chapter28

139 1 0
                                    

CHAPTER 28

"Para yan kay Anna!..." dagdag pa ni alexis at doon nga ay pinasok ni rica mey si anna sa loob ng kabaong

Walang magawa sila drake kundi ang pagmasdan si anna, dahil kailangan nilang pagbayaran ang mga kasalanang ginawa nila.

"Buhay kapalit sa buhay." sabi ni adam.

Habang sumisigaw si anna sa loob ng kabaong ay biglang lumitaw ang isang bata, ang batang ito ay ang nagpasimuno ng pat4yan. ang batang to ay walang iba kundi ang bunsong kapatid ni sue.

Dahan dahang naglalakad ang bata palapit kay alexis at yumakap.

"Makakamtan mo na ang hustisya." mahinang sabi ni alexis, at hinimas himas niya ang buhok ng bata.

Pinagmasdan lang nila si anna habang nag aagaw buhay sa loob ng kabaong, hanggang sa unti unti nang nanghihina si anna sa loob dahil hindi siya makahinga.

At kalaunan nga ay natahimik na siya at hindi umimik, dahil dun ay binaba ni alexis ang kabaong at doon ay binuksan.

Nang mabuksan ito ay nakita nila si anna na nakatihaya sa kabaong, hindi na ito humihinga.

"Pat4y na sya." mahinang sabi ni erol.

Dahil dun ay nagpakita si patrick at umiyak, ganun rin si drake. Umiyak sila parehas kahit mga multo na.

Walang masabi sila samuel at jacob, bukod sa matanda na sila ay hindi na ito makakatakbo pa. Kaya tinanong nila kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit nila kinuha ang buhay ni anna.

Sinagot naman ito ni drake at magpapaliwanag.

"Ganito kasi yun, tatlong araw bago mamat4y ang batang to ( sabay turo sa bunsong kapatid ni sue)...

*FLASHBACK*

May botohan ang nagaganap sa school. Labanan kasi yun ng mga magaganda, pero si anna ay hindi lang nangangalahati sa kagandahan ni sue. Kaya ang boto ng mga tao ay napunta halos lahat kay sue.

Si sue ay isang napakaganda at napakasexy na babae, samantalang si anna ay matalino lang at hindi ganon kagandahan ang mukha. Medyo sexy din sya pero may bilbil parin ng kunti.

Si sue ay isang muse sa school, si anna ay president. Pagkatapos ng botohan ay hindi matanggap ni anna na natalo siya. Dahil napakatalino nya naman at lahat ng kaklase niya ay pinapagaya niya ng sagot para sama sama silang ga-graduate.

5:23PM ng hapon, matapos maglinis namin sa room ay nilapitan kami ni anna. At may sinabi siya.

"Drake, diba bagsak ka sa first and second quarter?" tanong ni anna.

Tumango naman si drake.

"Oo, bakit?" sagot niya.

"Wala kanang chance para i-angat ang grado mo, 65 sa first, 68 naman sa second. Kahit na makakuha kapa ng 80 na grade sa third and fourth ay babagsak at babagsak ka parin." dagdag pa ni anna.

"Oo alam ko pres, kaya nga problemado ako ngayon ehh.. Tsaka di ako makakakuha ng 80 na grade, kita mo naman na sa simpleng 75 lang ay hindi ko pa maabot." sagot naman ni drake.

Ngumiti si anna at may inooffer.

"Ganito, kaya kitang tulungan. Basta tulungan mo rin ako." sabi ni anna.

Dahil dun ay nagdadalawang isip si drake.

"Ano naman ang gagawin ko?" tanong ni drake.

"Simple lang... Kailangan manalo ako sa patimpalak bukas, kita mo naman na natalo na ako sa botohan, kaya hindi ako papayag na matatalo rin ako sa harap ng maraming tao bukas." sabi ni anna.

"So, anong gagawin ko kay sue?" ani pa ni drake.

"Ikaw na bahala, total gwapo ka naman, E seduc£ mo siya. Akitin mo, o kaya gawin mong pasarapan. Basta huwag na huwag mong papuntahin si sue bukas sa stage." pagkombinsi pa ni anna.

Nagdadalawang isip si drake sa sinabi ni anna, tsaka hindi niya magawang gawing para0san ang mga babae.

"Sgesge, lilibangin ko nalang si sue." sagot ni drake.

"Ikaw na bahala drake, pag nagawa mong hindi papuntahin si sue bukas sa stage ay ako na ang gagawa sa mga assignment, projects, essay at sa mga research mo." sabi ni anna na ikinatuwa ni drake.

KINABUKASAN....

Naghanda na ang lahat ng mga kalahok sa gaganaping patimpalak sa school, ngunit wala pa si sue sa likod ng stage.

"Nasan na kaya si sue?" sambit ni rica mey.

Isa din si rica mey sa mga kalahok, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang beauty pageant.

"Iwan, siguro late?" sagot ni anna.

Naghahanda na ang mga contestant, habang si sue ay nasa bahay pa dahil ang gown na susuotin sana niya ay nadumihan ng putik.

Di alam ni sue na si drake ang may gawa nun.

"Ate! Hayaan mo na yan! Male-late kana, yahaan mo po na kami nila mama ang maghanap ng gown para sayo. Pumunta kana dun sa school." sabi ng bata niyang kapatid.

Ang hindi nila alam ay nandoon si drake sa likod ng bahay nila, kaya nang marinig ito ni drake ay agad niyang tinawagan si erol, para sa plan B.

"Erol!." sambit ni drake sa celphon.

"Di gumana ang plano ko, pwede bang harangan mo ang sinasakyan nilang trycle?" tanong niya.

"Oo drake, nakahanda na ako.. Tsaka bakit mo ba to ginagawa?" tanong ni erol.

"Basta erol, wala namang mawawala ehh... Harangan mo lang. Kailangan hindi makapunta si sue sa school. Yan lang ang misyon natin." sambit ni drake sa cp.

Agad na naintindihan ni erol, kaya agad niyang minaneho ang sasakyan at doon nga ay hinarangan niya ang daan.

Mga ilang minuto ay nakarating na ang trycle sa daan kung saan nakaharang si erol.

Agad na bumaba si sue para e check ang sasakyan at nakita niya si erol na problemado.

"Erol!.. Ano ba yan!.. Late na ako ehh..." sambit ni sue.

"Sorry sue, na flat ang gulong eh.. Sorry.. Sorry.." pagkukunwari pa ni erol. Pero sinadya nya talagang butasin ang gulong.

Dahil dun ay hindi makatawid ang sinasakyan nilang trycle. Kaya agad na bumaba ang kapatid ni sue at naglakad papuntang harapan kung saan na stuck ang sasakyan ni erol.

Doon ay naghanap ng bagong trycle ang bata, at sa hindi inaasahan... May bar*lan ang naganap at doon nga ay natamaan sa dibdib ang bata.

Dahil na flat ang gulong ni erol ay hindi niya ito maidala sa hospital.

To Be Continue...
────────────────────
❖ Nagustohan mo ba ang kwento? Kung oo ay gusto ko sanang manghingi ng sampung segundo (10seconds) para e click ang pangalan ko ( Senyoritong Anel ) at i like or follow, para ma update kayo sa next chapter ng story.

⚠️: DONT COPY OR REPOST THIS STORY WITHOUT MY PERMISSION. WE WILL REPORT YOUR PAGE/PROFILE AND YOU WILL BE DISABLE. THANK YOU❣️

PAMAHIIN (Complete)Where stories live. Discover now