Kabanata 19

1.3K 45 2
                                    

Friend

“Are you going to shop again after this?” Chester asked while sipping unto his matcha flavored milkshake. Tutok na tutok ang mata ko sa mga labi nito kaya mabilis akong napaangat ng tingin sa tanong niya.

He raised his brows at me. Lumunok ako bago bahagyang tumango.

“I want some new sets of makeups,” I replied, looking away from him. Tumikhim ako bago kumagat sa hawak kong red velvet macaron. I was munching on it when I felt a finger on my hand.

Nagtatakang tinignan ko iyon at muntik nang matawa dahil pinindot-pindot ni Chester ang kamay ko nang mahina. I stifled my smile as I stared back at his eyes.

“I am not forcing you to love me back... but can I have your attention, please?” He tilted his head to the other side, gulping.

“Is this the part where your middle name change?” I pondered. Kinain ko muna ang natitirang macaron sa kamay ko bago ko iyon pinunasan ng tissue. I rested my jaw then in my hand to have a better position while staring at him.

“What do you mean? Aren’t I changing your last name instead?” balik niyang tanong na kung may iniinom lang ako ay matagal na akong nabulunan. Napalunok ako habang inosente lang namang nakatingin sa akin ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

The heck? That was so smooth!

Pilit kong inalis sa isipan ang mga naglalarong imahe roon. Imahe naming dalawa sa magiging kasal namin. This is his fault! I wasn’t thinking about that, but now that he said it, my head is starting to plan our wedding too! Ni hindi niya pa nga nilalagyan ng label ang mayroon kami tapos dumiretso na siya sa kasal?

Kainis! Kinikilig ako!

“What I mean is that you are seeking too much of my attention. So, you’ll probably be Chesterion ‘Tagalimos ng atensyon ni Heart Rosenstein’ Venyx,” I beamed at him.

Tumitig lang naman siya sa akin. His gaze was too serious. He didn’t even flinched that made me wonder if I offended him with my choice of words. Nagsisimula na akong kabahan dahil wala man lang akong nakuhang reaksyon mula rito nang gumalaw siya. He leaned on towards my face that made my eyes widened a bit.

“Isn’t that normal? I love you, so I want your attention. Just for myself, Talitha. I hate it when other people wants your attention too,” he admitted honestly that made the waves in my stomach dance wildly. It already calmed down earlier, but with his words right now, I don’t think it will ever have a rest.

Bumukas ang bibig ko pero agad ko rin iyong naisara. I am so damn speechless! Aminado naman akong dire-diretso talaga siyang magsalita kapag may gustong sabihin, pero hindi ko alam na pati ang nararamdaman nito ay sasabihin din nito agad-agad.

Tumawa ako. Halos naging pilit iyon at pangit pakinggan pero wala akong ibang masabi rito. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi, at sa huli ay tinabunan ko na ang buong mukha ko gamit ang sariling palad.

“Shit! Kalmahan mo lang, please!” nahihiya ko nang bulalas. Ang kamay ay nasa mukha ko pa rin.

Nang silipin ko siya sa pagitan ng daliri ko ay nanatili pa rin itong nakatingin sa akin. Ang kaibahan lang ay mas ngisi nang nakapaskil sa labi niya.

Chesterion Venyx doesn’t know how to pause! He always says the things that’s in his mind. Kahit noon naman ay sinasabi niya rin sa akin ang mga bagay na nasa isipan niya, kahit ang mga bagay na nakasasakit pa iyon. Pero ngayong sinasabi niya nga, pero ibang bagay naman patungkol ay parang gusto ko nang magpalamon sa lupa. Alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa mga banat niya sa akin, pero kapag nakikita kong nakangiti ito at masaya ay natutuwa rin naman ako.

Guarded By A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon