Prologue

14 1 0
                                    

"Myca! What did you do again this time?" Malakas na sigaw ni Daddy sa akin. "How many times do I have to tell you to not--" Inilayo ko sa tenga ko ang phone para hindi marinig pa ang sermon niya.

Haysss nakakarindi kasi! Ang sakit kaya sa tenga nho?!

"Myca! Myca!" Sigaw na naman ni daddy sa kabilang linya "Are you even listening?"

"Yes Dad" parang robot na sagot ko kay daddy.

"Your aunt will be there in 15 minutes to pick you up!"

"What? But why?"

"I thought you were listening to what I had just said?!" Bulyaw na naman niya sa akin "My decision is final! Inuubos mo talaga ang pasensiya ko!"

"But Dad!"

Tuut..tuut..tuut...

Biglang tunog ng kabilang linya. Dad hung up on me! Inihagis ko ang phone sa kama at asar na napatayo.

What did he mean by his final decision?

Aarrggghhh!!

Nakakainis! Kung iyon nga binabalak niyang gawin saken, kung tama man ang kutob ko anong gagawin ko?

Did I really mess up that much?

Napaisip tuloy ako. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa kuwarto ko.

Eh! Kasalanan naman kasi nung malditang babae! Ako pa talaga ang binangga niya? Kasalanan ko ba na nabihag sa kagandahan ko ang boyfriend niya?

Nanggigigil ako kapag naalala ko ang mukha ng bruhang yon!

*Knock.knock.knock*

At biglang bukas ng pintuan sa kuwarto ko. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok si Tita Divine.

Shit! I'm in serious trouble! Para puntahan ako ng personal ni tita dito ibig lang sabihin patay talaga ako neto!

"Hi! Tita Divine! It's been a long time! I miss you!"

Kunwaring bati ko sa kaniya at tinignan siya ng nakakalokong ngiti.

"Drop the act Myca Dela Torres." Seryosong sabi niya.

Napabuntong hininga lang ako at pilit pa rin ngumiti sa kaniya. Kapatid siya ni daddy pero never kaming naging close at madalang na magkita kaming dalawa.

At ayoko naman na makita ito!

Hindi naman sa takot ako kay Tita Divine but she has this vibes that I don't like. Napakastrict nito, masungit at hinding-hindi mo makikitaan ng ibang reaksiyon.

She's not even fun to be with!

Kill-joy ito at laging seryoso sa buhay! That's why I never like her. Para kang robot na susunod sa gusto niya.

Kaya naman nagtayo ito ng isang military school for teenagers kung saan ang mga papasok na students dito ay susunod na para ngang mga robot sa rules and regulations ng school na pinamumunuan niya.

Ang mga pinapasok dito ay kadalasang mga teenagers na galing sa mga mayayamang pamilya but I also heard na may ibang galing din sa iba't ibang school na nililipat dito lalo na yun mga matitigas ang ulo, mga pasaway na hindi masaway ng mga magulang. Yun mga klase ng teenagers na kailangang madisiplina ng husto.

A Nobody MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon