Kabanata 5

10 0 0
                                    

🅼🆈🅲🅰

Taas noo akong humakbang papasok ng gate. Maaga akong nagising ngayon, nasa mood akong pumasok ng maaga para resbakan 'tong mga kumag na 'to! Panira lang talaga itong bukol ko sa noo. Mas masakit siya ngayon kumpara kahapon pero hindi ko na lang iniinda ang sakit dahil mas naiinis ako sa mga estudyante dito.

Pagpasok ko ng gate ay nakaabang na si manong guard.

"Kamusta baguhan!" Sabay tango sa akin. Nang makalapit ako sa kaniya ay napatitig siya sa noo ko "Oh? Kabago-bago mo pa lang nasampolan ka na?" Iiling-iling ito sa akin na nakangisi "Tsk. Tsk. Kawawa ka naman. Naku, pagbutihin mo at umpisa pa lang yan." Sabay balik niya sa pwesto niya.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Maraming estudyante na ang nagsisidatingan papasok sa school. May mga nagtatakbuhan na nag-uunahan, meron din grupo na mga nakabisekleta na isa-isang itinabi ang mga bisekleta sa dapat na paglagyan nito. Habang pinagmamasdan ko sila ay may bumunggo sa akin. Napahawak ako sa noo ko dahil sa pagkakatama nito.

"Aww!" Napangiwi ako sa sakit. Bakit ba napapadalas ang pagbunggo ko?

"Kung saan-saan ka kasi nakatingin" boses ng isang lalake ang narinig ko, nakayuko ako dahil sa sakit kaya hindi ko ito tinignan.

"Bagong salta" nagulat ako dahil sa biglang lapit nito at bumulong sa tenga ko. Naamoy ko na naman ang hiningang amoy sigarilyo. Napapikit ako dahil alam ko na kung sino ito. I scoff and curse inwardly. Ini-angat ko ang ulo ko para titigan siya. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa akin. So, I did the same kahit na kumikirot ang noo ko sa sakit sa pagkakatama nito sa dibdib niya.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. So ano to? Staring contest? Akala mo papatalo ako sa isang katulad mo!

In the corner of my eyes, I can see a girl na papalapit sa amin pero patuloy pa din ang pakikipagtitigan ko dito sa abnoy na long hair na 'to. His eyebrows furrowed at feeling ko nanlalaki ang mga butas ng ilong niya. Lumapit pa siya sa akin at yumuko habang ang mga kamay nito ay nakapabulsa sa pantalon niya. We are just inches apart at amoy ko na naman ang sigarilyo mula sa kaniya.

Ano bang gusto nito? Siya na nga 'tong nakabunggo sa akin siya pang matapang!

Napakurap na lang ako ng bigla akong humagis at bumagsak sa sahig.

Itinulak ako nung babaeng papalapit sa amin kanina. Naitungkod ko ang siko ko na nagtamo ng gasgas.

"What!" Pagtataray na sigaw sa akin nung babae.

Siya yun babaeng inaakbayan nitong abnoy na long hair kahapon. Sa asta nito, she must be his girlfriend. Akma niya akong lalapitan ngunit hinablot siya nung lalake sa braso.

"Ano bang ginagawa mo?" Galit na magkasalubong ang kilay nito.

"Ako dapat magtanong niyan sayo! Hoy! Mac-Mac! Ano sa tingin mo ginagawa mo? Para makipagtitigan dito sa f*ckshit na babaeng 'to?" Nanlilisik na mga matang sumbat niya.

"Alam mo Gigi, 'wag mo pairalin yang pagkakitid na naman ng kokote mo ha?"

Hinayaan ko silang magbangayang dalawa habang ako na humiga na sa sahig at tumatawa.

Nababaliw na ata ako. Bakit lagi na lang akong nasa sitwasyong ganito? At nakukuha pang tumawa? Why do I find this situation amusing?

It's because every time na marinig ko kung ano ang mga pangalan nila ay natatawa ako.

A kind of boy that looks like him na matangkad, mahabang buhok with an angry face that looks like the angry bird, name Mac-Mac. Parang naiimagine ko ang boses ng nanay niya na tinatawag ang isang batang paslit na inuuto-uto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Nobody MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon