II

68 3 4
                                    

Ilang linggo na ang lumipas mula ng mapag-pasyahan ng lalaki na doon na manirahan sa kanya ang babae. Tinurin niya ito na para niyang sariling anak, kahit pa wala siyang asawa, anak at mag-isa sa buhay. Isa siyang doktor sa isang sikat na ospital, at karamihan ng surgery at operasyon niya ay matagumpay.

Ngunit sa kabila ng lahat, isa lang siyang tahimik na tao at mag isa talaga sa buhay. Karamihan sa mga tao ay walang alam tungkol sa kanya. Hindi niya ginustong mag asawa. Dahilan na din sa pagiging doktor niya.

Dinala niya muli sa ospital ang babae upang masuri kung ano nga ba ang mga problema pa nito. Ilang pagsusuri ang ginawa niya sa babae, napag-alaman niyang may rare disorder ito na tinatawag na hypopituitarism, kaya't sobrang bata nito ngunit may onting kulubot sa mukha.

May posibilidad na hindi humaba ang kanyang buhay dahil maaaring ma-apektuhan ang reproduction system nito, miski ang mga body's routine nakadagdag din ang kaliitan nito. Dahil sa pituitary hormones.

Napaka-delikado nito dahil pwede din siyang magkaroon ng Sheehan Syndrome pero nako-kontrol naman ito, kaya kailangan nitong mag-ingat. Sinulyapan niya ang babae.

Nakita niya itong nakatingin sa paa habang nakaupo sa wheelchair nito. May isinulat siya sa papel, upang mag-takda ng operasyon pag gumaling ang ibang sugat ng babae sa katawan. Nilapitan niya ito at lumuhod upang masuri ang mukha ng babae.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong niya rito, sumulyap naman sa kanya ang babae at tumango lamang bilang sagot nito. Hindi mapalagay ang lalaki dahil may pakiramdam siya na may gusto siyang malaman sa babae.

Samantalang napag-alaman ng babae na may hypopituitarism siya at dahil doon, nabahala siya dahil natatakot siyang mamatay agad. May gusto pa siyang gawin. Halos gabi gabi ay hindi siya pinapatahimik ng lalaking naka-itim.

Lagi itong nagpapakita sa kanya sa tuwing matutulog o napapaisip siya. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang mga nangyayari sa paligid. Ngunit may isa siyang balak.. ang mag higanti sa lalaking muntikan ng pumatay sa kanya.

Ang kanyang problema ay, hindi niya magagawa lahat ng iyon dahil sa hindi siya maka-lakad at kailangan niyang magpa-gamot at gumaling. Dahil delikado ang kalalagyan niya pag nabayaan ito. Nagpapasalamat siya dahil nandiyan ang lalaki na tumulong sa kanya. Ngunit hindi niya din alam kung ano ang pangalan nito.
Nasa kwarto lang siya ngayon nakatingin sa malayo, malalim at malayo din ang naiisip niya. Nararamdaman niyang ilang oras na lang ay aatakihin nanaman siya ng mga kakaibang bagay sa kanyang pag tulog.

Samantalang napag-planuhan naman ng lalaki na sa oras na palitan niya na ang mukha ng babae ay kasabay din ng pagpalit niya sa pangalan nito upang mapangalagaan ang sarili at ma-proteksyon-an. Marami siyang inaaral upang sa susunod niyang operasyon sa babae dahil aminado siya sa kanyang sarili na mahirap ang gagawin niya dito.

Anong oras na ngunit mulat na mulat pa ang mga mata ng babae. Nakikiramdam siya sa kwartong tinutulugan niya. Pinagmamasdan niya ang bawat sulok nito na para bang ineeksamina. Payapa ang gabi niya dahil walang gumagambala sa kanya ngayon. Nakaramdam din siya ng antok nang lumipas ang ilang oras niyang pag-linga linga sa paligid niya.

Buong akala niya ay payapa ang gabing ito para sa kanya, nang biglang napasigaw siya sa sobrang sakit ng ulo niya. Nagmistulang parang may granadang sumabog ng sobrang lakas dahilan na nabingi siya. Pagka-tingin niya sa kanyang palad ay laking gulat niya na may dugo ito.

Napahawak siyang muli sa kanyang tenga at laking gulat niya ng makita kung ano pa ang mga lumabas sa tenga niya, may kung ano anong insekto ang lumabas sa tenga dito. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.

Narinig naman siya ng lalaki sa sobrang lakas ng sigaw niya. Agad siya nitong tinungo upang malaman kung ano ang nangyayari rito nang nakita niya ito ay napatakbo siya dahil umiiyak ito. Niyakap niya ang babae at naramdaman niyang niyakap din siya nito. Ang babae ay humihikbi lang sa kanya at samantalang hinahagod naman niya ang likuran ng babae.

"Anong nangyari sa'yo?" Pagtataka ng lalaki, pinunasan niya ang luha sa mukha ng babae.

Pero hindi siya sinasagot nito, puro hikbi lang ang nagawa ng babae. Dahil hanggang ngayon, nakikita niya ang sarili niya na may dugo pa din ang kanyang tenga at umiiyak siya ng dugo habang nakatingin sa salamin. Para siyang nasa matinding bangungot na hindi na niya matatakasan pa. Pero walang ideya ang lalaki, dahil ang nakikita lamang nito ay ang pag iyak mismo ng babae.

Ilang oras ang lumipas ay hindi namalayan ng lalaki na nakatulog na pala sa kanyang dibdib ang babae. Tiningnan niya lamang ito, at napangiti. Naisip niya kung anong mukha ang ipapalit niya dito. Sigurado na siya na papalitan niya ito. Inihiga niya ito ng maayos at bumalik na sa kanyang silid.

Tahimik ang kanyang paligid, madilim at malamig na hangin ang humahampas sa kanyang matipunong katawan. Kasabay ng kanyang emosyon. Unti unting bumabalik sa kanya ang lahat. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil nakaramdam siya ng kirot. Hindi niya mawari kung bakit naalala niya pa din ang lahat ng iyon.

Lumaki na kayang tumayo sa kanyang sarili, dahil maaga siyang namulat sa katotohanan sa mundo ng ka-mundo-han. Walang pinagkakatiwalaan dahil sa pangyayari na yumanig sa buhay niya. Nawala ang kanyang magulang noong siya ay siyam na anyos pa lamang. Sumakit muli ang kanyang ulo kasabay ng mga alaalang bumabalik sa kanya.

Pinatay ang mga magulang niya sa harapan niya mismo. Hinding hindi niya makakalimutan ang itsura ng taong pumatay sa magulang niya.

Dahil doon nagsumikap siya upang maging doktor. Upang matukoy kung nasaan ang pumaslang sa mga magukang niya pero, hanggang ngayon ay inaalam niya kung saan nagtatago ito ngunit ilang taon na siyang nawalan ng pag asa na mahahanap niya pa ito. Lalong tumindi ang pag sakit ng kanyang ulo. Agad niyang kinuha ang mga gamot niya sa banyo at ininom.

Kinalma niya ang kanyang sarili kasabay ng pag kulog ng kalangitan. Nakatayo lamang siya sa terrace ng kanyang bahay at nakatingin sa malayo. Upang siya ay tuluyang kumalma. Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Naramdaman niyang may humampas sa kanyang balat na malamig na hangin. Ngunit nakapikit pa din siya. Napangiti siya sa hindi malamang dahilan. Kumulog pang muli ng malakas kasabay ng maliwanag na kidlat.

Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang, hindi niya namamalayan na unti unting nagbabago ang kanyang paligid nagiging madilim ang lahat. Biglang kumulog at kumidlat ng malakas na sanhi na napamulat siya. Bumagsak siya sa sahig. Pero hindi niya ininda iyon.

Malalim ang kanyang paghinga kasabay ng pagbalik sa normal ng paligid. Unti unti siyang dumilat at

kulay itim ang pares ng kanyang mata.

The 13th Lie (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon