Chapter 11.2 ~ Inside his heart

650 16 4
                                    

ENZO'S POV



Shit. Nandito na ako sa may building. Nahuli ako. Hindi ko sila naabutan. Tanging phone lang ni Amber ang nakita ko dito. Yung kotse nga niya hindi ko makita. Talagang pinagplanuhan ng mabuti. Sinong hudas ang gagawa nito kay Amber?! Pagnalaman ko lang kung sino siya. Ako mismo papatay sa kanya. Sorry alam kong harsh ang mga words ko pero si Amber kasi ang pinag-uusapan dito. 

Tinawagan ko si Dos. Buti nalang mabilis niyang sinagot.

"Oh Dos, Na-locate mo na siya?" 

[~Oo Uno. Nasa isang abandon building lang siya malapit jan mismo sa pinagta-trabahuan niya. Actually sa likod lang pala.]

"Sige Dos! Salamat! Pupuntahan ko na."

[~Hoy! Wala kabang balak na pasamahin kami?!]

"Wag na panggulo lang kayo! Haha joke! Di na kaya ko na to!"

[~Ungas din neto eh! Hoy Uno kahit na alam kong matagal mo ng mahal yang si pinuno eh ikaw lang ang magliligtas sa kanya. Ano yang Knight and Shining Armor kuno?! Di bagay sayo PARE!]

"Hoy pano mo nalaman?!"

[~Ibahin mo ko Uno. Alam ko din na may something sa kanilang dalawa ni Tres.]

"Oo alam ko!"

[~Tanga mo din kasi eh! May pa Dara-dara kapang nalalaman. Sino sinaktan mo? Sarili mo at si Amber?!]

"Oo na! Gago neto wag mo ng ipaalala! ALAM KO NA YUN!"

[~Ahahaha! Osige tatawagan ko na sila. Susunod kami jan. Back-up nyo kami.]

"Hoy wag mong tatawagan si Tr--"

[~Oo alam ko! ANO PA INAANTAY MO?! PUNTAHAN MO YUNG PRINSESA MO!]

"Ahahaha! Gago neto kahit kelan. Oo sige! Salamat Dos!"

At inend call ko na. Tss kahit kelan talaga. Ang hirap takasan ng mga mata nitong si Dos. Wala kang maitatago lalo na kung sa ganyang usapan. 

Pinulot ko sa sahig yung phone ni Amber. May bigla namang nag text.

... Si Charles.





Tangina. Ang sakit sa puso. Ang laki kong gago! Bakit ko pa kasi inuna yung pagiging torpe ko?! Tas ibinaling ko pa sa iba yung atensyon ko. Si Dara minahal ko hindi ko ginawang panakip butas pero hindi ko na kayang ipagpatuloy pa kasi talagang mas angat si Amber sa puso ko. Mas mabuti pa palang umamin ako sa kanya habang maaga pa dahil yung sa mga oras na yun ... 

My Girl is A Gangster || On HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon