I was in Junior High School when I had a crush on one of the most popular girls in our School, Alisha Maia Bermudez; she's one of the cheerleaders in our School, she has this charismatic personality and has a great sense of humor making other people like her but despite that, she also have a lot of rumors when it comes to boys, like jumping from one guy to another.Well, I'm not that kind of person who listens to other people when it comes to her. I refuse to believe it because I want to know her first personally but I know it won't happen because she didn't even know I exist.
Habang kumakain kami sa canteen ay saglit napabaling ang tingin ko kay Alisha, minsan napapaisip na lang ako paano niyang nagagawang maging sobrang ganda sa paningin ko kahit walang ginagawa.
Itinago ko ang pag ngiti ko sa pamamagitan ng pag inom sa juice na hawak ko, nang bigla akong akbayan ni Lance, isa sa mga kaibigan ko.
"Pare, kilala ko 'yang tinatanaw mo ah. Si Alisha, matinik 'yan, pare. Ang bilis magpalit ng syota." Bulong sa'kin ni Lance sabay tawa, siniko ko siya nang maagaw namin ang atensyon ng iba.
Pabiro naman siyang umaray at bumalik na sa pakikipagkwentuhan sa mga iba naming kaklase sa lamesa habang kumakain.Akala ko kahit kailan ay hindi magsasalubong ang landas namin, na hindi kailanman magtatagpo ang mga mata namin, na hindi ko siya kailanman makakausap at makakasama.
"Makikiabot po ng bayad," paglingon ko ay si Alisha pala ang katabi ko sa Jeep, agad kong inabot ang bayad niya at iiwas na sana kaagad ng tingin pero sumagot pa siya."Salamat," sagot ni Alisha at nginitian ako.
Akala ko ay iyon na ang huli at unang beses na magku-krus ang landas namin pero mukhang mapapadalas ata dahil pagtungtong ng senior high school ay naging magkaklase kami.
"Sinong ka-group ko sa Research?" Rinig kong tanong ni Alisha habang nililibot ang tingin sa classroom.
"Kay Liam ka raw, Alisha!" Sagot naman ni Lance.
"Pare, pagkakataon mo na." Bulong ni Lance sa'kin sabay tulak ng mahina sa braso ko at tawa.
"Sa'yo ba ako, Liam?" Rinig ko ang bahagyang lakas ng tibok ng puso ko nang unang beses kong marinig na tinawag niya ako sa pangalan ko kaya tumango na lang ako ng wala sa sarili.
"Sa'yo na siya, Liam. Hahaha!" Binatukan ko na ang epal na Lance nang marinig ko na naman ang nakakaasar niyang tawa.
"Alam mo napapansin ko halos tayo lang dalawa ang gumagawa ng research natin ha," kunot noong inis na sabi ni Alisha nang isang araw ay maiwan na naman kami sa library para gumawa ng research.
"Hayaan mo, pagsasabihan ko ulit sila."
"Buti pa nga, sa'yo lang ata nakikinig mga kagrupo natin eh."
"Alam mo, Liam, parang nakita na kita dati..." Nakita ko ang bahagya niyang paglapit sa akin at sipat sa mukha ko.
Nagkatinginan kami at mas lalo kong napagmasdan ang maamo at makinis niyang mukha sa malapitan, ang bilugan niyang mata, ang matangos niyang ilong, mapula at manipis niyang labi na bahagyang nakaawang, at nunal sa pisngi na maliit.
"Ayun, sa jeep ata! Ikaw ba 'yon yung—?"
"Oo, ako 'yon," nakakatuwa ang reaksyon niya habang nag iisip kaya hindi ko napigiling mapangiti.
"Yung konduktor?" Tanong niya at nakataas pa ang kilay, nang makita niyang nawala ang ngiti ko ay bigla siyang tumawa.
Hindi ko alam pero nang mag college kami ay mas naging close kami ni Alisha at alam kong hindi na lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko sa kaniya.
I told myself that I want my feelings known, ayokong dumating ang araw na pagsisihan ko ang hindi pag amin kaya isang araw nang mapag isa kaming dalawa sa swing ng playground sa park malapit sa School ay umamin ako kahit pakiramdam kong maaring mawala ang pagkakaibigan namin.
"Alisha, I know we're friends but I just want my feelings known by the person I like, you don't have to do anything, I know that you don't like me the way I—" my eyes widened when she tiptoe and kiss me on the lips.
"Nakakainis ka! Bakit ngayon lang? Dapat noon pa, eh di sana matagal nang tayo!" Nakita kong may butil ng luha sa gilid ng mata niya kaya't pinunasan ko ito.
"What do you mean— you like—" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, nang malaman kong gusto niya rin ako. Halos mapatalon ako sa tuwa noon, dahil sa wakas nalaman kong gusto niya rin ako.
Years later, I thought our love story will end happily because we both love each other deeply or that's what I thought.
"Pare, nakita ko nga, sure akong si Alisha 'yon eh. Niloloko mo lang ata ako nung sinabi mong kayo ni Alisha eh," napipikon ng sabi ni Patrick, isa sa mga tropa namin ni Lance.
Nakita raw niyang may kasamang lalaki si Alisha habang kumakain sa mall, at magkahawak pa raw ang kamay pag labas ng sine.
Hindi ako naniniwala dahil malaki ang tiwala ko kay Alisha, alam kong mahal niya ako.
"Liam, kayo na ni Alisha diba?" Naniniguradong tanong ni Lance sa'kin, isang araw sa trabaho.
"Oo, pre. Bakit?"
"Kase...Ah, wala naman. Stay strong, pare ah." Para bang may gusto siyang sabihin pero nagbago ang isip. Pinagkibit balikat ko na lang 'yon.
"Love, may tumatawag sa phone mo kanina i-aabot ko sana sa'yo kaso biglang namatay na yung tawag." Paliwanag ko kay Alisha, nang lumabas kami para mag date pero nag banyo siya saglit nang may tumawag sa phone niya.
"What? H-hindi mo naman ba sinagot?" Naniniguradong tanong ni Alisha.
"Hindi, namatay din kase—"
"Good, let's eat." Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Alisha pero ramdam ko ang panlalamig niya sa relasyon namin at parang iniiwasan niya pang pag usapan.
"Alisha, may problema ba tayo, mahal? Ilang linggo na, let's talk, please?"
"Saan mo gustong kumain? Nagugutom na ako eh."
"Do you want me to cook or we'll eat outside?"
"Nevermind, iuwi mo na lang ako sa'min."
"We won't solve this problem if we won't talk about it—"
"It's nothing, Liam."
"D-do you still l-love me, Alisha?"
"O-of course, Liam. I love you, okay? It's just that I'm tired. Hmm?" She told me that while holding my cheeks, making me at ease.
Weeks had passed, I feel like she's not mine anymore. I saw it with my own eyes, hugging, making out, dating with other guys, she saw me there, she knew that I was there.
She's saying I'm the one, but it's her actions that speak louder.
I was about to give her what she wanted because it feels like I'm just caging her in our relationship when in fact, she doesn't love me anymore. I'll do whatever makes her happy but I really want to know why, almost seven years in our relationship, what went wrong?
I did some digging, and it hurts me more when I learned the truth. It's just that I love her and I'll do everything for her.
Bakit niya tinago sa'kin 'to? Bakit hindi niya manlang sa'kin sinubukan sabihin? Bakit pinili niyang masaktan kami pareho? Ang dami kong bakit, pero paano ko pa maitatanong 'yon kung mahina ka na, Alisha?At exactly June 7, 2023. On my 26th birthday, I gave my heart to the only woman I love the most.
"Please. Don't tell her, Tita, that I was her donor because in the first place this heart was only belong to her." I told her mom that if they can't find a donor for her transplant, I can be.
Because I love her so.