kamalasan 20: MUTUAL feelings

749 7 1
                                    

TRICIA'S POV

pauwi na ako kasama ang mga aso siyempre.. nang maisipan kong dumaan muna sa soccerfield baka sakaling nandun pa si jex..no malisya pero kasi tinatamad pa akong umuwi >_< tsaka dapat kanina pa ako nakauwi eh..atleast kapag kasama ko si jex umuwi hindi ko na kaylangang mag-isip ng excuse kasi sasabihin kong naging assistant niya ako habang nagpapraktis..oh diba, galing ko magplano..hahaha..anyway

 "arf ! arf !" tahol ni papi, lumingon naman si jex kaya tumakbo papunta sa kaniya yung aso

"hey papi!" sabay lumuhod siya at yumakap sa aso

lumapit na din ako kasama ang apat pa na aso

"bakit ka andito??" tanung niya

"masama? edi panuorin ka" hindi siya naka-imik.. nag-clear pa siya ng throat..haha srsly? sarap pala nitong biruin, mukhang sineseryoso eh

"may dala kang extra money?"

"ahhh..ehh..a----"

"bilhan mo ako ng tubig, kahit iwan mo na diyan yung mga aso..malawak naman ang field"

anu ba yan..hindi man lang ako patapusin sa sasabihin ko..malas naman oh

"hmmm.. saan bang may malapit na tindahan dito?? parang wala naman ahh"

naglalakad na ako at halos nalibot ko na ang buong gilid ng field wala namang nagtitinda..lumabas ako ng field at doon ako may nakitang mga vendors..at wow buti nalang may bente pa ako sa bulsa ko..kaya naman bumili ako ng tubig at saka bumalik na sa field..

sa di kalayuan, nagtetraining ulit si jex pero MAG-ISA niya lang..pagkalapit ko, tumigil siya sa pagtakbo at lumapit sa akin..sabay kuha sa tubig..habang umiinom siya nagtanong na ako

"bakit nga pala mag-isa mo lang dito? asan yung iba mong mga kateam?"

inubos na niya yung bote ng tubig (matakaw sa tubig -.-) saka tumingin sa akin

"wala na umalis na sila kanina pa...ayoko pa kasing umuwi sa bahay kaya nagstay muna ako dito"

"eh? parehas pala tayo..hahaha"

"oo nga, diba dapat nasa bahay ka na kanina pa? alas-tres na oh"

"ahh...ehh kasi nung mga 1 pinasyal ko yung mga aso sa park.tapos ayun tumakbo si papi...." blah blah bla, kinuweto ko lahat kay jex yung nangyari kanina..sa may bakeshop ni kester, nung nalaman kong si kester nagbayad ng rent ko..yung nakilalak o sina erwin ate renalyn..basta lahat lahat.. nakaupo kami sa gitna ng field...

matapos kong makuwento hindi siya umimik..tahimik lang

"pwede magtanong?" sabi niya

"nagtatanong ka na nga diba? hahaha"

"gusto mo masipa ng bola??"

"game!" tumayo na ako at lumapit sa may soccer ball saka ito sinipa...sinipa ko itoh ng sinipa papunta sa goal kaso biglang humarang si jex sabay sipa sa bola ko palayo sa goal

"oy! malapit ko na ngang magoal eh!!" sigaw ko, tumatakbo na kaming dalawa, siya nauuna..habang ako pilit inaagaw sa kaniya yung bola

"hahaha..!" sigaw niya habang tumatawa..tinignan ko siya, tuwang-tuwa ang hitsura.. kaya pala mahal na mahal niya ang soccer..kasi dito siya nag-eenjoy...

his UNLUCKY maid (BaekZy^^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon