Maid Quarters
“Kung ano-ano ang pinagtuturo mo sa sariling kaibigan. Buti hindi pa iyon nahahawa sa iyo nang tuluyan,” Chester voice out as he maneuvered the car. Nakasimangot na nilingon ko ang lalaki.
Parang lahat na lang nang nakikita nito sa akin ay ang mga bagay na mali kong nagagawa. Pero pareho lang din naman kaming dalawa. Tanging mga maling bagay na ginagawa niya lang din naman ang nakikita ko palagi.
Well, that’s entirely his fault. Kung hindi ba naman siya gago ay magiging mabait pa sana ako sa kaniya. But he is a total jerk! He doesn’t even deserve any bit of my respect!
“We are best friends. Of course, nagkaiintindihan kami sa lahat ng bagay lalo na sa kalokohan. You can’t expect us to stay beside each other for a long time without going crazy, right?” I sassily uttered while rolling my eyes. “Wala ka sigurong friend kaya hindi mo alam ang feeling,” dagdag ko pa.
Malamig na nilingon ako ng lalaki. Muntik na akong mapakurap dahil doon. Nakatatakot ang mukha nito habang nakatitig sa akin.
Why is he looking at me like he is going to eat me alive? I’m not his prey, ew!
“If you want us to reached my mansion alive, then learn to shut your mouth off---”
“Then it’s true then? That you don’t have friend?” putol ko sa kaniya na ikinaigting ng panga niya.
Gusto kong tumigil na ang bibig ko sa pagsasalita pero kuryuso ako sa buhay nito. Siguro naman, ayos nang mamatay basta mainis ko lang siya, hindi ba?
Besides, I need to learn things about him. Para naman may magamit din ako laban sa kaniya. Para kung sakali man na papatayin niya nga ako sa nalalapit na hinaharap ay may puwede ba akong gamitin na mga bagay tungkol sa kaniya.
Paano pala kung rati siyang nabasted? Tapos i-blackmail ko siya na ikakalat ko iyon sa buong mundo? Edi siyempre, mag-iisip muna siya kung itutuloy niya ang pagpatay sa akin kasi ayaw niya naman sigurong mapahiya, ano? A mafia boss like him got rejected? Oh, that hurts.
“Woy, ano na? You don’t have a friend? So, alone ka sa buhay mo? Kaya siguro ganito kasama ang ugali mo, ano? Kasi walang nagmamahal sa iyo,” pang-iinis ko pa lalo sa kaniya.
He just glared at me, and suddenly stop the car. Naging dahilan iyon para muntik na akong masubsob sa dashboard ng kotse kung hindi lang ako naka-seatbelt. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya, ang mga mata ko ay nanlalaki habang awang ang aking mga labi.
“The heck?! What the hell is your problem?! Paano kung nadisgrasya tayong dalawa?!” kabadong tanong ko sa kaniya. Napalingon pa ako sa harap at napailing-iling na lamang nang makitang wala namang problema sa kalsada. Walang puno o kahit anong nakaharang para huminto siya ng ganoon-ganoon lang.
“I told you to shut up--”
“Shut up mo mukha mo! You are just crazy! Heck! I don’t even understand why my grandparents trust you so much! Kung alam lang nila kung paano mo ako ilapit kay kamatayan ay baka sila pa mismo ang kumitil sa buhay mo!” sigaw ko sa kaniya. Tumaas baba ang dibdib ko bago napabuga na lamang ng hangin.
“I really hate your mouth. Can’t you just shut up?” aniya sa mahinanong tono, ngunit gamit ang malamig na boses.
“Well, I hate your whole existence! No, I loathe you!” balik ko.
I leaned on back to my seat, crossing my arms in front of my chest as pressed my lips on a thin line. Hindi na ako muling lumingon sa kaniya, at baka magsakalan na kami rito sa loob ng kotse.
Hindi ako kriminal, pero malapit na talagang maputol ang litid ng pasensya ko sa kaniya. He is just so annoying! An asshole, jerk, inhuman being!
Wala na akong narinig mula rito at hindi rin nagtagal ay nagsimula nang gumalaw ang kotse. The journey to his house was quite that made me close my eyes, and it wasn’t long then when I fell asleep. Nang magising ako ay rinig ko na ang tahulan ng mga aso, at ingay galing sa labas. I can feel the cool wind brushing my skin too that made me open my eyes.
BINABASA MO ANG
Guarded By A Mafia Boss
ActionHeart Rosenstein is a known brat that was spoiled rotten by her grandparents . Everything that she wishes for was given because it is the only way that they could make her feel that she is not alone. However, Heart's attitude worsened as time passes...