Chapter 2

0 0 0
                                    

"waittttttt kuyaaaaaa!!!" Sigaw ko kay manong jeepney driver. Nakakainis malapit na ko malate! Bwisit kasing phone ito nakasilent kasi nakalimutan kong itaas ang volume ng alarm.

"Kuya sorry po ah ito po yung bayad ko, estudyante po" sabay bigay ng bayad.

I opened my phone muna para magfacebook for a while. Madalas puro reels na lang dito ang pinapanood ko.

May nagsend pala sakin ng friend request. Mutual friend namin si Shaina. "Dexter Ramos" basa ko. Maybe friend ito ni Shaina. Stalk ko ba? Sige na nga wala naman mangyayari.

Nang i-open ko ang wall niya, I think familiar siya. Nakita ko ang cover photo niya, he is topless on a pool holding a glass of wine. Siya yung nag abot sakin ng wallet ko noong nahulog ko nung minsan. Napansin ko din na ilang araw na ang nakalipas nung mag request siya. Di naman kasi ako pala-open ng socmed. Karaniwan mukbang kasi ang pinapanood ko sa youtube.

Inayos ko ang salamin ko. Why would a hot guy wants to befriend me? Napansin ko yung katabi ko na nakasandal, nakatingin sa phone ko. No'ng napansin niyang nakita ko siya, inalis niya yung tingin niya.

Grabe naman ang mata ni ate, sana naman huwag siya magkaguliti.

Nang makababa ako, dumiretso agad ako sa klase ko. Naging ok naman yung naging flow ng klase. Though minsan napapa-"huh? Pano nakuha yon?" ako pero nare-realize ko naman na kaya pala ganon ang nakuha.

Tapos na ang first class ko, ang second class ko ay after lunch pa. Grabe naman ang sched ko putol-putol, manananggal yarn?

Habang naglalakad sa pathway, may biglang humarang sa harap ko.

"Hi!!" Masayang sabi niya. Ang aga, grabe ang energy ah.

"Ah h-hi?" Sabi ko. Di ako makastand na makipag usap ng ganito sa di ko naman ka-close.

"So, we meet again" he's the guy na nagbigay sakin ng wallet ko. "I'm Dexter by the way" alam ko. "Hindi ako nakapagpakilala noong nakaraan, 'coz I'm so nervous. We're in the same school pala. It's nice seeing you here" sabi niya

Nginitian ko lang siya awkwardly.

"Yeah, same here" sabi ko na lang.

"So you are?"

"Oh! Oo nga pala! I'm Lina nga pala" sabi ko.

"Nasa college of Science ka din pala, by the way I'm Medtech student. Nagulat ako na Chemistry ang course mo, it suits you well though. Ang galing mo siguro maghalo ng chemicals" sabi niya sabay tawa. Nagfake na lang din ako ng laugh.

"Uhmm I guess" wala akong alam ireply. "By the way mauna na ko bye" sabi ko at nagmamadaling naglakad, bigla akong natapilok at nagland sa matigas niyang dibdib

I can see his features very well, yung matangos niyang ilong, his skin is tan. Chinito siya pero may double eyelids. Then yung lips niya ang gwapo.

Bigla kong narealize na matagal pala akong nakatitig sa kanya. Dali dali akong tumayo ng maayos. Parang tanga Lina.

"I'm sorry" sabi ko habang nakayuko.

"No, it's ok, careful lang next time, so I gotta go na din, see you around" sabi niya.

I waved and bid ng farewell. Nakakahiya ka Lina.

_

Someone's POV

"You know what? Parang ang easy to get mo naman pare sa ginagawa mo" sabi ko.

Tumawa lang siya.

"Ganon naman ang ibang mga babae eh, once they felt na someone is treating them nicely, maf-fall sila. Mindset ba" sabi niya.

UNTAMEDWhere stories live. Discover now