I

104 5 11
                                    

Nagmamaneho lang siya patungo sa isang gubat dahil may medical mission siya doon sa mga batang may sakit, na nabalitaang nahahawa na ang ibang residente. Napatingin siya sa kanyang relos at napagtanto na hapon na pala.

May nasilayan siyang isang babae na nakahiga sa gilid ng kalsada. Agad naman niyang iginilid ang sasakyan at agad na nilabas ito upang masuri niya ang babae.

Nang makalapit siya sa babae ay gulat na ekspresyon lang ang tanging nagawa niya. Hindi niya alam kung anong nangyari dito. Agad niya itong binuhat upang ilagay sa sasakyan niya, nang nakabalik na siya sa pwesto niya. Napasulyap siyang muli sa babae na nakita niya.

Napayuko siya dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. Nanginginig niyang dinampot sa bulsa niya ang kanyang selpon at tinawagan niya ang dapat na pupuntahan niyang medical mission upang ikansela.

Mabilis niyang binwelta ang sasakyan. At nagmaneho siya pabalik sa syudad. Hinablot niya muli ang kanyang selpon.

"Ihanda mo ang emergency room, Vanessa." Seryosong aniya. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa daan. Binaba niya din ang tawag kasabay ng kanyang selpon. Sumulyap siya sa babaeng nakita niya kanina na ngayo'y nasa likurang bahagi ng kanyang sasakyan. Napaisip siya kung anong nangyari sa babaeng iyon at kung bakit ganoon ang itsura ng katawan nito.

Madaming pasa, sugat, duguan. Nagmistulang frozen meat ang babaeng iyon sa sobrang puti nito dahil sa naubusan ng dugo ito sa katawan.

Nakarating na sila sa ospital kung saan nanggaling ang lalaking nakakita sa babae. Dinala niya ang babae patungo sa emergency room. Agad siyang nilapitan ng mga nurse upang siya'y tulungan, nang inakay na nila ito sa hospital bed ay umalis ang lalaki patungo sa kanyang opisina upang magpalit ng damit dulot ng pagbuhat niya sa babae ay may dugong napunta sa kanyang damit na naging mantsa. Kinuha niya ang mga kagamitan niya at dumiretso sa emergency room.

Sinimulan nilang gamutin ang mga sugat sa bawat parte ng katawan ng babae. Tumagal sila ng mahigit tatlong oras bago magamot ng tuluyan ang babae. Matapos nila itong magamot, inilipat na nila ito sa isang pribadong kwarto.

Napagpasyahan ng lalaki na puntahan ang babae sa pribadong kwarto upang malaman ang kalagayan, nang makapasok na siya sa kwarto nito. Pinagmasdan niya ang pagmumukha nito. Napansin niyang gumagalaw ang mata nito habang nakapikit.

Sumigaw ito ng ikinagulat ng lalaki. Naalarma naman ito kaya ginising niya ang babae. Luminga linga ito nang nagising niya ito.

"Nasaan ako?" Tanong sa kanya ng babae. Tumingin sa paligid ang babae. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito dala ng mga sugat sa mukha. Halos mapupunit na ang mukha nito sa grabe ng natamo.

"Nasa ospital ka, miss." Mahinahong aniya sa babae. Nakakunot ang noo ng babae sa kanya nang magsalita siya. Bigla namang may ininda ang babae sa likuran niya. "Wag kang gumalaw, nalaman naming may bali ka sa spinal cord mo. Kailangan mong mag-pagaling para magamot namin agad yan." Nginitian niya ito bilang pagpapa-alala.

"Bakit hindi ko magalaw ang paa ko?!" Sigaw niya. Nakita niya itong lumuha nang ipilit nitong igalaw ang mga paa niya.

"Dahil sa mga malaking butas sa gilid ng paa mo, nakita namin na may posibilidad na maputol ang mga iyan." Nakita niyang gulat ang reaksyon nito. At biglang kumislap ang kanyang mata, naluha na lalo ang babae. "Wala ka bang mga magulang?" Pagtataka niyang tanong sa babae, napatingin naman sa kanya ito nang nabanggit niya ang magulang nito.

"Wala akong magulang." Nagulat ang lalaki sa sinabi nito sa kanya, dahil imposibleng wala siyang magulang. Hindi niya pinaniwalaan ang mga sinabi sa kanya ng babae pero umakto na lamang siya. Napaisip siyang iimbestigahan niya ang buhay nito.

-

Ilang araw na din na naka-confine ang babaeng pinag-dalhan niya sa ospital. Dahil wala namang nag presinta o naghanap sa babae, napagpasyahan niyang siya na magbabayad ng mga gastusin nito sa ospital.

Nang ma-discharge ang babae ay napaisip siya kung saan ito mag-pupunta, baka mangyari muli sa babae ang ginawa sa kanya, sa isip isip ng lalaki. Kaya kinausap niya ito upang malaman kung may mapupuntahan ang babae.

"May mauuwian ka ba?" Pagtatanong niya sa dalaga. Napansin niyang mukha pala itong bata, dahil noong nakaraan halos hindi niya maisip kung ano ang itsura nito dahil sa mga sugat sa mukha. Ngunit, kulubot ang mukha nito ng mas binusisi niya iyon.

"Wala po." Sambit ng dalaga at sinulyapan siya nito, kuminang ang mata ng babae. Napatingin siya rito ng matagal. Hindi niya alam kung bakit parang nag-iba ang pakiramdam niya nang magtama ang paningin nila.

"Sa akin ka nalang muna tumuloy. Para mabantayan din kita." Pagmamagandang loob nito sa babae. Sumilay ang ngiti sa labi nito kasabay ng paglabas ng kanyang mga ngipin na kumpleto na kasing puti at linis ng kristal. Tumango na lamang ito bilang sagot sa tanong niya.

"May guest room nang nakahanda para sa'yo. Samahan na kita." Pagyaya nito nang makarating sila sa bahay ng lalaki. Inakay niya ito upang makahiga ito ng mas maayos sa kama dahil naka-wheel chair lang ito dala ng pagka-bali ng buto niya sa spinal cord at hindi nito maigalaw ang kanyang paa. "Kung may kailangan ka, pindutin mo lang ang red button na iyon" sabay turo niya sa tabi ng higaan kung nasaan ang pindutan. Tiningnan naman ito ng babae.

"Salamat pala." Nginitian siya nito kasabay ng pagsara ng lalaki sa pinto ng babae.

Lumalim na ang gabi, ngunit hindi makatulog ang babae, samantalang ang lalaking nasa kabilang kwarto ay, abalang abala sa pagi-imbestiga sa kaso ng babae. Ngunit wala siyang makitang impormasyon tungkol dito.

Samantalang ang babae ay, napapaisip naman kung anong gagawin niya. Hindi siya mapakali, napahawak siya bigla sa kanyang ulo. Dulot ng biglaang pagsakit nito. Napapikit siya sa sakit, bigla siyang may naalala. Hindi niya maintindihan kung bakit may nakikita siyang isang bahay na nasa ilalim ng gubat. Naisip niyang parang pamilyar ang lugar na 'yon.

May lalaking paparating.. ang lalaking 'yon ay ang muntikan ng pumatay sa kanya. Napamulat siya ng mata nang nakita niya ng mas malinaw ang pagmumukha ng lalaki. Kinakabahan siya dahil pakiramdam niya ay mahahanap siya nito.

Napahawak siya sa kanyang buhok na para bang nababaliw. Kung saan saan siya lumilinga. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Sumakit muli ang kanyang ulo, napasabunot siya bigla sa kanyang buhok. Sumisigaw siya pero, nagtataka siya dahil para siyang paos... walang makarinig sa kanya. Sumigaw siyang muli ngunit, walang boses na lumabas sa bibig niya.

Gusto niyang humingi ng tulong, nakikita niya ang kanyang sarili na nahuhulog mula sa matarik na bangin. Naiiyak siya dahil nag-iiba ang paligid niya at unti unting dumidilim ang paligid, at bumaha ng dugo. Sigaw siya ng sigaw ngunit wala pa rin siyang boses.

May nakita siyang papa-lapit na lalaking nakaitim. Matangkad, unang tingin palang ay matatakot ka na sabi nito sa sarili. Habang ito ay papalapit ganun din ang pagtaas ng kanyang balahibo, nang makalapit ito sa kanya ay biglang nagbago ulit ang kanyang paligid at nandoon siyang muli sa gubat. Nakikita niyang papa-lapit sa kanya ang lalaking papatay sa kanya, at nagpa-iba iba nanaman ang paligid.

Lalong sumasakit ang kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang magkabilang tenga. Napasulyap siya sa kalagitnaan ng gubat bigla ay nandoon ang lalaking naka itim na nagpakita sa kanya sa madilim at puro dugong kwarto. Humalakhak ito na lalong ikinatakot niya.

Pa-iba iba ang nakikita niya sa kanyang paligid. Lalong sumakit ang ulo niya. Hindi na niya kaya, pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulo, sumigaw siya ng napaka-lakas. Ngunit wala pading lumalabas na boses mula sa kanyang bibig. Paulit ulit siyang sumigaw.

Nakita niya ang kanyang sarili sa tubig na lumuluha siya ng dugo. Lalo siyang naiyak, sumigaw siyang muli pero habang tumatagal nagiging kulay pula ang tubig.

Nag iba bigla ang kanyang pakiramdam, tingin niya parang ibang iba siya. Ngunit hindi padin nagba-bago ang kanyang paligid.
Tiningnan niya ng matulis na tingin ang lalaking naka-itim. Bumibilis ang tibok ng puso niya nang makita niya ang mga mata ng lalaki, kulay itim lang ang mata nito. At lalong lumalaki ang mga 'yon.

Pero hindi din siya nagpa-talo. Bulong niya sa kanyang sarili. Nang wala na siyang maramdamang takot ay agad nag laho na parang bula ang lalaking naka-itim kasabay ng pagbalik ng kanyang paligid sa normal. Nakahinga siya ng maluwag.

Napatanong siya sa kanyang sarili,
"Bakit pakiramdam ko ay iba ako?"

The 13th Lie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon