Chapter 8 ~ They are SECRETLY Dating

774 22 6
                                    

Its been a month.

Charles and I are secretly dating.

Yuh, tama kayo sa nabasa nyo. Hindi ko siya ginagawang panakip butas or whatsoever. Siguro dahil sa kaya ko ng hindi isipin si Enzo (pero sa ibang banda may konti padin) kaya I give my heart  to another one and ayun nga kay Charles. Why? Kasi siguro I saw the other side of Charles. He's loving and sweet side and he's totally serious about this. Siguro nga si Charles na ata.

Andito pala kami sa Cafeteria. 

Wala tambay lang.

Buong grupo nandito. Magkaharapan ako at si Charles and sa tabi niya si Enzo.

"Amber, parang napapansin ko lang ang close nyo na ni Charles ah." -Dos

"Ahahaha. Ganun talaga."

"Baka may something na sa inyo." -Shu

Bigla namang naibuga ni Enzo yung iniinom nya. At saktong nakaharap siya sakin, at alam na ang nangyari. Ako lang naman ang nabugahan. Ang lagkit ko asar! Bigla akong tumayo at pinunasan  ko ang mukha kong super lagkit. 

"ENZO! Ano ba!" Biglang sigaw ni Charles.

"S-sorry Sydney! Di ko sinasadya. I'm so sorry Sydney." Lalapitan niya sana ako para tulungan mag-punas pero nauna si Charles.

"Tara samahan kita sa CR." Sabi ni Charles.

"Okay.:) Thank you Charles. At ikaw Shu, yung sinabi mo wala yun okay? We're not dating or something. Sabihin na nating mas nakilala ko lang ng lubos si Charles. Sige, balik din kami ah." Sabi ko.

"Sorry Amber. :(" -Shu

"Ano ba okay lang yun. Wala ka namang kasalanan eh."  

Si Charles ang may bitbit ng backpack ko. At pumunta na kami sa CR. Bago kami tuluyan umalis, lumapit muna ako kay Enzo.

"Okay lang Enzo, wag kang mag-alala hindi ako galit sayo." At umalis na kami. Lumabas kami ng Cafeteria. Wow ha, ramdam ko ung lagkit sa mukha at katawan ko. Pati sa damit ko. Buti nalang may extra akong Sando sa bag.

"Uwaaaa, ang lagkit ko. Kakainis. -_____-" 

"Okay lang yan. Hahaha, pero nagulat din ako sa sinabi ni Shu. Ang galing nila maka-dama." Sagot ni Charles.

"Oo nga e. Bigla akong kinabahan. Teka we're here. Antayin mo nalang ako jan. Mabilis lang ako. Backpack ko po :)"

"Bilisan mo ah. :D"

"Sige." At pumasok na ako ng CR.

--

ENZO'S POV 

Aish, naasar ako sa sarili ko dahil sa nangyari kanina. Kasi naman tama naman yung sinabi ni Shu, parang may kung ano sa kanila. Tas yung umalis sila, yung ngiti ni Charles sakin. Ngiting tagumpay. Na para bang sinasabi, "Wala ka ng pag-asa". Tsk, pano ko mapo-protektahan nyan si Sydney kung sya mismo ang lumalayo na sakin. Ang saklap naman ng mga nangyayari. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

"Huy, Enzo." -Ethan

"Ay! Oh?!"

"Kanina ka pa namin tinatawag. Ang lalim ata ng iniisip mo. Kung ano man yan, wag mo ng isipin yan." -Kyle

"Ah, di naman. Yung nangyari lang kanina."

"Sus, sabi nga ni Amber diba di sya galit sayo." -Ethan

"Hayy, I know. Teka ano ba yun at bakit kanina nyo pa ko tinatawag?"

"Ah, tatanong lang namin kung may alam ka ba." - Omo

"Saan?"

"Sa kanilang dalawa. Bakit naging super close yun. Diba dati kayo ang close ni Amber?"-Shu

Shu's right. Dati kami ang close ni Sydney. Pero bakit ganun ang nangyari? Ano ba ang nagawa ko? At sa dinami dami pang pwede nya maging close si Charles pa! Iba talaga kutob ko dun. 

"ENZO!" sigaw ni Shu

"Ah eh!~ Hindi ko dn alam! Tss. Una na ako." Nayayamot ako sa mga kasama ko dito. Tatayo na sana ako ng biglang bumalik na sila. And both of them are smiling and laughing with each other. Ayoko ng mga ganitong eksena. Lalo na kung ang nakikita ko ay ang babeng mahal ko. 

Umupo nalang ako ulit. At parang walang nakita.

"Oh akala ko ba uuna ka na?"-Ryo

"Aantayin ko na kayo. Tutal sabay sabay nman klase naten. Tsss." 

"Anjan na pala kayo. Tara na akyat na tyo? Baka malate tayo. Terror pa naman next subject namin." -Kyle.

"Sige tara na." -Sydney.

Kelangan pa bang magkahiwa-hiwalay? Diko mababantayan si Sydney kay Charles. Tas iba pa section ko. Si Sydney, Charles, Kyle, Cho at ang Kambal section 1 tas kaming tatlo section 2. Badtrip!

Nauuna maglakad silang dalawa at nag k-kwentuhan. Hawak-hawak ni Charles yung phone nya ng bigla may nagtext. Nakita ko wallpaper nya.

O______O

"SILA NA?!" bigla kong naisigaw. Nagtinginan yung mga tao sakin and even them. 

"S-sorry ... Urghhh." Tumakbo na ako at iniwan sila. Ang sakit lang sa puso yung nakita ko ...

PICTURE NILANG DALAWA NI SYDNEY. 

Huli na ba ang lahat?! Pero hindi, kelangan kong mabawi si Sydney. Kelangan ko siyang mailayo kay Charles. Pero bago ang lahat. I need to talk Charles first. Kelangan ko malaman kung ano motibo nya. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Charles.

"AFTER CLASS PUMUNTA KA SA LUGAR KUNG SAAN MAY FOUNTAIN NA HINDI GINAGAMIT. KELANGAN KITA MAKA-USAP."  ~ENZO

At sinend ko na. Inayos ang sarili at pumunta na ako sa classroom.

Mamaya ang pagtutuos natin Charles.

____________________________________________________________________________

A/N:

Ayan dahil sa may nagrequest na iUD ko na daw to dahil nabitin siya. 

Ito na po. ENJOYYYYYYYYY!

DEDICATED PO PALA SA PANG 100TH FOLLOWER KO ITO KAY 

'TheWhiteOwl' :D *clap clap*

HAHAHA> PLEASE VOTE AND COMMENT THANKSSSSSSSS <3<3

~popororo<3<3

My Girl is A Gangster || On HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon