Gelli's POV
Napabuntong-hininga ako, sabay masahe sa sentido ko. Napatingin ulit ako sa mga papel na nagkalat sa mesa. Hindi na ata matapos tapos ito. Kanina pa ako dito. Iniwan na ako ng mga kaibigan ko. Ako na nga lang ata ang natira sa school. Nasa student council office ako ngayon. Medyo busy ako ngayon, kasi malapit na ang mass induction. Ang dami ko pang tatapusin. Beside kasi na ang student council ang mag-plano ng lahat, ako pa ang gaganap emcee, at may speech pa akong gagawin.
Yung mga ibang members naman, busy din. Pinaghati-hatian kasi namin ang workload. Pero kahit ganun, kailangan ko pa ring i-double-check ang lahat, at yun ang ginagawa ko ngayon.
Kinuha ko ang bottled water na nasa bag ko, at uminom. Naubos ko na ang tubig, pero nauuhaw pa ako. Tinignan ko ang water dispenser, at naalalang hindi pala nakapag-deliver si kuya Daren ng mineral water, dahil nagkaproblema sa workplace nila.
"Malas ko naman oh, ngayon pa naubusan ng tubig. Hindi noong nakaraang araw, at ngayon talaga! Close na rin ang canteen." Pagmamaktol ko.
Nagulat ako ng may dumamping malamig at basang bagay sa leeg ko.
"Ahhhhh!" biglang sigaw ko. Napabalikwas pa ako ng talon, pero nawalan ako ng balanse kaya napaupo ulit ako, but this time hindi na sa chair, kundi sa sahig.
"Aray ko pu!" daing ko sabay sapo sa pwet ko.
Tiningala ko kung sino ang walang hiyang salarin, at handa na akong paulanan ng reklamo, at mura ito, pero bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dylan, na mukhang pinipigilan ang tawa. Nawala agad ang galit ko, pero inis pa rin ako.
"Yah! Bakit ka nanggugulat ha? At anong ginagawa mo dito? Nag-uwian na ang lahat ng estudyante." I stood up at pinagpag ang skirt ko.
"I could ask you the same. Anong ginagawa mo ditong mag-isa at kinakausap ang sarili? Para kang baliw." then inabot nito ang isang bottled water sa akin. "Oh! Eto yung ikinabwi-bwisit mo.''
Tinanggap ko ang tubig. "Salamat, at hindi ako baliw. Uhaw na uhaw lang talaga ako. Salamat na lang at nandito ka. You're my savior." binuksan ko ang bote at inisang tunggab ito.
"Refreshing!" binalingan ko ito, at nginitian ng pagkatamis-tamis. "Salamat talaga ha. Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Don't tell me meron kang sixth sense at na-sense mo na kailangan ko ng tubig?"
"Wag kang exaggerated. Magja-jogging lang sana ako sana sa oval, pero nakita kong nakabukas ang room and I thought someone just let it open, and I was just gonna check it out. Pero ikaw ang nakita ko."

BINABASA MO ANG
The Reunion
Teen FictionThis is a story of love and friendship that started in high school. After a long time, they decided to have a reunion. Secrets will be revealed. The past will be reminisced. Pain and joy will be remembered. Let's follow their journey to adulthood.Le...