Happy
Umuwi kami ni Chester sa mansyon tulad ng sabi niya. Naiwan pa namin si Romard sa Phantom Club dahil siya ang tumapos ng trabaho ni Chester. Ayaw kasi ako nitong iwan na lang ng basta-basta.
Inabutan namin sila Joem at Arkim sa mansyon na nanonood ng TV sa sala. Seryoso pa ang mga mukha nila at nang tignan ko kung anong pinapanood nila ay bahagyang napaawang ang labi ko.
“Paw patrol, Paw Patrol, whenever you’re in trouble! Paw Patrol, Paw Patrol, we’ll be there on the double! No job's too big, no pups too small! Paw Patrol, we’re on the roll! So here we go! Paw Patrol, whoa... Paw Patrol, whoa, oh-oh...Paw Patrol...”
What the heck?
“Let’s go to my room. You need to rest more,” untag ni Chester sa akin na hindi ko maintindihan dahil ang tingin ko ay nanatili pa rin sa dalawa na sinasabayan pa ang kanta.
“Hey...” Hinila ako ni Chester kaya roon ko na naibigay sa kaniya ang atensyon ko.
“Those are shows for kids,” hindi makapaniwalang sabi ko sa kaniya.
“Hayaan mo na sila. Come on now, Talitha.”
Hindi na ako nakaangal pa nang igiya niya ako. Nagtaka pa ako noong nagpunta kami sa second floor pero nang nakarating kami sa kuwarto niya ay siya mismo ang nagbukas niyon. The familiar scent of Chester attack my nose as we glided inside his room.
He told me to rest and I was left with no choice but to do it. Kahit din nakatulog ako kanina sa club ay ramdam ko pa rin ang pagod na lumulukob sa sistema ko. Chester was considerate enough to stay in the room to guard me that made me comfortable.
Ganoon ang naging eksena namin palagi sa mansyon. Hindi na rin masiyadong umaalis si Chester para lang bantayan ako. He even bought me some new dresses. Doll ones. Hindi tulad noong mga dress ko ay mas conservative tignan ang mga dress na binili niya para sa akin. Ako pa rin naman ang pumipili ng mga dress, pero siya ang nag-a-approve kung puwede ba o hindi.
He is like a father guarding his teenager child. Pero kahit papaano ay natuwa na rin ako dahil nilagyan niya na ng aircon ang maid quarter’s. Dahil doon ay mas payapa akong nakatutulog sa gabi. Hindi na mainit.
“Joem, I want some brownies. Matcha flavored, please,” untag ko sa lalaking kasama.
Nasa sala kaming dalawa ni Joem. Nasa labas naman si Chester kasama si Romard. Nag-uusap silang dalawa tungkol sa trabaho at hindi na ako nakialam pa dahil baka may marinig ako na puwedeng ikasama ng sistema ko.
“You want me to bake it or I’ll order?” he asked. Agad na umilaw ang mata ko sa narinig. Sa dalawang linggong pananatili ko sa mansyon ay marami akong nalaman.
Nagtaka rin kasi ako dahil wala silang chef dito sa bahay. I mean, we have one in our mansion. We also have so many bodyguards and maids, but there was none here. When I asked Chester why, he told me that Arkim do the house chores along with Joem, and that Joem can bake and cook at the same time. Pati ang malditong si Romard ay hindi nagpapahuli dahil nakita ko ito noong una na nilalabhan ang sarili niyang damit. Hindi lang basta-bastang laba sa washing machine dahil ito mismo ang nagkukusot.
Gusto ko nga sanang magpaturo kung paano iyong tunog-tunog na naririnig ko kapag naglalaba siya pero ang masungit ay inismiran lang ako. Pareho talaga sila ni Chester. Mga masasama ang ugali.
“I want you to bake me some. And grape flavored juice too, please?” Natawa ang naturang lalaki sa akin.
I felt giddy when he pat my head. Crush ko talaga ito. Mabait na at gwapo pa! Hindi lang basta mabait at gwapo dahil marunong din ito sa gawaing bahay. Hindi pa ako magugutom sa kaniya dahil marunong siyang magluto! I can just always sit like a queen and eat the foods he’ll cook for me.
BINABASA MO ANG
Guarded By A Mafia Boss
ActionHeart Rosenstein is a known brat that was spoiled rotten by her grandparents . Everything that she wishes for was given because it is the only way that they could make her feel that she is not alone. However, Heart's attitude worsened as time passes...