Newbie
"Kamusta ka, Mavie?" Pang- ilang beses ko na bang maririnig ang salitang 'yan. Sa totoo lang naririndi na rin ako, pero dahil kaibigan ko siya. Ayos lang, sa akin kahit nakakaimbyerna.
Humalumbabang nakatingin ako sa may entrance dahil doon ako nakaharap. Alangan naman na sa kisame ako tumingin diba? E di nagmukha akong tanga nun. Wala rin naman akong pagpipilian kaysa tumingin sa katabi kong si Teronia.
Ang totoo nyang pangalan ay Teron. Hindi ko nga alam kung bakit naging bading siya gayong napakagwapo nyang lalaki tapos matikas. Bihira na lang akong makakita ng katulad nya tapos naging bakla pa siya.
"Makikichismis ka lang naman, Teron." Walang gana kong wika sa kanya.
Sinamaan ko ng tingin si Teronia dahil sa ginawa nya. Itinulak ba naman ang aking braso nakahalumbaba pa naman ako sa mesa. Muntikan na rin akong mapasubsob, tarantado talaga kahit kailan. Hindi naman ito nagpaapekto sa pinupukol ko sa kanya, nakatingin rin kase siya ng masama sa akin. Halatang naasar ko na nan
"Nakakainis ka na ha! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na, Teronia, ang pangalan ko. Sa ganda kong 'to, ghurl!" Mukhang nabanas siya sa asar sa akin dahil may pagpaypay pa siya gamit ang isa nitong kamay.
Sa halip na kausapin siyang muli ay bumalik na lang ako sa pagkakahalumbaba. Kailan kaya matatapos si Elaina, gusto ko na siyang makita. Sasamain ata ako ng lasa kapag itong baklang ito ang kasama ko. Bakit ko ba kase naging kaibigan ito, mukhang nagsisisi na ako.
Maraming dumadaan sa entrance nitong canteen habang nakatingin ako. Hindi ko rin maiwasan na isipin kung bakit parang kanina pang wala si Elyana. Hindi naman magkakaiba ang schedule namin, dapat kanina pa siyang labas.
Hindi pa naman nya kami sinabihan kung sasabay siya sa amin o hindi. Nagugutom ba rin ako kanina pa pero dahil alam namin na magtatampo siya kaya hihintayin na lang namin. Mahirap pa naman na suyuin 'yon dinaig pa ang may toyo.
Naramdaman ko din na itong tabi ko ay kanina pang tahimik. Simula ng hindi ko siya kinausap, siguro ay nabadtrip na din talaga. Aba! Wala naman akong balak na suyuin rin ang baklang 'to. Swerte naman nila kung ganun.
"Nasaan na ba siya?" Ramdam ko ang pagkainip sa boses nya.
Mukhang hindi na rin nakayanan ni Teron. Kahit naman ako kanina pang nagpipigil ng gutom at parang nagpaparamdam na ang aking mga alaga sa tiyan.
Umalis ako sa pagkakahalumbaba ng makita kong pumasok na ang kanina pa naming hinahanap. Inililibot nito ang kanyang paningin habang hinahanap and pwesto namin ni Teron. At dahil gutom nako, kumaway ako sa kanya para kumuha ko ang atensyon niya.
Buti na lang talaga at medyo malapit lang kami sa entrance nitong canteen kaya madali lang niya kaming makikita. Nang makuha ko ang atensyon nito, agad siyang lumapit sa amin. Hindi na inalintana ang mga matang napapatingin sa kanya.
Sino ba naman ang hindi? Sa ganda ba naman ng kaibigan ko tapos artista pa.
Dumiretso siya ng upo sa tabi ni Teronia habang sa akin naman ay bakanteng ang katabi ko lang upuan. Wala rin naman akong balak na dito paupuin siya dahil okupado na ito ng bag ko. Mahirap kaseng kumain kapag may bag akong nakalagay sa likod ko, mas sanay akong nakasandal.
"Pasensya na kung nahuli ako ng dating, guys. Hinatid ko pa kase ang mga assignment namin sa opisina ni Mrs. Del." Hinging tawag niya pagkaupo pa lang. Inirapan ko lang siya ng mapadako sa akin ang mga mata nya.
Aba! Kanina pa talagang nagagalit ang alaga ko sa tiyan. "Okay lang, ghurl. Order na tayo?" Pag- aya nitong si Teron. Masiglang tumango si Elyana habang ako naman ay tiningnan rin ni Teronia para alamin ang sagot ko.