Disclaimer :
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Plagiarism is the "wrongful appropriation" and "stealing and publication" of another author's "language, thoughts, ideas, or expressions" and the representation of them as one's own original work.
Prologue | Simula
Madilim, Masikip, Marumi, Mabaho, Nakakasulasok na amoy, Impyerno.
Walang maaninag na ilaw. Walang taong handang tumulong. Walang pag-asa. Nawawalan na ng pag-asa. Ang kanyang mga mata ay may takip. Hindi niya alam ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Wala siyang magawa dahil nakabitin siya patiwarik. Hinang hina ang kanyang katawan. Ang tanging gusto na lamang niya ay matapos na ito.
May narinig siyang yapak. Isang mabigat na yapak patungo sa kanyang pwesto. Bigla ay pinakain siya ng hindi niya alam kung ano. Nang malasahan niya na malansa iyon at hilaw. Dinura niya iyon, wala siyang magawa kundi ang umiyak.
"Kainin mo 'to!" Galit na galit na sigaw sa kanya ng isang boses. Sa pagkaka-rinig niya. Isa itong lalaking brusko ang boses, malalim. Nang humalakhak ito ay kinilabutan siya. Gusto niyang kumawala sa bangungot na iyon. Hindi siya makasigaw dahil may takip din ang kanyang bibig. Sa tuwing umiiyak siya ay lalong bumabaon ang mga nakatusok sa paa niya.
Na sanhi ng panghihina niya. Hindi niya maalala kung bakit siya napadpad rito. Naramdaman niyang tinatanggal ng lalaki ang mga bakal sa kanyang paa na lalong nagpa-iyak sa kanya. Nang matanggal iyon ay lalo siyang nanghina dahil naramdaman niya ang pag-agos ng dugo.
Binuhat siya ng lalaki. Naramdaman niyang mahahaba ang galamay nito at magaspang. Naramdaman niya din ang balbas nito na dumidikit sa kanyang balat. Sa tingin niya ay isa itong matandang lalaki. Bigla siyang hinagis nito. Umiyak siyang muli nang naramdaman niyang tumama ng napaka-lakas ang kanyang likod sa sementadong sahig.
"Nakakaawa ka naman iha, walang tutulong sa'yo. Tanggapin mo na hanggang dito ka nalang." Humalakhak ito pagkatapos niyang magsalita. Hindi siya makagalaw sa lakas ng pagkaka-hagis sa kanya ng lalaki. Hinawakan ng lalaki ang kanyang bibig ng napaka-higpit. Pakiramdam niya ay parang matatanggalan na siya ng panga sa sobrang higpit ng pagkaka-hawak nito.
"Pahihirapan kita hanggang sa mismong ikaw na ang magmaka-awang tapusin na kita." Sabay bitiw nito sa panga niya. Narinig niya ang yapak nito hanggang sa nawala.
Patayin mo na ako ngayon din. Bulong niya sa kanyang kaisipan. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang marinig niya nag isang bagay na sumara. Dito na siguro siya mamamatay.
Buwan na ang nakalipas pero nandoon padin siya sa pinag-kulungan sa kanya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit nabigo siya, sumasakit ang kanyang likuran at ang mga paa niya. Naiiyak siya sa sakit na nararamdaman niya. Ngunit pinilit niya ang kanyang sarili. Nakaupo siyang gumapang nang kinakapa niya ang sahig nang may naramdaman siyang matulis na bagay. Agad niyang itinutok ito sa lubid na nakabuhol sa kanyang kamay.
Naiiyak siya habang itinusok ito dahil pati ang kanyang kamay ay naramdaman niyang natusok. Habang umiiyak siya ay pinipilit niyang tanggalin ito, nang matanggal niya ang lubid sa kanyang kamay. Ay agad niyang isinunod ang panyong nakatakip sa kanyang mga mata, nang matanggal niya ang kanyang takip sa mata. Naluha siya ng makita ang kanyang katawan. Puro sugat. Pasang sobrang laki na kulay ube. Mas lalo siyang nanghina nang nakita niya ang kanyang paa. May malaking butas ito sa gilid ng kanyang paa.
Agad siyang kumilos upang humanap ng matatakasan. Nang wala siyang makitang pwedeng pagtakasan ay nabigo siya. Gusto na niyang sumuko. Nang tumingala siya ay may naaninag siyang maliit na liwanag na nanggagaling sa itaas. Dahan dahan siyang tumayo upang maghanap ng maakyatan. Kinapa kapa niya ang pader kung meron siyang pwedeng daanan paitaas, nang may nahawakan siyang malamig na bagay. Agad niya itong hinatak kung matibay ba ito.
Nang napagtanto niya na bakal iyon ay agad siyang gumawa ng paraan para maka-akyat. At noong nalaman niyang isang patibong ang nasa labas noon. Agad niya itong kinalas. Isang lumang kahoy. Nahihirapan siya dahil isang kamay lang ang ginagamit niya pang baklas.
Ipinilit niyang buksan ang lumang kahoy ay bigla naman itong bumukas. Napagtanto niyang nasa ilalim pala ang bahay ng lalaking nagpahirap sa kanya. Kaya walang makakarinig sa kanya kung sakaling humingi siya ng tulong. Kinalas niya ang mga alambre na nakaharang sa patibong. Narinig niya na may paparating, nagmadali siyang sirain ang harang.
Nasira niya ang harang ngunit biglang pinigilan siya ng lalaki para hatakin paibaba. Nanla-labo ang kanyang mga mata hindi niya masilayan ng mas malinaw ang mukha ng lalaki.
"Bitawan mo ako!" Sambit niya at sinipa ang pagmumukha ng lalaki na sanhi ng pagkabagsak nito. Pero bago pa man siya makalabas ng tuluyan. May patibong na hinagis ang lalaki sa kanyang paa. Napasigaw siya sa sakit ng naipit o nakagat ang kanyang binti.
Tumakbo siya upang makatakas sa lalaking papatay sa kanya. Kailangan niyang maghanap ng tutulong sa kanya. Hirap na hirap siyang tumakbo ng mabilis dahil sa patibong na nakaipikit sa kanyang binti, nang may mahagilap siyang parang daanan ng mga sasakyan agad siyang nagtungo doon para humingi ng saklolo.
Napatigil siya at napadapa bigla nang nakita niya ang lalaking iyon, na may dalang lagari na owtomatik. May palatandaan siya kung paano niya nakilala ang lalaki. Dahil nakita niyang may balbas ito. Nakasakay ito sa isang sasakyan na parang abandonado at kinakalawang, nang nawala na ang sasakyan nakahinga siya ng maluwag. Napasulyap siya sa patibong na nakaipit sa kanyang binti.
Pilit niyang tinatanggal ngunit bigo siya dahil nanghihina parin siya hanggang ngayon.
Hapon na at palakad lakad lang siya sa gilid ng kalsada. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa sobrang hina niya. Namumutla na siya dahil naubusan siya ng dugo. Hindi nag-tagal, nag-dilim na ang kanyang paningin. At tuluyan na siyang bumagsak.
©Audenx, 2015
CRITIQUES? PASENSYA NA PO. NGAYON LANG AKO NAGSULAT NG GANITONG GENRE.
BINABASA MO ANG
The 13th Lie (On Hold)
Mystery / Thriller"Hinding hindi mo malalaman ang kasagutan kung hindi mo aalamin sa lahat ng bagay."