Chapter 2

27 0 0
                                    

Gelli's POV



"Hoy! Anong nangyari sayo? Bakit muntik ka ng na-late?" tanong ng kaibigan kong si Kate.



We're having our break on one of the shed, while waiting for our next class.



"Hindi ko narinig alarm clock ko. Napahimbing tulog ko.'' sagot ko habang binubuksan ang chips ko.



"Hindi mo narinig? O binalibag mo ulit ang alarm clock mo?"biro ni Ice.



Hindi na kasi ligid sa mga ito na ilang beses na akong bumili ng alarm clock, dahil palagi ko kasing nasisira ang mga ito by throwing them when they started to ring loudly.



"Oo na! Winasak ko na. Kaya kailangan ko ulit bumili. Punta tayo sa mall mamaya." anyaya ko.



"Pass! May date ako." ani ni Erica



"Wooohh! Kailangang mag-inggit?" biro ni Jami. "Hindi rin ako pwede." sagot niya sa request ko.



"Bakit?"tanong ko.



"Darating ang pinsan ko mula Davao. Pinapasamahan sa akin ng mama ko."



"Pwede ako. My mom asked me to go with her to my aunt's house." sagot naman ni Ice



"Eh di hindi ka pwede." confuse na sabi ko



"Pwede ako. Ayoko ngang sumama. Ang kulit kaya ng tita kong yun. I rather come with you than say 'I'm single' a million times. Alam mo bang ipinarereto sa akin lahat ng anak ng ka-majong'an niya." reklamo nito.



"Ganun ba?" nilipat ko ang tingin ko kay Kate, na ang lalim ata ng iniisip. "Eh ikaw Kate? Sasama ka?"



"Hindi ko alam eh. Hininintay ko nga ang text ng sister ko at may pupuntahan daw kami. Hindi ko alam kung tuloy kami."



"Sabihin mo na lang sa akin mamaya kung hindi kayo tuloy, at sumama ka sa amin."



"Sige." she paused. "Nga pala. Napagalitan ka ba? Di ba pinatawag ka ni Principal Villongco?"



"Oo, pero hindi para pagalitan. Hindi nga niya alam na muntik na akong na-late. Kinausap lang niya ako tungkol sa Mass Induction."

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon