Kabanata 2

11 1 0
                                    

🅼🆈🅲🅰

Hindi ko alam kung susundan ko ba 'tong guard o hindi. Pero dahil na rin nga sa hindi ko pa alam kung anong klaseng eskwelahan ito ay nagpasiya na lamang ako na sundan siya. Naglakad ako na nakasunod lang sa likod niya. May grupo ng estudyante kaming nadaanan, hinintuan ito ng guard at tinanguan niya ang mga ito at sinabihan niya na 'wag magpapahuli kung hindi daw ay alam na nila ang mangyayari. Na-curious ako kung ano kaya ang pinag-uusapan nila. Pito sila, limang lalake at dalawang babae. Tinignan nila ako, kung paano akong tinignan ng guard kanina ay ganun din ang ginawa nila. Yun isang babae na akbay-akbay ng lalake kung saan kaharap ng guard ay inirapan ako. Saglit na nilingon ako ng guard atsaka muling kinausap niya ang mga ito.

"Baka maligaw, kawawa naman at baguhan pa lang. Alam nyo naman kung ano nangyayari sa baguhang katulad niya." Sabay turo nito ng batuta sa lalakeng kaharap niya, "Kumalma kayo ha, maging mabait kayo." Tumawa ng malakas yun lalakeng kausap niya, "Maging mabait kayo, sa ngayon!" Sabay tawa din nitong guard.

Mga abnoy ba 'to? Wala naman kabuluhan pinag-uusapan nila.

Tssss..!

Napabuntong hininga na lang ako at inirapan ko si manong guard na nakatalikod saken.

"Hmm.." Umismid yun lalakeng kaharap ng guard. Tinanggal niya ang pagkakaakbay niya sa babaeng katabi niya at lumapit saken. Tinignan ko siya ng matalim. Akala nito siguro masisindak niya ako. Matangkad ito, kaya naman medyo nakatingala akong tinitigan siya. Mahaba ang buhok nito na hanggang balikat. Yumuko ito at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Bagong salta."

Napaatras ang mukha ko dahil naamoy ko ang hininga niyang amoy sigarilyo at bigla siyang tumawa ng nakakaloko sabay balik sa mga kagrupo niya. Yun babaeng kasama niya ay tinignan ako ng matalim at tinaasan ko siya ng kilay.

"What?"

"Aba't?" Akmang lalapitan niya ako pero pinigilan siya nung guard. Halata ang pagkainis niya sa akin. "May pa what-what ka pang nalalaman!"

Hinampas ng bahagya ng guard ang batuta niya sa ulo nung babae. "Sabi ko maging mabait muna, di ba?" Hinimas-himas naman ng babae ang parte ng ulo niyang napalo ni manong guard.

"Hoy! Ikaw!" Sabay lingon saken ni manong guard "Kung ayaw mong masangkot sa gulo, iiwasan mo 'tong mga lokong 'to" pagakatapos ay nagpatuloy na siyang naglakad.

Sumunod na lang din ako sa kaniya at hindi na pinansin ang mga weirdong iyon. Nang malampasan ko sila ay narinig kong nagsalita yun babae.

"Magkikita pa tayo" bakas sa tono ng pananalita niya ang pagka-inis sa akin.

Nung marinig ko iyon ay nilingon ko siya ng bahagya and flip my hair kahit na maigsi ito.

Hindi ko siya uurungan!

Narinig ko ang malakas na tawanan nila ngunit nagpatuloy ako sa pagsunod kay manong guard. May mga nadaanan kaming mga classroom. Karamihan napapatingin sa bintana ng madaanan namin nung guard. Taas noo lang akong nagpatuloy na naglakad at hindi sila pinansin. Hanggang sa makarating kami sa dulo ata ito ng eskwelahan.

Huminto si manong guard sa isang maliit na gusali atsaka humarap sa akin.

"Pumasok ka dito" sabay turo niya sa gusali. Tinalikuran niya ako atsaka nagsimula ng maglakad pabalik kung saan kami nanggaling.

Ang weird mo din manong guard?! Nakakaloka naman mga tao dito. Napa-iling na lang ako at pumasok sa gusaling iyon. Napakaluma. Isa sa napansin ko ay luma na ata itong paaralan. Ni wala akong nakikitang bago o maganda sa paligid ko. It's old and dusty. Wala ata man lang naglilinis. Nagpatuloy lang ako sa paglakad. May nadaanan akong room na nakalagay ay "Teachers Office" sinilip ko ang bintana. Walang tao. Pagtingin ko sa kaliwa ko ay may isang room ulit at may nakapaskil na "Principals Office." Siguro dito ako gustong pumunta ni manong guard kaya naman pinuntahan ko na yun office.

Huminga ako ng malalim at inayos ko ang salamin ko bago ako kumatok. Mahinang boses na "Pasok" ang narinig ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok.

Maliit na kuwarto lamang iyon may mga upuang nakahilera sa may bintana, katapat nito ay isang mesa at may isang nakatayong lalake na nakatalikod sa akin.

Hindi ako kumibo.

Tinignan ko ang mesa kung saan siya nakatalikod. Malamang ito ang principal ng paaralan. Sa desk niya ay may pangalan na nakalagay.

Dimetrio Sugal

May ganun palang apelyido? Napaismid ako ng ngiti sa nabasa ko. Hindi ko namalayan na nakaharap na pala siya sa akin.

"May nakakatawa ba?"

Bigla akong natigil sa pagngiti ng magsalita siya. Tinikom ko ang bibig ko at umiling sa kaniya.

"Ikaw siguro ang bagong lipat na estudyante" mahinang sabi niya sabay buga ng sigarilyo niya. Isang hithit pa sa yosi niya tapos nilagay na niya ito sa ash tray na nasa mesa niya, sabay upo. Binuksan niya ang isang folder at tahimik na tinignan iyon.

Hindi man lang ba ako nito aaluking umupo? Sa dami ng upuan dito. Hay, makaupo nga at napagod ang binti ko sa haba ng nilakad namin ni manong guard. Nilapitan ko ang isa sa mga upuan na nasa bintana atsaka umupo.

"Gloria Molero, tama ba?"

Napatanaw ako sa bintana habang umupo. Hindi ko narinig na nagsalita pala siya.

"Ikaw ba si Gloria Molero?" Biglang lakas ng boses niya na napatayo ako.

"What?"

"Gloria Molero?" Dahan-dahan niyang bigkas.

Napatingin ako sa paligid kung sino ba tinutukoy nito.

Galit niyang binagsak ang folder na hawak niya at tumayo.

"Bingi ka ba o nagtatanga-tangahan?"

Napatingin ako sa apelyidong nakatatak sa uniform ko.

Putek! Ako nga pala yun!

A Nobody MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon