Hurt
Third Person Point of View
Hindi matinag ang pagtitig ng isang binata sa dalagang katabi lamang nila. Kung tutuusin kanina pa niyang napapansin ang pagiging malungkot nito. Lalo na nung nasa loob pa lang sila ng Main Hall, naramdaman nito ang takot at pangangatal habang hawak niya.
Wala sana siyang balak kibuin ang dalagang nakakapit sa kaniya kanina pero may kung anong pwersang nagsasabi sa kanya na pakalmahin ang dalaga.
"Okay ka lang, Master?" Inalis nito ang kaniyang pagkakatingin sa dalaga. Malamig niyang tiningnan ang dalagang maiksi ang buhok.
Nakaramdam naman ng kilabot ang dalaga dahil sa tingin na pinapakita sa kaniya ng binata. Matagal na niyang gusto ang binata pero kahit kailan hindi ito sumubok na sabihin ang totoo.
Alam kase nitong walang pakialam ang binata dahil ilang beses na nilang nasaksihan kung paano niya saktan ang puso ng mga babae na nagkakagusto sa kaniya. Mas pipiliin na lang niya ang pagkakaibigan nila kaysa pairalin ang puso niya.
Masakit man pero kinakaya niya. "Ano ka ba naman, Venice. Alam mo naman na palaging okay si Master." Ang binatang si Renz ang sumagot sa tanong niya dahil alam nitomg hindi sasagot ang binata.
Walang pasabi na umalis ang binata nang mapansin rin nito na wala na loob ng Building ang babaeng kaniyang tinitingnan. Gusto niyang sundan ang dalaga dahil parang may kakaiba siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ang dalaga o di kaya kapag malapit ito sa kanya.
May kung anong init sa katawan ang nararamdaman niya. Naninibago siya at gusto niyang malaman kung ano nga ba 'yon. Pasimple nitong sinusundan ang dalaga kasama ang dalawa nitong kaibigan.
Naiinis siya sa tuwing dumidikit ang katawan ng dalaga sa lalaki nitong kaibigan. Gusto niyang pumatay at mambugbog kapag nakikita niya na ganun ang nangyayari. Nilagay niya ang dalawa kamay sa bulsa ng kaniyang pants para maiwasan ang pagkuyom nito.
"Okay nga lang ako sabi e." Nakita nito ang pagsimangot ng dalaga habang kausap ang babae nitong kaibigan.
Naririnig na nito ang usapan nila dahil malapit na siya ng kaunti sa mga ito. "Mavie naman. Hayaan mo dadalawin kita sa dorm mo kapag nalulungkot ka." Pagpapagaan nito sa damdamin ng kaibigan niya kasabay ang paghaplos rin nito sa likod ng dalaga.
"May multo siguro sa dorm mo, ghurl." Sumama ang timpla ng mukha ng dalaga dahil sa pananakot nito sa kaniya. Kapansin- pansin ang takot nito sa mga mata kahit na iniiwas niya ang mga iyon.
Malakas na hinampas ng dalaga ang binata. "Kapag talaga hindi ako nakatulog, isusumpa kita." Bakas ngayon sa mukha ng binata ang takot dahil sa sinabi nito.
Humalakhak ang isa niyang kaibigan na masayang nakatingin sa kanila. "Mangkukulam ka na pala. Hayaan mo bukas mangunguha akong dahon sa garden para ibigay sayo. Tamang tama kulamin mo nga ang isang 'yan." Doble ang takot sa mga mata ng binata dahil sa panggagatong naman nito sa kaibigan nilang si Mavie.
Nag-apir pa ang dalawa dahil alam nilang natakot nga ang binata. Hindi tuloy maalis ng binata ang kaniyang tingin sa magandang mukha ng dalagang sinasabi nilang si Mavie.
Mavie.
Banggit ng binata sa kanyang isip. Tiningnan niya ang mga ito sa huling sandali bago umalis sa pagkakasunod sa kanila. Ngayon na nalaman na niya ang pangalan ng dalaga, wala na siyang kawala dito.
Dumiretso ang binata sa kanyang dorm para magpahinga. Ngunit napahinto siya sa paglalakad ng makita siya ng mga kasama niya. "What?" Malamig ang boses nito ng magtanong.