Elisha
" Josephine please ibalik mo sa akin yan, yan nalang ang natitirang ala ala ko sa mama ko, kaya please kunin mo na lahat nang meron ako wag lang yan. " pag mamakaawa ko kay josephine nang kunin niya sa akin nang sapilitan ang necklace na bigay nang mama ko nung nabubuhay pa siya.
" shut up little imp! anong pinagsasabi mo jan, wala naman akong kinuha mula sayo kaya tigilan mo ako at lumayas ka sa harapan ko. " aniya sabay tulak sa akin.
dahil sa lakas nang pagkakatulak niya ay napaupo ako sa lupa. " aww! josephine please nagmamakaawa ako sayo gagawin ko lahat nang gusto mo ibalik mo lang sa akin yan. " umiiyak nang pagmamakaawa ko sa kanya, ngunit sadyang maldita talaga tong si josephine at lahat nang gusto niya ay nakukuha niya kaya naman kahit anong pagmamakaawa ko sa kanya ay wala akong nagawa nang talikuran niya ako at naglakad paalis.
nang mawala si josephine sa paningin ko ay isa isa namang nagsilapitan sa akin ang mga kasamahan namin sa orphanage at lahat sila ay masama ang tingin sa akin. dahil lahat nang mga kasamahan namin dito ay pabor kay josephine at lahat sila ay sa kanya lang gustong makipag laro. kaya naman nang isa isa akong pagbintangan na inaapi at inaangkin ko ang gamit ni josephine ay wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak nalang nang umiyak habang yakap yakap ang mga tuhod ko.
dahil sa pagkawala nang bagay na pinakaimportante sa akin ay gabi gabi akong umiiyak hanggang sa makatulog ako, kaya naman laging mugto ang mga mata ko sa umaga. " Elisha okay ka lang ba? " tanong sa akin ni sister tina isang umaga habang naglalakad ako papunta sa hall upang mag agahan. " ok lang ako sister, bakit po? " balik tanong ko sa kanya. " ilang araw ko na kasing napapansin na mugto lagi yang mga mata mo. " aniya sa akin kaya napayuko naman ako. " ok lang ako sister, huwag niyo nalang po akong pansinin. " sagot ko sa kanya. " kung hindi maganda ang pakiramdam mo sabihin mo sa akin okay? huwag kang magdalawang isip or kung may problema ka man pwedeng pwede mong e share sa akin yan okay? " aniya na tinanguan ko naman at nagpasalamat sa kanya bago ako nagpatuloy sa paglalakad.
ilang araw lang ang nakalipas ay nabalitaan kong wala na si josephine sa orphanage at ang umampon sa kanya ay isang mayamang matanda umano. parang nabunutan naman ako nang tinik sa puso ko nang malaman kong wala na si josephine sa orphanage ngunit hindi ko din mapigilang masaktan dahil sa pag alis ni josephine ay siya ding tuluyang pagkawala nang bagay na kay tagal kong iningatan dahil ito lang ang tanging ala alang iniwan sa akin ng namayapa kong ina.
Nine Years later
" hello sis, where are you? " napakunot ang noo ko nang sagutin ko ang phone ko dahil naririnig ko ang paghikbi ng kapatid ko sa kabilang linya.
" i'm here at school sis, why? what's wrong, why are you crying? " nag aalalang tanong ko kay shana.
" sis we're here at the hospital now, si dad, inatake si dad sis. " umiiyak pa ding sabi niya sa akin.
" what?! what happened? anong nangyari kay dad? " natatarantang tanong ko sa kanya.
" please just come here sis, dito na tayo mag usap hindi ko na alam ang gagawin ko sis, nag aalala din ako kay mommy, nandon siya ngayon sa emergency room nahimatay kasi siya pagdating namin dito sa hospital. "
" oh my god! okay okay wait for me i'm on my way, by the way send me the hospital address. " pagkatapos kong makipag usap kay shana sa phone ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko bago ako nagmamadaling lumabas nang classroom namin ngunit bago paman ako tuluyang makalabas ay nasalubong ko ang bestfriend ko na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
" beshie are you okay? what happened to you? " nag aalalang tanong niya sa akin.
" besh i need to go now, we'll talk later okay? my dad is in the hospital my family needs me now. " sagot ko sa kanya.
YOU ARE READING
The Billionaire's Surrogate
RomanceNang magka problema ang kompanya ng adopted family ni Elisha ay handa na siyang gawin ang lahat matulungan lang ang pamilyang kumopkop sa kanya kaya naman nang sumulpot sa harap niya ang isang lalaking nagpakilalang secretary ni Don Philip Montefueg...