Chapter 4

15 0 0
                                    

Kate's POV


"Lalala....Hmmm..." pagha-hum  ko sa isang kanta na narinig ko lang sa radio kaninang  umaga, habang pinupunasan  ko ang shelves dito sa library. Duty ko kasi ngayon. Dapat may kasama ako pero nagkaroon daw ng emergency ito, at kailangang umuwi ng maaga. Kaya ngayon sobrang tahimik dahil mag-isa lang ako.




Kinuha ang ko step ladder para abutin  ang pinakamataas  na part ng shelf. Pinuwesto  ko ito at tsineck kung hindi matutumba. Nang makasigurado akong okay na, umakyat ako. Kung hindi lang kasi istrikta ang librarian namin, malamang kanina pa ako tapos maglinis. Hindi ko alam kung bakit pilit  nitong pinapalinis  ang library, eh wala namang pumupunta  dito. Hello! Nasa computer age na kaya tayo. Wala ng nagbabasa ng libro.




Patapos na ako, nang biglang may sumulpot na gagamba. Hindi ko expect kaya nagulat ako, at gumapang  pa talaga sa palad  ko. Dahil sa gulat ko, na-out-of-balance ako, at mahuhulog  ako. Hinanda ko na ang sarili na lumagapak sa sahig, at ipinikit  ang mga mata. Pero imbes na matigas  na semento ang sumalo  sa akin, isang pares ng matitigas  na braso ang naramdaman  ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, at nabungaran ko ang sa tingin ko ay ang pinakamagandang pares na mga mata. Hindi ko maiwasang matulala.




This must be a dream come true. Kasi ang buhat  buhat ako ngayon ng taong mahal ko, si Dylan. Yes, I'm in love with him. Hindi pa matagal bago ko narealize ang feelings ko dito. It started when I went to go to my ate's  house, but because it was my first time to go there- she just got married- I got lost. Coincidentally, nakita ko si Dylan, and he helped me. Na-discover  kong hindi ito mahirap mahalin. At isang araw, nalaman ko na lang na mahal ko na ito. Kinalimutan  ko na nga na playboy ito, kasi wala naman akong balak na sabihin ang nararamdaman ko dito. Kontento  na akong makasama siya sa tabi ko bilang kaibigan.




"Are you okay?" concern na tanong nito.





"Ahh! Oo! Pakibaba na ako. Mabigat  ako."




Dahan dahan niya akong ibinaba, then pinagpag  niya ang isa sa sleeves ng uniform ko.




"Hindi ka naman mabigat. Eh di sana hindi kita nabuhat."



I smiled.




"Thank you, ha. Kung hindi sayo, baka nabagok  na ang ulo ko sa sahig."




"Okay lang. Buti na lang napadaan ako at nakita kasi kita mula sa bintana." Then inilibot  nito ang mga mata sa buong room. "Mag-isa ka lang? Di ba dapat dalawa kayong naka-duty  ngayon?"




"Yup. Kinailangang  umuwi ng maaga ni Pete. May emergency daw sa bahay nila, tungkol sa lola  daw niya."




"Hindi ko alam kung mabait  ka o naive ka lang. He's clearly lying. His grandma had died a long time ago. He just wants to avoid his responsibility."





"Talaga? Yun din ang akala ko, pero I thought may iba pa siyang lola. Naawa naman ako, kaya pumayag  ako."




Nagulat ako ng pinupok  nito ang ulo ko gamit ang nakayukong  kamay nito.





"Next time don't get fooled. For the meantime, sasamahan  na kita. Baka sa bubong ka na umakyat. Saan ba ang hindi mo natatapos  na linisin?"




"Oyyy! Wag na! Nakakahiya!'' Todo tanggi  ko. "Kaya ko na ito. Patapos na rin naman ako."




"Ano pa't naging kaibigan mo ko? Más mabilis kong dalawa tayo ang gagawa. Besides, papadilim  na oh. Hindi pwedeng magpagabi  ang mga babae. So, sabihin  mo na sa akin kung ano pa ang kailangang tapusin. I'm at your disposal."




"Sige na nga. Magwalis  ka doon." Sabay turo sa isang corner. "Eto yung walis." Inabot  ko ang walis na nasa tabi lang.





"Salamat ulit, ha? Naabala  pa kita. Para pa namang may date ka."




"Okay lang, at wala akong date. I decided na lie-low  muna ako. Now, let's go to work." Nagsimula na itong maglinis. Napatawa ako ng hindi nito malaman kung paano gamitin ang walis. Ang lakas maka-suggest, hindi naman pala marunong maglinis.




Oh my god! This is bad. I'm falling for him hard and fast. I can't. I already decided no to get any farther. I decided not to do anything with this feelings. I decided to be contented on what we are now. I decided to keep this emotions all to myself. Pero kung patuloy na ganito ang mangyayari, mapipilitan akong sirain  ang desisyon  ko. And I don't wanna do that.




 Kate, stick to your decision, kung ayaw mong masaktan.

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon