___________________
KENLEY'S POVYuhan Lim. Isa siyang Half-chinese. Siya ang best friend ko. Mula noong bata pa kami, naging magkaibigan na kami. Siya lang yung tao na nakakaintindi sakin noon at wala silang pinagkaiba ni Liam. We are not in the same school nong highschool pa lang kami kasi nasa private school siya habang ako nasa public. Pero palagi kong kinukwento ang ngyayari sakin sa school, at bakas sa kayang mukha ang galit nang malaman niya iyon. Hindi niya mapigilang magalit at gusto niya pa ngang magtransfer duon sa school ko to protect me at bubugbugin daw niya yung nang-iinsulto sakin kaso mahigpit yung parents niya. I told him it's fine and he told me it wasn't. He taught me how to fight pero dahil madali ko yun nakalimutan, ay nabaliwala lahat iyon. Umuuwi ako minsan na may bugbog sa mukha at palagi siyang naduon, to be my doctor. He was always there for me. Whenever I'm sad, he was there to be my clown. Whenever I'm in pain, he was there to be my doctor. Whenever I'm bored, he was there to be my partner o kalaro. I was so lucky to have him as my best friend. Siya lang yung matalik na kaibigan ko.
Pero dumating ang isang araw na bigla na lang siyang nawala. Hindi niya sinabi sakin kung saan siya pupunta. Hindi niya ako iniwanan ng letters. Ni hindi man lang siya nagsabi ng "goodbye". Nawala siya na parang bula. At simula ng pag-alis niya ay umiiyak na ako gabi gabi, i spent my time in my quiet room, crying for him. Araw-araw ko siyang inaabangan sa gate ng bahay nila pero wala talaga. Hindi siya nagpakita. I prayed to God na bigyan niya sana ako ng chance para makita ulit siya. I prayed to God for that for like four years. Pero wala talaga. Hindi man lang niya ako binisita kahit isang araw lang siya duon. Ni sulat man lang o regalo sa birthday ko wala akong natanggap. I waited for him kahit na may bago ng nakatira sa bahay nila. Pero wala. Nagsimula akong nakaramdam ng galit sa kanya nuon dahil sinira niya yung pangako niya na he will always be there for me kahit anong mangyari. Grabe ang sakit na nararamdaman ko nuon dahil sa pag-iwan niya sakin.
Hanggang sa tuluyan ko siyang nakalimutan and it's been eight years from now. At andito na siya. Nagkita na rin kami ulit.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayun pero wag na muna yun, ang importante nakita ko na siya at... Hihingi ako ng explanation kung bakit niya ako iniwan ng basta basta.
Humiwalay ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya na may mga luha pang ayaw pumigil sa pag-agos mula sa aking mga kawawang mata. Now i can clearly see his face. Ang pula na ng kanyang ilong dahil sa pag-iyak pero bakas sa kanyang mata ang saya.
"Where have you been, Yuhan... Hindi mo alam pano ako hintay sayo... Sa loob ng apat na taon tas ni anino mo man lang, hindi ko kita! B-bakit mo ako iniwan?!" Iyak na iyak kong sabi sa kanya at tanong. Grabe, i never thought na babalik na naman yung sakit na nararamdaman ko nuon nang bigla na lang siyang nawala.
Umiyak ito ng umiyak at hinawakn ang dalawang kong kamay. I didn't took them away at naghintay sa kanyang sasabihin.
"I'm sorry sa nagawa ko... For hurting you... Please, l-let me explain..." Pagmamakaawa niya. Kahit nasaktan niya ako sa nagawa niya ay hindi ko naman nalilimutan yung mga masasaya namin memories. He is still my best friend, ang mahal kong best friend.
...Pinapatawad ko na siya. Hindi ko na rin naman magagawang magtanim ng galit sa kanya kasi marami na din siyang naitulong sakin. But i still have to hear his explanation and i will let him explain.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Then i saw his teary eyes at muli na naman niya akong niyakap. Yayakapin ko na sana din siya ng pabalik nang bigla may sumigaw.
"KENLEY!!"
Alam ko na kung sino iyon. Tinulak ko naman agad si Yuhan at nagkatagpo ang aming mata at nakita ko ang pagtataka nito. Nilingon ko ang direksyon kung saan si Liam. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko ang galit na galit na mukha niya habang malaki ang hakbang niya papunta sa gawi namin.
YOU ARE READING
LITTLE HUSBAND 🔞
RomanceKilalanin si Kenley Collin Garcia, 24 na taong gulang at pinaka-espesyal na asawa ni Liam Benjamin Castillo, 26 na taong gulang. May kondisyon si Kenley na tinatawag na "Little Space" na ang ibig sabihin ay kumikilos ito na para pang bata. Napaka-ma...