Chapter 13 ~ Awake

717 26 18
                                    

PLEASE KEEP SUPPORTING MGIAG. PLS? :> COMMENT, SO I KNOW YOUR OPINIONS/REACTIONS. VOTE, IF YOU LIKE IT. FAN/FOLLOW. THANKS PO :)

--

AMBER'S POV

Nararamdaman ko yung sakit. Kumikirot pa yung tinamaan ng baril nung gabing yon. Yung walang hiyang Dara na yon. Nakalamang lang siya nung gabing yon. Kung hindi lang ako dehado eh. 

I opened my eyes. Puro puti ang nakita ko. Asan ako? Langit na ba to? So namatay ako? Ganun? Kung sabagay masaya yun para wala ng problema. Pwede na akong bumawi kay Dara. Mumultuhin ko siya hanggang sa makonsensya siya at kung hindi na niya kaya hanggang sa magpakamatay na siya. Bwahahahaha! Gago niya e, mali bingga niya e. 

"...Amber"

Nagulat nalang ako ng may nagsalita. Sinubukan kong bumangon. Hindi pa pala ko patay. INUULIT KO HINDI PA PO AKO PATAY. Kabaliwan lang po nung author kaya niya nilagay yon. Kaya wag kayo kagad maniniwala jan. Hahaha joke! Baka nga patayin na ko niyan pag-inasar ko pa.

Nung mejo naka-upo na ko dun sa kama. Nakita ko na kung sino yung nagsalita. Si Charles. Actually mejo nasa-paanan ko siya. Tas naka ano, teka hindi ko maexplain. Yung parang ano pagnatutulog ka sa klase. Basta ganun. Alam niyo na yun.

Bigla naman akong napa ngiti ng wala sa oras. Tumingin tingin ako sa paligid. Ilang araw na ba ako naka-confine? Syet! Wala kong kaalam-alam. Nakakainis naman oh. Can someone tell me kung anong nagyari sakin habang nandito ako sa ospital?!

Teka na-uuhaw ako. Asan ba yung tubig? Ah ayun nasa side table. Sinusubukan kong abutin yung baso pero ang hirap e. Naka-cast pa kaliwa kong braso. Malapit na onti nalang maaabot ko na kaso, hintuturo lang yung sumayad. Nadulas pa. Nahulog pa. Kaya ayan tuloy nagising yung natutulog na si Charles. Aww sorry Charles :<

"Amber!" bigla niyang sigaw.

"Hehe! Hi Charles? Nagising ba kita? Sorry ah ang ingay ko."

"Aisssh!~ Dat ginising mo nalang ako."

"Ihhh. Ayoko. Alam kong pagod ka eh. Tamo yang mata mo! May eyebags na!"

"Wala kong pake sa eyebags ko. Mawawala naman yan eh." 

Aww. Ode siya na sweet! Anak ng chuchu naman oh! Pero ewan ko ba, ang saya saya ko. Kahit na anoo ... BASTA! Di ko ma-explain e. Pero seryoso, ang lalim nga ng eyebags niya. Double eyelids na nga e. Pero GWAPO padin siya. Bwahahahaha! Yung kahit naka sweater jacket lang siya at pants? Ang cool padin niyaa! Gandang bungad para sakin to! Bwahahaha =))

"Amin na nga yan." Bigla naman siya tumayo sa kina-uupuan niya. Pinulot niya yung nahulog na baso at hinugasan. Tas nilagyan niya ng tubig.

"Oh, tubig mo." Inabot naman niya sakin yung basong may tubig.

"Thank you :)" At ayun nahuli ko siyang nag blush! Ode siya na cute! 

"P-punta pala ang A.O.D dito mamaya." 

"Ahh. Sige sige. Miss ko nadin sila. Hahaha. Nga pala Charles, lang araw na akong nandidito?"

"Pangatlong araw na."

"Seriously?! So dalawang araw na kong tulog?!" Gulat kong tanong sa kanya.

"Opo. Kaya nga kinabahan kami eh kasi hindi ka pa nagigising." bigla naman siyang lumapit sakin at hinawakan yung ulo ko. Nagkadikit yung noo namin dahilan para makita at matitigan ko ang mga mata niya. Syet feeling ko hinihigop ako neto.

"Pero ngayon, wala na ang kaba ko kasi nagising ka na at nakita ko namang okay kana. Baka pwede ka ng lumabas bukas." dugtong niya. Asdfghjkl! Hindi ko alam ang susunod kong gagawin! Leche! Ang isang malakas at matapang na leader ng gang na katulad ko ay mapapatahimik at mapapatameme lang ng isang Charles Dela Vega?!

My Girl is A Gangster || On HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon