Kabanata 3

7 1 0
                                    

🅼🆈🅲🅰

"Yes! That's me!" Mabilis kong sagot. "Gloria. Gloria Molero" dapat kabisaduhin ko ang pangalan na 'to at masanay sa ngayon na tawagin akong Gloria. Even the name feels old and doesn't suit me, oh well! Wala ka naman magagawa Myca!

"Sino pa bang ibang tao dito? Alangan naman ako si Gloria" umupo ulit siya at tinignan muli ang folder "Anyway, base sa profile mo at dito sa records mo, ikaw ay labing-walong taon na?"

"Ah, uhmm... Yes, that's right."

Pineke na nga ang pangalan ko, itsura ko pero yun edad hindi? I'm sure pagtatawanan ako dito sa edad kong 'to nasa high school pa din?

"Okay naman ang records mo. Nakasaad dito na ikaw ay naging sakitin kaya hindi ka nakapagtapos agad ng high school." Hinagod niya ako ng tingin pababa-pataas.

Ganito ba sila tumingin dito?

"Mukhang okay ka naman na ngayon. Normal at maayos."

Bakit naman ganun nilagay ni Tita Divine sa profile ko? Ako? Sakitin? Psssh! I'm perfectly fine! Baka pagkamalan pa tuloy ako niyan lampa!

Binuksan niya ang drawer ng mesa at may inilabas na maliit na card at inabot sa akin kaya naman lumapit ako para kunin iyon. 

"Yan ang class schedule mo, nakalagay na din diyan kung saang section ka." Isinara niya ang folder at inilagay sa drawer "Yan lang at makakaalis ka na. Goodluck and Welcome to the Hellangelics High School."

Lumabas na ako na nakatitig sa class card na hawak ko. Nakasulat doon ang oras sa bawat subject. So first subject is Math at eight o'clock, which is late na ako.

Great! Math early in the morning! Pampagising sa natutulog kong utak! Sa dinami-dami ng subject, iyon pa talaga ang nauna!

Second is Science, nine o'clock. Grabe! Mga subject na nakakaantok talaga mga inuuna! Lalo ako nitong aantukin sa umaga!

Don't get mad at me, okay? Hindi lahat gusto ang math at science! Hindi ko lang talaga feel ang dalawang subject na yan.

So next is the recess from ten to ten thirty then sunod ang english until eleven thirty. The class resume at one o'clock in the afternoon which the subject is Filipino, followed by Aralin Panlipunan then TLE and lastly is the Mapeh.

So this would be my normal routine? Ang boring.

Huminto ako sa paglalakad, di ko napansin na nasa gitna ako ng field. Tinignan ko muli ang class card. Saang lupalop naman kaya itong section na 'to?

Fourth Year class, section II.

"Hoy!"

May sumigaw bigla kaya napalingon ako. Paglingon ko, may matigas na bagay ang tumama sa noo ko dahilan para matumba ako.

Napapikit ako sa lakas ng pagkakatama nun saken at napahawak ako sa noo ko.

"My gosh! What is that?"

Sh*t ang sakit nun ah! Pinilit kong tumayo pero napaupo ako dahil umiikot ang paningin ko.

"Kung hindi ka ba naman engot!" Sigaw ng boses ng isang lalake.

I force open my eyes to see who is it. Napatingala ako habang nakahawak sa noo ko, nakatayo siya sa harap ko. Kinurap-kurap ko ang mata ko pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya.

"Oh! Ano!?"

"Sino ba yan?"

"Bakit ba kasi nandito siya? Bulag ba yan?"

Madaming boses na ang narinig ko na nagsidatingan. Yumuko ako at pilit kong inayos ang paningin ko na nanlalabo. I felt the guy knelt infront of me and may inaabot saken.

"Oh! Salamin mo."

"I don't need that."

"Sigurado ka? Eh! Kaya ka hindi makakita ng maayos hindi mo suot 'to eh!" Hinila niya ang kamay ko para ibigay yun salamin.

"Sinabi ng hindi ko nga kailangan yan!" Sigaw ko sa kaniya sabay titig ko sa mukha niya.
Saglit na nagkatinginan kami sa mata. His eyes were dim and angry. Magkasalubong ang kilay nito na nakatingin sa aken. Hinablot ko na lang ang kamay ko na hawak ang salamin sabay iwas ko ng tingin.

Tumayo ako na hawak-hawak pa din ang noo ko.

Ano ba kasi yun tumama saken?

Tumayo na din un lalake na may hawak na bola.

Nakatitig ako sa bolang hawak niya ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa gitna ng field? Bulag ka ba?"

Inikot ko ang paningin ko sa paligid.

Field.

I was in a soccer field. At napalibutan ako nitong mga estudyanteng naglalaro. Mga nakauniporme sila ng pang soccer. Tantya ko nasa mga sampu sila.

Biglang kumirot na naman sa sakit ang noo ko. Napayuko ako sa sakit.

Umalingaw-ngaw ang tunog ng isang pito.

"How is she?" Tanong ng lalakeng may hawak ng pito.

"What do you think?" Sarkastikong tugon ko sa kaniya.

"Tara na!" Sabi ng isa sa gilid ko "Mukha naman ok siya, sumasagot pa nga!" Sabay tawa nito. At nagsimulang nagsi-alisan ang mga ito. Maliban lang sa lalakeng nasa harap ko at yun may hawak ng pito.

"Kahit na kasalanan niya sir, na natamaan siya ng bola. I think it's also my responsibility to make sure she's fine dahil ako ang nakasipa sa bola," iniabot nito ang bola sa sir na kausap niya "Samahan ko lang siya sir sa nurse station."

"Okay, mabuti pa nga." Pagkasabi nun ay umalis na ito.

Muli hinarap ako nitong bwesit na sumipa ng bola.

"I'm fine. You can leave me alone." Angas kong sumbat sakaniya.

Tssk! Sino ba siya sa akala niya? Hero?!

Tinalikuran ko na siya. Paghakbang ko ay bigla akong nalula. Umiikot pa din ang paningin ko kaya naman ayun mukhang matutumba na naman ako.

Sa lakas ba naman ng pagkakatama nung bola sa noo ko eh! Sino ba naman hindi mahihilo ng ganito!

Hinayaan ko na lang na matumba ako, hinihintay kong bumagsak ang kawatan ko sa damuhan pero isang mainit na katawan ang naramdaman ko sa likuran ko.

"Clearly, you're not okay."

Napatingala na naman ako sakaniya. Magkasalubong na naman ang kilay niya na nakatingin saken.

"Kaya ko ang sarili ko!" Inilayo ko ang likod ko sa katawan niya at tumayo ng maayos.

"Bakit ba ang tigas mo? Ikaw na nga tong tinutulungan!"

"I said I'm fine okay? Ikaw 'tong hindi nakakaintindi!" Giit ko sa makulit na lalakeng 'to!

Bahala ka diyan sa buhay mo!

Nagsimula na ulit akong naglakad kahit medyo hilo-hilo pa ako. I don't need his help. Nahihilo nga ako pero kaya kong maglakad! Ngunit sa kulit din talaga niya ay hinawakan niya ako sa braso at inalalayang maglakad. Iwinaling ko ang kamay niya ngunit mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Teka" mahinang sabi niya at huminto kami sa paglalakad. Kinuha niya ang salamin sa kamay ko at isinuot iyon sa mga mata ko.

"I told you I don't need this" pabulong kong sumbat habang iniwas ko ang mukha ko sakaniya.

Napailing na lang siya sa akin. Hinawakan niya ako ulit sa braso at muli nagpatuloy kami sa paglalakad.

A Nobody MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon