Jelly Garcia
4th year high school nako. Lagi nalang akong inaasar sa classroom "JELLYACE" Ewan ko ba. Lagi nalang nila akong inaasar Kay Ace. So eto papasok na ako sa classroom.
"Padaanin niyo yan. Magasgasan yan!" Sabay sigawan ng mga kaklase kong baliw.
"Tabi kayo dyan! Yari kayo kay Ace"
Hay nako! Si Ace talaga. Lagi nalang nang-aasar wala pa yatang araw na hindi niya ako inasar.
Ace Perez
May gusto ako kay Jelly. Sobrang nahihiya ako sa kanya kaya dinadaan ko nalang sa biro. Ang ganda niya kasi at maraming lalaki ang patay na patay sa kanya. Alam kong wala akong pagasa. Di naman ako gwapo, hindi pa ako matalino. Hindi ako bagay sa kanya itatago ko nalang ba eto?
Isang araw...
Nagpalaro yung teacher namin. Nang ako na yung bubunot ng papel.
Truth or Consequence natatawa pa ako.
"Pumili ka ng isang taong tatanungin mo ng bagay na gusto mo talagang malaman" bigla akong kinabahan. Napatingin ako kay Jelly.
Nagsisigawan mga classmates ko na "Aminin mo na Ace! Tanong mo kung may pag-asa ka!" Teka kaya ko bayun?
Tinawag ko si April crush ng bestfriend ko
"April crush kita" haaa? Nawala yata sa katinuan yung utak ko.
Napatingin ulit ako kay Jelly inirapan niya ako. Nagpaalam siya para mag cr
Pagbalik niya sa classroom..
"Ayan na padaanin niyo yan! Magasgasan yan" sabi ko
"Tigilan mo nga ako Ace! Ang epal mo talaga!"
"Hala nagalit. Nagselos yata Ace!" Sigaw ng mga kaklase ko
"Bakit naman ako magseselos? Umalis ka nga sa harap ko!"
"Jelly!"
" Hoy Jelly!"
"Hoy JellyAce! Ang taray mo naman!" Ouch snob
Ano bang nangyare kay Jelly? Hindi ko na tuloy siya mabiro, hindi ko malapitan. Hindi manlang ako nakapag "bye" sakanya netong uwian
Kinabukasan...
"Ayan na si Jelly pre!"
"Padaanin niyo yan! Mahal ko yan!"
"Tss! Ang boka mo" sabay irap sakin
Hindi niya alam lahat kaming magkakaklase nagusap na
Uwian na...
Aamin nako sakanya. Naglalakad na siya sa ground floor naka headset at mukhang hindi parin maganda ang mood.
"Jelly!" Hinawakan ko siya sa balikat
"Hay nako Ace! Uuwi nako"
"Wait may sasabihin lang ako." Pakiusap ko
"Okay! 3 mins. salita dali"
"Ikaw talaga yung crush ko Jelly."
"Jelly basahin mo yung banner." Turo ko sa banner
"CAN YOU BE MY GIRLFRIEND? Oo! Yes. Sa totoo lang nagselos talaga ako sa sinabi mo kay April"
"Pasensya na Jelly. Kala ko kasi walang pag-asa eh. Tska nahihiya ako pinalakas lang ng mga classmate natin yung loob ko"
"Kalimutan mo nayun. Basta tayo na ngayon ❤"