June 16, 2020
Sarang Beach Resort
"Wala pa ba si Gelli?'' tanong ni Kate na abala sa paghihiwa ng manga
"Wala pa eh. Hinatid muna niya si Gavin sa mga magulang niya. Sila muna daw kasi ang mag-aalaga sa baby niya, para naman daw ma-enjoy niya ang bakasyon na ito." sagot ni Erica, na nag-aaply ng sunscreen sa mukha.
"Hindi ba sila magkasama ng hubby niya? Di ba nandito na kanina yun?" tanong naman ni Ice. Katatapos lang nitong inilabas ang bbq na handa ng ihawin. Tumabi ito kay Erica sa reclining chair, at kinuha ang lotion.
"Oo nga. Nakita kong kasama niya ang mga boys. Speaking of the boys, where are they? Akala ko ba bibili lang sila ng uling? Bakit antagal nila?" dagdag ni Jami, na abala sa pag-ngata ng mani.
"Ang tanong ba't lima silang bumili eh tatlong supot lang naman ang pinabibili natin."- Kate
"Alam mo naman ang mga yun. Mula high school, lakad ng isa, lakad ng lahat. Palaging magkakasama ang mga yun." - Ice
"Oo nga. Buti na lang kamo hindi nasira ang barkadahan nila, when-" hindi na natuloy ni Jami ang sinasabi nang may umagaw sa kinakaing mani. Nang tignan niya kung sino ang walang modong nang-agaw ng pagkain niya, nakita niyang masaya ng nilalantakan ni Nell ang pagkain.
Mukhang napasarap ang kwentuhan nila at hindi na nila napansin ang pagdating ng mga boys. Ibinigay ni Dylan at Aldor ang uling kay Ice, na in-charge sa pag-iihaw. Umupo naman si Tevo sa isa sa mga bakanteng upuan at kumuha ng manga. Tinulungan naman ni Rome si Kate sa paghihiwa ng mga prutas.
"YAH!'' protesta ni Jami, sabay agaw sa supot. "Wala ka talagang manners kahit kailan. Bakit ka na lang nang-aagaw ng pagkain ng iba?" galit na tanong nito.
"WOOOOHH! Damot! Hindi ka pa din nag-babago. Dapat kang mag-share. Kaya ka tumataba eh, kinakain mo na ang lahat.'' asar naman ni Nell.
"Nagsalita ang payat. Ikaw na! Ikaw na ang sexy." sarcastic na sabi ni Jami
"Haynaku! Nagsimula na naman ang dalawa. Hindi pa rin kayo nagbabago." komento ni Rome
"Pakasal na kasi kayo. Obvious naman na mahal niyo ang isa't isa.'' sang-ayon ni Tevo
"Neknek niyo!'' sabay na sagot ng mga ito
"UUUUUyyyyyy! Sabay pa sila. Kasalanan na!" dagdag na asar ni Erica
"Maging yelo muna ang araw."
"Maging dalawa muna ang buwan."
Sabay ulit ang mga ito. Patuloy ang pang-aasar nila kay Jami at Nell. Tumayo sina Dylan, Tevo, at Aldor, at nilapitan si Ice at tsaka tumulong sa paghahanda sa ihawan.

BINABASA MO ANG
The Reunion
Teen FictionThis is a story of love and friendship that started in high school. After a long time, they decided to have a reunion. Secrets will be revealed. The past will be reminisced. Pain and joy will be remembered. Let's follow their journey to adulthood.Le...