List
Wala akong ganang naglalakad kasama ang dalawa kong kaibigan. Nakakapit pa rin ako sa braso ni Teron at ganun pa rin si Elyana. Hindi ko rin alam kung may matututunan pa ba ako sa ituturo ni Ms. Del.
Mas gusto ko na lang umuwi. Gusto ko na lang tumakas kasama sila pero mukhang mahihirapan kami. Sa dami ba naman ng mga bodyguard na nagkalat sa loob, sino kayang makakatakas.
Wala din kaming laban dahil sa mga baril na nakalagay sa kanilang gilid. Baka nga anumang oras ay may patayin na naman ang mga ito. Mga walang pusong naglalakad ang mga ito. Hindi man lang magawang maawa sa amin.
Marami pa rin sa mga mag-aaral dito ang umiiyak habang naglalakad. Naririnig ko rin ang iba't ibang bulungan ng mga nadadaanan namin.
Mabilis naming nilakad ang papasok ng klasrum ng natanaw namin ito. Nadatnan kong mga tulala ang iba habang nakatingin sa blackboard namin. Iba naman ay halata ang pagiging mugto ang mga mata halatang kakagaling lang sa iyak. At ang iba naman ay takot at pangamba habang nakatingin sa kawalan.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso ni Teron ng makalapit na kami sa pwesto namin. Agad kong ibinaba ang bag ko at umupo ng maayos. Sobrang bilis ng pangyayari kanina, hindi ko alam na walang puso ang kapatid ni Headmaster Kim.
Ibang iba sa ugali na mayroon si Headmaster Tim. Siya yung tipo ng tao na makakasalamuha mo talaga dahil sa pagiging mabait nito. Samantala, taliwas naman sa ugali ni Headmaster Kim na masama ang ugali at walang puso.
May naririnig kaming yabag ng takong papalapit sa klasrum namin. Sa tingin ko si Ms. Delia na 'yong naglalakad pero nagkamali ako.
Isang matangkad na babae na mukhang nasa edad bente pa rin siguro. Seryoso ang kaniyang mukha na pumasok sa loob habang may bitbit na bond paper. Tinungo niya ang mesa na para sa mga titser, sa tingin ko transferee rin siya.
Sumandal ito sa mesa at nakahalukipkip na nakatingin sa amin. Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-ikot ng kanyang mga mata ng mailibot ito. Mukhang hindi namin magugustuhan ang babae na 'to parang maarte.
Sa kilos pa lang kanina alam na agad. "Good morning, students. I am Merlaine Franklyn, your new teacher. No need to introduce yourself, I don't care about it." God! Gusto kong ihambalos ang maarte nyang mukha pero dahil alam kong wala akong laban mananahimik na lang ako.
Hindi naman maganda ang boses nya. "See this blank paper?" Iwinagayway niya sa harapan namin ang blankong papel na hawak nya kanina papasok.
Mukha ba kaming bulag? Malamang na alam namin, kaya nga may mata e.
"To those people who have their group or what we called gang. Kindly put your name here as well as the name of your gang."
Nabigla ako ng parang halos karamihan sa amin ang tumayo. Mas lalong naglalaki ang mga mata kong tumayo si Elyana at Teron.
What the fuck?
Inilibot ko ang paningin ko at halos sampo na lang kaming nakaupo ngayon. "For those student who don't have one, you have to join in any gang that you prefer. But still it depends on that certain gang that you want to join if he/she will accept you." Nakita kong sina Elyana na ang nagsusulat sa papel ng muli kong ibinalik ang tingin ko sa unahan.
Nag-aalinlangan na bumalik sa tabi ko ng matapos siya. Kahit pagtingin sa akin hindi nya rin magawa. Nasaktan ako sa paglilihim nila sa aking dalawa na kasali pala sila sa ganun.
Nakatulala akong nakatingin ngayon sa unahan habang hinihintay na matapos si Teron. Wala rin naman kibo si Elyana ng makaupo siya sa tabi. Siguro ay natatakot siya kapag nalaman kong kasama silang dalawa sa gang.