walang ka-emo-emosyon na nagsalita.

"Goodbye, earth. Goodbye, my virginity. Goodbye, Philippines." Atsaka ako aakmang tatalon pero mabilis naman akong niyakap ni Anya sa baywang at pinigilan.

"My lady, mag-hunos dili po kayo! Huwag kayong magkalat ng bangkay sa pamamahay ng Duke!"

"Bitiwan mo ako, Anya!" pagwawala ko. "Ano pang mukha ang ihaharap ko kay Zero ngayong nakita at natikman na niya ang lahat?! Fuck this novel! Uunahan ko na siya at papatayin ko na ang sarili ko para matapos na ang lahat ng paghihirap ko!"

"My lady, hindi ka naman sexy kaya huwag ka ng mahiya! Hindi ka rin naman maganda kaya walang kahiya-hiya sa'yo!"

Isang poker-face naman ang isinagot ko sa kanya.

"Pinipigilan mo ba talaga akong tumalon o mas binibigyan mo pa ako ng rason na wakasan na ang buhay ko?" walang emosyon kong tanong sa kanya.

She gave me a happy grin.

"Kapag namatay kayo, my lady, sino na ang kakalbo sa haliparot na umaaligid sa asawa ninyo?"

Napakurap ako.

Haliparot?

Sinong tinutukoy niya?

I heard a loud bang again, and this time I knew that it was coming from the main garden of the mansion.

Nagbaba ako ng tingin at nakitang nasa ibaba si Zero habang may hawak siyang mahabang baril at nakatutok ito sa isang board na nasa malayo.

He seems to be concentrating a lot while aiming.

Ngunit hindi ko inaasahan na makita ang babaing nakatayo sa tabi niya sa gitna mismo ng garden.

It's Catherine.

Pain shot through me.

Why are they together so early in the morning? Are they here to rekindle their relationship?

Zero shot to the center of the board, and I saw Catherine clapping her hands with joy.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait.

Wala paring pinagbago.

In the novel, the two are always together, while Cassidy is left all alone. I thought that now that Zero had noticed me, his feelings would also change.

But this is just a foolish dream.

Nagbaba nalang ako ng tingin at mabilis na bumaba mula sa railings.

Tama si Catherine.

Ako nga ang asawa ni Zero pero si Catherine pa rin ang mahal niya.

Hindi ko na tuloy alam kung mapapaniwalaan ko pa ba ang mga pinagsasabi sa akin ni Zero kagabi.

"I love you. I love you with all of my heart, Cassidy." Was that all a lie to make me stay and to continue his plans?

Because now that I'm seeing them together, I can see how happy he is even without me.

Sigh. I can feel my days are numbered while staying in this novel.

Nag-i-emote pa rin ako nang may biglang kumatok sa pintuan.

"My lady, I have an urgent matter to discuss with you." It's the butler. "An important visitor has come to meet you and the Duke."

That's right.

As the Duchess, I am obliged to receive the guests of my husband, the Duke. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang mapahinga ng malalim.

"Let's prepare, Anya."

Tinulungan ako ni Anya na maligo at pagkatapos ay magsuot ng bagong dress. I can still feel my whole body aching from what happened last night.

Hindi ko tuloy alam kung pagsisisihan ko ang mga nagawa ko kagabi.

Matapos akong magbihis ay napatingin nalang ako sa repleksyon ko sa salamin.

I was wearing a blue dress with floral designs on it, which matches well with the color of my eyes and hair.

Itinali paitaas ni Anya ang buhok ko dahil mas nababagay raw sa isang Duchess ang ganitong hairstyle kumpara sa palaging nakalugay na buhok ko.

Lumabas kami ni Anya mula sa kwarto at naglakad patungo sa hagdan upang bumaba sa dining hall.

Bumaba ako sa hagdan hanggang sa nakaharap ko na ang panauhin.

Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. He is a man with a dark long hair. Mukhang magkapareho rin sila ng height at pangangatawan ni Zero.

Mukhang naramdaman naman niya ang presensya ko kaya dahan-dahan siyang napalingon sa akin.

Ngunit nang tuluyan ko nang makita ang buong kabuoan niya ay hindi ko mapigilang manlamig at pangtayuan ng balahibo mula sa kinatatayuan ko.

Long, dark hair.

Soft blue eyes.

And a kind smile drawn on his handsome face.

No, this can't be.

I have read about him in the novel, but seeing him in person makes it even harder to believe that someone could look exactly like Zero.

But unlike Zero, he has this soft and kind expression on his face.

Hindi pa man ako tuluyang nakakagalaw ay nagulat ako nang bigla siyang maglakad palapit sa akin at walang babalang hinawakan ang kamay ko.

I even flinched when I felt his soft lips touching the back of my hand.

"It's a pleasure to meet my brother's wife," even though his voice and Zero's are the same.

Yes.

His name is Axel Henry Adairleon, and he's Zero's twin brother.

╔══          ❀•°❀°•❀          ══╗
   *Please vote and comment!*
╚══          ❀•°❀°•❀          ══╝

Stop this Marriage!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon