It Never Happened

27 1 0
                                    

‘I love you in every universe. You are my Achilles heel. My Kryptonite. My Everything. Even if this is a dream. I am still glad that we met.’

I was sitting in our school library reading my favorite book. Di ko talaga alam pero parang malapit sakin tong librong to.

"Hoy Jona! Nandito ka na naman sa library. Kala ko ba mag memeet tayo sa garden kasi may gagawin tayong project?." I looked up and saw Tina, my friend.

"Sh*t! Sorry Tina nakalimutan ko. Do you mind discussing it here nalang? We still have 30 mins bago matapos yung break eh." I smiled at her widely. Hays, ang hirap talaga kapag makakalimutin ka.

"Hay nako. May magagawa paba ako? Sige na at ng may masimulan tayo." I smiled even more and hugged her as she said that. She laughed at me back because of my reaction.

"Oo nga pala Jona, kailan mo ba balak mag ka jowa? Matatapos nalang tayo sa college NBSB ka parin." I looked at her and she seems so desperate to find me a boyfriend. Kahit ako gusto ko nang maexperience yung tinatawag nilang 'kilig' and what not. Pero ayokong magmadali. May time pa naman ata para jan.

"Pano yan eh wala namang sumusubok. Naghihintay lang naman ako ng may manligaw sakin eh. Pero wala, natatakot ata sila. Wala akong magagawa doon." Kibit balikat kong sagot sakanya. Eh ano nga bang magagawa ko. Ayoko namang maghanap at mag pumilit. Jusko baka mapagkamalan pa akong makati ng mga kabatchmates namin.

"Eh pano kasi. Puro ka nalang libro. Kaya naiintimidate sila sayo kasi wala kang inatupag kundi magbasa ng libro. Sana naman mabitawan mo yan at sumama ka sa amin mag lakwatsa paminsan minsan."

"Alam mo namang wala akong hilig sa ganyan. Tsaka mas gugustuhin kong gastuhin sa libro yung pera ko kaysa sa mga lakad na mga ganyan."

Maya maya pa ay bigla ng tumunog ang bell. Nag ligpit na kami at nagmamadaling pumunta sa susunod naming subject. Sa totoo lang ayoko talagang lumakad unless may dahilan yung lalakarin ko. Feel ko kasi nasasayang lang yung pera ko.

"Uwi nako Tina. Hahanapin nako ni papa anong oras na." Pagpapaalam ko sakanya. Hindi pa naman ganon ka dilim pero alam ni papa kung kailan out namin.

"Hindi ba talaga kita mapipilit na magbar or mag mall man lang?" Pagpupumilit niya. Hay nako tong babaeng to, kahit kailan talaga.

"Hay nako, uuwi na po ako. Mag iingat ka nalang ha? Wag basta² papauto sa mga makikilala mo."

"Yes po nanay Jona."

Natawa nalang ako sa sinabi niya sakin. Ewan ko talaga sa babaeng yon. May sira ata sa utak.

Pauwi na ako ng bahay ng may masalubong akong lalaki. Infairness gwapo siya. Napatingin naman siya sa akin at nag smile. Malapit lang kaya siya dito sa village namin nakatira? Hay nako ewan. Nabigla nalang ako ng biglang mag black out ang lahat at may narinig akong kung anong sigaw. Anong nangyari?

"Anak!"

"Jona anak gising!"

"Hoyy Anak gising na umaga na!"

Napatayo ako bigla ng marinig ang malakas na sigaw ni mama mula sa baba. Nasa kwarto ako at kakagising ko lang. Panaginip ba yon? Bakit parang totoo?

Pagkatapos kong maligo at maghanda ay bumaba na ako sa kwarto ko. Ang weird, bakit parang ang gaan ng loob ko?

"Good morning ma. Ano ulam?" Pangisi kong tanong kay mama. Hehe nagugutom na ako.

"Oh ayan Favorite mong adobo niluto ko. Babaunin mo to ha tapos meron din jan ulam mo ngayon." Napalaki pa yung ngisi ko nung marinig ko ang sinabi niya. Wow Adobo my favorite.

One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon