Chapter 4 ~ Move On, Sydney

923 24 4
                                    

"Iiyak mo lang." 

Napatayo ako bigla. Kilala ko yung boses na yun.

"Tres!" Bigla ko nalang naisigaw at napaupo sa kinahihigaan ko. Bigla akong napamunas ng muka dun ah. Yung walang poise na pagpunas, mala bata lang. Fck. Mukang pinangmop yung muka ko. Ramdam ko kasi eh. Inayos ko nalang yung buhok. Pustahan namamaga ang mga mata ko. Bat kasi nandito tong si Tres eh.

"Charles please."

"Pero..."

"No buts Amber, wala tayo sa labas ngayon. Nasa school tayo." Wow ha, napatahimik ako dun. Akala ko ba di marunong mag seryoso tong si Charles? 

"Ano yung nakita mo, napuwing lang ako. Ang dami kasing pumasok na alikabok sa mata ko talaga eh, kaya napaluha ako."

"May alikabok sa Canteen?" Nahuli niya ako dun -___-

"Oo, hindi mo ba nakita? Ang dami kaya." Palusot.com 

"Di ka marunong magsinungaling Amber :P" Strike 2.

"Aisssh! Di ka naniniwala? Tara pumunta tayo canteen at ipapakita ko sayo." Tumayo naman ako at sabay kuha ng bag ko at isinukbit sa braso ko. Bigla naman akong hinigit ni Charles at pinaupo ulit.

"Just stay here. Masasaktan ka lang pag-bumalik ka." STRIKE 3! Kung baseball lang to, OUT na ako, KANINA PA!

"Masasaktan? Anong pinagsasasabi mo jan? Ahahahaha." Nawata nalang ako bigla sa sinabi niya.  Joke yon diba? J-O-K-E.

"Masasaktan ka dahil makikita mong magkasama si Enzo at Dara." HOMERUN na! Tinamaan ako dun. Tagos hanggang bones ang sakit. At sa oras na to, di ko na ulit napigilang di umiyak. Tama ka Charles, nasasaktan ako. 

"Ang sakit. Sobrang sakit, Charles. Bat ganun? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Talaga bang kelangan ko pang maging leader ng A.O.D at gawin yung RULE na yun? I need to know the truth!" 

TT___TT

"Its alright Amber. Lahat tayo may kanya kanyang nakatadhana para satin. Yung sa'yo siguro hindi pa naisusulat ng maayos. Hindi pa nakikita kung sino ang dapat sayo. Just wait. But there comes a time in our life that we need to find our heart what's looking for. Nasasayo din yan, kung ikaw mismo ang magsusulat ng sarili mong love story o ipapaubaya mo yan sa iba o tadhana na ang magdidikta sayo."

He's right. 

"You are just like me. Mahal ko din siya palihim nga lang. Ang tagal. Simula pa ng makilala ko siya. Tinamaan talaga ako sa kanya. The way she smile, the way she speaks frankly, the way she helped others. Dahil don minahal ko siya ng todo todo, hindi lang dun, may iba pa pero di ko na iisa-isahin pa. Isa lang panagarap ko, ang mapansin niya kahit isang beses lang."

"Lucky girl. I'm sure mapapansin ka din niya."

"I hope so. Sa tingin ko mahal niya talaga eh. Iniyakan pa nga niya eh." 

*DUBLUBDUBLUBDUB*

Ako ba yung tinutukoy niya?

Please hindi ako yun diba? Ibang tao yun diba?! SAGUTIN NIYO AKO! Ayoko ng ganito. Diba nga sabi sa RULE NO. 5 Bawal mainlove ang member sa leader. Kaso ako mismo sinuway din yun. Anong klaseng leader ako!?

"A-ako ba?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun.

"Ha?" Tanong niya. 

"Wa-wala. Tara na may klase pa tayo. Sabay tayo?" Buti nalang hindi niya narinig.

"Sige. Tara na." Tumayo na kaming dalawa. At sabay na lumakad papalayo.

TRES'S POV (CHARLES)

'Oo, Ikaw nga.' Ang mga katagang nais lumabas kanina sa bibig ko kaso pinigilan ko. Hindi pa ngayon ang tamang panahon. Siguro pag nakalimutan na niya si Enzo. Umpisahan ko na kayang iparamdam kay Amber?

"Uii, Charles. Tulala ka jan. Dito na tayo sa classroom oh." At nagbalik ako sa katinuan ko. Andito na nga kami sa tapat ng classroom kung saan pag pumasok kami makikita ko ang lalaking nag-papaiyak kay Amber. Ang hirap man pero kailangang kong tanggapin dahil sayang ang 4 years naming pinagsamahan nila Enzo. Parang magkakapatid na nga kaming lahat eh.

"What are you waiting for, Charles? Tutunganga ka nalang jan? Kung ayaw mo pumasok, una na ako. Sige Byeeeeeeeee! :D" Amber

"Wait!" At bigla ko nalang siyang hinigit. 

"Charles, ma-lalate na tayo oh."

"Kaya mo bang pumasok at makita si Enzo jan habang kasama si Dara?"

"Kelan ko ba hindi kinaya yan?! 2 YEARS Charles! Tinago ko ang nararamdaman ko for Enzo. Sa tingin mo hindi ko ba yun kinaya? Alam mo naman na pag dating sa LOVE nagpapakat-tanga ang isang tao." Sagot niya sakin. 

Oo tama ka Amber, AKO NAGPAKA-TANGA SAYO. We're the same Amber kaya alam ko lahat ng nararamdaman mo. Binitawan ko nalang siya at iniwan niya ako dahil pumasok na siya. Sumunod nalang ako at umupo sa desk ko. Sakto namang nag bell, start na ng class. 

Napapahikab nalang ako at minsan sumusulyap sa phone ko o dkaya palihim na tinitignan si Amber. Kahit anong angulo lang ang ganda parin niya. -____- Ah!

Tinext ko siya.

Amber;

Sorry kanina. Nabigla lang ako. Gusto ko lang maintindihan mo kasi eh. Handa naman akong tulungan ka eh. 

At sinend ko na. Tinago ang phone sa may ilalim ng libro baka mahuli ni Ma'am, terror panaman to. Sana lang sumagot ka Amber. Please. At umuob nanamn ulit ako sa desk ko. Inaantok na ako eh. Ang boring kasi eh. Sobra! Kung nakakamatay lang ang boring kanina pa ako patay.

TULUNGAN KANG MAG-'MOVE ON' KAY ENZO. 

My Girl is A Gangster || On HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon