chapter 13

177 2 0
                                    

CHAPTER 13: Bawal matuluan ng luha ang kabaong, lalo na't hindi mo ito kapamilya. Dahil hihilahin ka ng demonyo palayo sa lamay.

Nakatulala si drake at nag iisip kung paano niya iyun sasabihin sa babae pagkagising.

Sa dami ng mga nangyayare ay nagsimula nang magalit si drake, kaya hindi na niya hinintay ang babae na magising at agad na bumalik sa bahay nila tita at dito.

Doon nga ay tinanong ni tita si drake kung ano ang nangyare sa babae..

"Nandito kana pala drake, kamusta ang babae?" pagtatanong pa ni tita.

Ngumiti si drake ng kunti at sumagot.

"Nanganak po siya ng kambal." sagot ni drake.

"Ahh ganun ba, congrats sa kanya." sagot ni tita at natuwa sa resulta.

"Pero namat4y ang isa." dagdag pa ni drake.

Nanlaki ang mga mata ni tita at nabigla sa sinabi ni drake.

"Dun muna ako sa lamay ni adam tita." dagdag pa niya at hindi hinintay ang sagot ni tita at agad na nagtungo sa kabaong.

Tinitigan niya si erol at maya maya pa ay naiiyak.

Sino ba naman ang hindi maiiyak pag namatay ang matalik mong kaibigan diba?

Pero sa kabila nang lahat, nagpapasalamat pa rin si drake kay erol dahil sa mga masasayang araw na magkasama sila. Hindi malilimutan ni drake ang mga araw na nanjan si erol sa kanyang tabi sa tuwing nalulungkot siya, sa tuwing kailangan niya ng karamay. Palaging nasa tabi niya si erol.

Ilang minuto ang lumipas at hindi namalayan ni drake na padami na ang tao sa labas at nag gabi na pala.

Aakmang maglalakad si drake papuntang kusina nang biglang nakita niya si alexis sa bintana.

Nakaharap ito na ngumingiti, kitang kita na may dala itong ulo, pero kaninong ulo yun?

Tinitigan niya ang ulo at parang babae, mahaba ang buhok at... At...

"Anna!?..." bulong niya sa sarili.

Nagulat si drake nang makita niya ang mukha, kaya agad na nagmamadali si drake na lumabas at tumakbo patungong kagubatan kung saan nandoon si alexis habang dala dala ang ulo ni pres.

"Alexis!" sigaw niya habang tumatakbo.

Nagtitinginan ang mga tao kay drake at may nagsalitang babae.

"Sino ang tinatawag ng binatang yun?"

"Iwan ko mare, wala namang tao dun." sagot naman ng isa.

"Sabihan mo nga ang ina ni erol, paki kuha yung bata parang nababaliw na yata." sagot naman ng babae.

Habang tumatakbo si drake ay nagtungo naman sa loob ng kagubatan si alexis kaya nagdadalawang isip si drake na sundan ito.

Pero dahil sa galit niya ay naglakas loob itong pumasok sa kagubatan, napakadami na kasi ang namat4y tapos nakita pa ni drake na may dalang ulo si alexis, at ang ikinagulat pa niya. Ulo ito ni anna, ang president ng room.

Ilang segundong pa ay nakapasok na nga si drake sa loob ng kagubatan at sa harap ay nakatayo si alexis, nakatingin habang hawak hawak ang ulo ni anna.

"Hoy alexis! Anong gusto mo!" sambit ni drake.

Hindi kumibo si alexis at nakangiti lang itong pinagmasdan si drake.

"Pat4y kana! Ano pang ginawa mo dito!? Umalis kana at huwag kanang babalik!" sigaw pa niya nang biglang may humawak sa kanyang balikat kaya nagulat siya.

"Aaahhh!!" sigaw ni drake at may biglang nagsalita sa likod niya.

"Drake, sinong kausap mo?" sambit niya.

Agad na napatingin si drake sa likod at nakita niya si tita na nagtataka kaya naibsan ang takot niya.

"Ikaw lang pala tita." hinang sambit niya.

"Oo, may nagsabi kasi sa'kin na pumunta ka daw dito sa kagubatan na sumisigaw, ang akala nila baliw kana." pagpaliwanag pa ni tita.

Tumingin si tita sa lugar kung saan sumigaw si drake at nakita niya ang isang nakatayong kahoy ng balete.

"Kahoy?" saad ni tita.

"Bakit mo kinausap ang kahoy?" dagdag pa niya.

"Tsaka, akala ko ba pupunta ka sa burol ni adam?"

Dali daling tumingin si drake sa harap at nakita niya ang kahoy ng balete.

Nagulat si drake at agad na nanlamig ang paligid.

"B-bakit... k-kahoy?" tanong ni drake sa kanyang isip.

"Nakita ko kanina dito si alexis na nakatayo dala dala ang ulo ni pres." pagmuni muni pa niya.

Hindi umimik si drake sa sinabi ni tita, kaya inaya na ni tita si drake na bumalik.

"Hali kana drake, bumalik na tayo sa loob." sambit ni tita at agad na kinuha ang kamay ni drake at dali daling dinala pabalik, dahil may nararamdamang kakaiba si tita, tumatayo ang balahibo niya sa lugar na yun.

Ilang minuto pa ay nakapasok na nga sila sa loob at agad na binigyan ni tita si drake na pampunas ng luha.

"O'ito, gamitin mo." sambit ni tita.

Nagulat si drake, hindi naman siya umiiyak at dali daling hinawakan ang mukha, wala namang luha pero bakit binigyan siya ng pampunas ng luha?

Agad na nagsalita pa si tita.

"Ipahid mo yan sa kabaong, umiiyak ka habang pinagmasdan mo ang mukha ni erol." dagdag pa ni tita.

Nagulat na naman si drake, dahil kanina lang ay pumunta siya sa kagubatan at inaya siya ni tita na bumalik sa loob ng bahay, pero bakit nasa harap siya ng kabaong habang umiiyak?

"Sge na drake, pumunta kana sa lamay ni adam. Gagabi na." sabi pa ni tita.

Agad na tiningnan ni drake ang bintana, nang makita niya ang araw ay halos tumalon sa kaba ang pus0 niya.

"Dapat gabi na eh.." sabi niya kaya nagtanong siya kay tita.

"Ahmm.. Tita, nakita mo ba akong nagpunta sa kagubatan?" tanong ko.

Agad namang nagtaka si tita at sumagot.

"Ha?... Pinagsasabi mo, di ka naman umalis jan kanina pa." sabi niya.

Biglang nanginig si drake sa sagot ni tita. Papanong di umalis e'sinundan nga ni drake si alexis papuntang kagubatan.

To Be Continue...
────────────────────
❖ Nagustohan mo ba ang kwento? Kung oo ay gusto ko sanang manghingi ng sampung segundo (10seconds) para e click ang pangalan ko ( Senyoritong Anel ) at i like or follow, para ma update kayo sa next chapter ng story.

⚠️: DONT COPY OR REPOST THIS STORY WITHOUT MY PERMISSION. WE WILL REPORT YOUR PAGE/PROFILE AND YOU WILL BE DISABLE. THANK YOU❣️

PAMAHIIN (Complete)Where stories live. Discover now