’Ang isang tula ay hindi pwedeng ipilit, kung hindi naman Tugma.’
Naramdaman ko ang ihip ng hangin sa aking mga balat, hindi ko alam pero parang uulan ngayon, pero baka nasa isip ko lang yon.
"Danny! Gumagawa kana naman ba ng tula?", Nagitla ako ng marinig ko ang boses ng aking kaibigan na si Joey, papunta siya sa akin.
"Uy pre! Gawa mo dito? May lakad ka?", Tanong ko sakanya, nakadamit pang lakad kasi siya. May kadate na naman tong mokong nato.
"May alis kami nila Ashley kasama yung mga kaibigan niya. Sama ka? Manonood kami ng sine.", Pangisi niyang sagot sakin. Sabi ko na nga ba at may alis siya. Tuwang tuwa pa ang mokong.
"Alam mo namang hindi ko hilig yang mga ganyan. Ikamusta mo nalang ako sakanya. Have fun pre!"
"Hays. Well, it was worth the try. Sige pre alis nako.", Dismayado siyang umalis at kumaway sakin. Hindi ko nga ba alam pero hindi talaga ako mahilig sa mga ganyang galaan. Mas gusto ko pang mapag-isa.
"Mag iingat ka pre!"
Hating gabi na't pauwi nako. Nakayuko akong naglalakad ng may mabangga akong tao.
"Grabe naman! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!", Pasigaw nitong sabi sakin. Aba, kasalanan ko pa pala yon?
"Ikaw kaya ang tumingin sa-", Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng makita ko ang kanyang mukha.
Napatitig ako sa kulay asul niyang mga mata. Nakakita ako ng pangungulila dito.
"M-magkakilala ba tayo? Bakit parang kilalang kilala kita kahit alam kong ngayon palang tayo nagkita?"
’Tila parang isang panaginip
Ang pagkikita nating muli.
Hindi ko lubos maisip
Na sa tagal kong hinintay
Ang iyong pagbabalik
Ay mauulit ang nakatakda sa atin.’Umiwas ako ng tingin sakanya at napatawa ng pilit. Bakit siya nandito? Hinahanap niya ba ako?
"Mali ata ang iniisip mo miss. Ngayon palang kita nakita dito."
"A-ahh. Kala ko kasi ikaw na yung hinahanap ko. Sorry nga pala.", Pilit siyang ngumiti sakin.
"Ahh w-wala lang yon. Alis nako miss baka hinahanap nako sa amin. Bye!", Dali dali akong umalis. Unti unti nang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Tumigil ako sa malapit na kubo dito sa park. Bigla kasing umulan nang lakas at dito ako dinala ng aking mga paa. Hindi parin nagsisink-in sakin ang mga nangyari kanina.
"T*ngina ang tanga mo talaga Daniel! Nandoon na siya. Antagal mong hinintay yon! Antagal mo siyang gustong mayakap, mahagkan, makasama. Pero tatakbo kalang, napaka bobo mo talaga!", Hinampas-hampas ko ang aking ulo dahil sa galit at pag sisisi.
’Kahit anong pagpipilit
Hindi parin maaari
Dahil hindi tayo itinadhana
Katulad ng tulang hindi magtugma.’Walong taon na ang nakakaraan ng makilala ko siya. 4th Year Highschool palang kami noon at bagong pasok.
"Danny pare!", Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang aking pangalan.
"Uy Joey! Grabe pre ang ganda ng pagkaka ayos ng buhok mo ha!"
"Syempre para makadagdag pogi points. Tingnan mo maraming chix ang lalapit sa kapogian ko mamaya.", Nakangisi niyang sabi sakin. Minsan talaga napakahangin nitong siraulong to. Buti at tinanggap ko to bilang kaibigan eh.
"Hala pre biglang lumakas yung hangin.", Umakto akong parang nadadala sa isang malakas na hangin habang humahagalpak sa tawa. Nakita ko naman ang iritadong mukha ni Joey kaya napatawa ako lalo. Hay nako talaga.