Sa mga panahong lagi ko siyang kasama, Napakasaya naming dalawa.
Kasama na doon ang tawanan, asaran at iyakan. Nagdadamayan sa lahat ng problema namin sa isa't isa. But as time went on, ang relasyon namin ay unti-unti nang nanlalamig.
I always ask him if there is a problem but his answer always is,'Wala naman... meron ba?'
Kapag tinatanong ko naman mga kaibigan niya hindi sila naimik bigla nalang sila aalis sa harap ko. Hindi ko alam kung gusto ba talaga nila ako para kaibigan nila o sadyang iniiwasan lang talaga nila ako.
Napapayuko nalang ako at nangiting pilit. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo mula sa kinakatayuan ko. Kung hindi pa ako kinalabit ng kaibigan ko.
"K-Ka....haa! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala!" hinihingal niyang sambit.
Gusto ko nang umiyak sa harap niya. Ngunit kapag umiyak ako, sermon na naman ang aabutin ko sa kanya.
Naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko.
I came closer and rested my forehead on her shoulder."May problema ba?" she asked.
I nodded at kunti nalang mag-uunahan nang tumulo ang mga luha ko.
"Iiyak mo lang 'yang luha mong kanina mo pa pinipigilan... wag mong lang iiyak lahat ha? may kaibigan pa tayong dadamayan ka. Hindi lang ako 'yong kaibigan mo rito." natawa naman ako. Kaya mahal ko 'to eh.
"Mukhang okay ka na natawa ka na e," biro pa niya. "Tara na nga! Ayusin mo na yang itsura mo kaganda mong babae tulo sipon." napamulagat ako at napa atras.
Napahawak ako sa ilong ko ngunit wala naman.
"Wala naman e," saka ako suminghot.
"Ingot! Uto-uto ka talaga! tara na nga!" aya niya at saka niya ako inakbayan.
"Ikwento mo sa amin kung anong nangyari ha? The three witches are worried about you, too."
Natawa ako ng mahina at tumango.Habang naglalakad kami ay bigla nalang niyang hinawakan ang isa kong braso at tinakpan ang mga mata ko.
"Wait lang Ynaaa! Di ko makita ang dinadaanan ko." natatawa kong sabi.
"Ka-Kaya nga hawak ko isang braso mo para di ka madapa eh." aniya at saka kami tumakbo.
Saka lang niya ako binitawan at tinanggal ang kamay niya nong nalagpasan na namin ang dalawang classroom na hindi ginagamit.
"N-Napagod ako doon ah!" sambit ko habang hinihingal.
Napasulyap ako sa kanya dahil bigla na lang siyang naimik.
"Okay ka lang?"
"W-Wala kang nakita d-diba? diba??"
"Nakita? saan?"
"S-Sa nadaanan natin?"
"Nagda-drugs kaba?" tanong ko.
"A-Ano?"
"Paano ko makikita yung mga bawat nadaanan natin kung tinakpan mo naman 'tong dalawang mata ko?"
Bumuntonghininga siya.
"H-Halika ka na nga," aya niya sa akin. Hinila niya ako saka siya lumingon sa likod namin. Napalingon rin ako sa gawing tinitignan niya. "Tara na!' Wag ka na rin nakikilingon." seryosong aniya at saka niya ako hinila.
Lumingon ako sa kanya at nakakunot noo siya.
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang sumeryoso meron ba siyang nakitang di kaaya-aya?Wala kaming imikan hanggang sa nakarating na kami sa tambayan naming magkakaibigan.