KABANATA 5

3 0 0
                                    

Escape

Nanlilisik ang kaniyang mukha na nakatingin sa akin. Hindi ako nagpaapekto sa tingin nya na ganan dahil mas nang-iibabaw sa akin ang galit. Ni hindi ako umatras ng lumapit siya sa akin.

"Alam mo na pala," nanunuya niyang wika sa akin. "Buti nga pinatulan pa kita e, sa landi mong 'yan. Sinabi sa akin ni Kayla na ginalaw ka na pala ng iba. Pasalamat ka na nga kase hindi ko ipinagkalat ang kababuyan mo nung tayo pa."

Sasampalin ko na sana siyang muli ng hawakan niya ang kamay ko. Napadaing ako ng humigpit ang kaniyang pagkakahawak habang nakatingin sa akin ng galit. Siya pa talaga ang may karapatan na magalit sa amin dalawa.

"Ang kapal ng mukha mo, Andrew!" Nasaktan ako ng hinaklit ko ang kamay ko sa mahigpit niyang paghawak pero hindi ko na ininda 'yon. Mas masakit pa rin malaman na sinasaksak na ako patalikod ng mga taong wala naman alam sa akin.

"Bakit totoo naman ah? Nagpapagalaw ka sa ibang tao. Masarap---" Napahiyaw ako sa gulat ng biglang may sumuntok sa kaniya.

Hindi rin ako makagalaw sa pwesto ko habang nakatingin sa lalaking bumubugbog kay Andrew. Saka lang ako nakabalik sa wisyo ng marinig ko ang daing ni Andrew.

Mabilis akong lumapit sa kanila para awatin. "Tama na! Mapapatay mo ang tao!" Awat ko sa lalaking nakatalikod sa akin.

God! Sino ba 'to?!

Nanlalabo na rin ang mga mata ko. Mukhang hindi ko na rin mapipigil ang pagtulo ng mga nagbabadyang luha na kanina ko pang pinipigilan.

"Pl-Please, tama na." Pagmamakaawa kong wika habang humahagulgol. Pinahid ko ang mga luhang umaagos sa aking mga mata gamit ang aking braso.

Mukha naman tumigil na rin ang lalaking sumusuntok kay Andrew. Humarap sa akin ang lalaking kasama ng mga baguhan. Siya ang lalaking may tattoo singsing sa kanyang daliri.

May atraso rin ba sa kanya si Andrew?

Malamig ang kanyang mga matang nakatingin sa akin habang may bahid ng galit. Hindi ko rin napigilan na silipin ang walang malay na si Andrew na nakahiga sa sahig.

Napalakas ata ang pagkakasuntok ng lalaking ito dahil halos hindi ko na mamukhaan. Kahit na malaki ang atraso niya sa akin, hindi ko pa rin maialis na minahal ko pa rin siya.

Mabilis kong nilakad ang pwesto ni Andrew. Lumuhod ako para gisingin siya ngunit may marahas na humila sa akin patayo. Nanlalaking mata kong tiningnan ang lalaking nakatalikod sa akin habang hinihila ako sa kung saan.

Hihilahin ko na sana ang kamay ko ng bigla itong humigpit. Naramdaman niya ba ang gagawin ko?

"Si-Sino ka ba?" Nauutal na wika ko sa kaniya. Huminto siya saglit pero agad din naglakad palabas ata ng garden.

Hindi! Hindi ko pwedeng iwanan si Andrew doon. "Bi-Bitawan mo ko. Kailangan kong balikan si Andrew doon." Nagmamakaawa na ang tono ko sa kaniya pero mukhang hindi sa nakikinig.

"Please..." Binitawan niya ang kamay ko ng humarap siya sa akin. Mariin ang kaniyang mga mata na nakatingin.

Pinagmasdan kong ipinasok niya ang kaniyang mga dalawang kamay sa magkabilang pants nito. "Someone will take care of him." Kinalibutan ako sa malamig niyang boses. Umiling ako sa kaniya dahil alam kong kailangan kong tulungan si Andrew.

Tumalikod ako sa kaniya para balikan si Andrew. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit na alam kong galit siya sa akin. Wala akong pake ang mahalaga wala akong utang na loob sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hearthstone University: BattlegroundsWhere stories live. Discover now