"As I was saying, malapit na ang intramurals ng school natin, and need natin ng magrerepresent sa department natin" sabi ng president ng council ng College of Science. Nagr-rounds sila para manghikayat.
"You need to pick one representative dito sa section niyo, then magscreening kasama ang other candidates ng course niyo. Meaning ka-kurso niyo kalaban niyo muna. And then, after that, one candidate will be competing against other courses under ng department natin"
Inaantok na ko ang tagal
"Then, pipili ng pair to represent us sa intramurals next month. Isn't that exciting?" Sabi niya. He's so enthusiastic ah infairness to him.
Marami akong nagbubulong bulungan. Syempre andyan yung pilitan ng mga kaibigan. Yung iba naman nagpapabebe pa na ayaw daw bila kuno sumali, pero nagpapapilit pa. Hayssttt.
Dumukmo ako. Kanina pa ko inaantok.
Umalis na yung president ng council. Ngayon, ang president naman ng class ang tumayo.
"So you've heard naman di ba, now, magbotohan na lang tayo kung sino ang ilalaban natin, any nominations?"
I can barely hear yung mga boses nila. Patulog na ko eh. Pero rinig ko pa rin yung pagpapabebe nung iba na kunwari ayaw sumali tapos pinipilit ng mga kaklase namin.
"Ano ba? You guys stop na ah? I won't join nga, I'm so shy" di ba titigil tong babaeng to?
"Ok, meron pa ba?"
"Si Lina!" Sigaw nung isa.
Ha? Napaupo ako ng maayo ng marinig ko pangalan ko.
"Ano yon?" Tanong ko.
Biglang nagtawanan yung mga kaklase kong babae.
"Sure kayo? HAHAHAHA Grabe wag naman kayo mangtrip. Seryoso to guys!" Sabi nung isa tapos tumawa yung iba.
"Oy wag nga kayong ganyan. Sige sulat ko si Lina" sabi ni president.
"Bahala kayo" sabi ko tapos dumukmo
Alam kong malapit na kong makatulog ng bigla silang magpalakpakan. Niyugyog ako nung tao sa likod ko.
"Ano yon?" Walang buhay na sabi ko
"Congrats ikaw ang candidate ng section natin!" Sabi niya.
Ha?
Kumunot ang noo ko. Lutang ba ako or what? Tama ba mga naririnig ko?
"Seriously?! How come you chose her over me?! This is not a joke!" Sigaw nong babae. Nakalimutan ko pangalan nito eh.
"Eh kasi masama ugali mo" sabi nubg lalaki sa likod ko. Yung nagyugyog sakin. "Tsaka akala ko ba ayaw mo? Kanina kunwari ayaw ka pa gusto mo din naman. Apakapick me girl mo" sabi niya
Napasigaw mga kaklase namin. Ito si ate girl naman napaupo na lang sa upuan niya. Syempre napahiya siya don eh.
"Seryoso ba? Wala akong ano diyan sa ganyan. Never ako sumali and I'm not that pretty" sabi ko sabay ayos ng salamin ko. "Tignan niyo yung buhok ko ang gulo gulo, tapos di pa ko marunong magmake up. Tapos di naman din ako marunong maglakad gaano sa heels. Sure talaga kayo?" Sabi ko.
"You can back out naman if you want eh, we're not forcing you. It's still your choice. Don't worry maiintindihan namin" sabi ni president. Ang bait naman niya
"Oo pres, I'll back out na lang" nagreact halos lahat.
"Sige na Lina, sumali ka na, maganda ka naman eh! Aayusan ka lang ng onti tsaka yung buhok mo ipapasalon lang tapos go na yon!" Sabi ng kaklase kong beki.
YOU ARE READING
UNTAMED
FanfictionLina believes that life is so unfair to her. She never experienced to have a complete family, for her father left them during her childhood. Throughout the years, she experienced so many challenges. She met people that became her friends. She met so...