FEUSF - Anniversary

113 3 0
                                    

Anniversary

"7:30 pm
Tapos na klase ko... Pero sabi ng kaibigan ko, hintayin ko na raw sya, sabay na raw kami umuwi. May klase pa kasi sya ng 7:30-9:00 pm. Sa Pavilion na lang daw kami magkita. Hindi na rin ako umangal dahil medyo tinatamad pa rin naman ako umuwi. Lumabas na muna ko ng campus para makabili ng pagkain at maiinom. Mga bandang 8:00 pm, bumalik din ako at tumambay sa Pavilion kung saan kami magkikita.
""Ang boring naman. Wala na kong makitang mga kaklase ko. Makaidlip na nga muna. Medyo matagal pa naman ako maghihintay e.""

8:50 pm
""Hoy! Sarap ng tulog mo ah! Hahaha! Tara na, uwi na tayo.""
Matagal-tagal din pala akong nakatulog pero medyo bitin.
""Tara, mag-bus na lang tayo. Inaantok pa ko e. Nabitin yata ako sa tulog ko.""
Pumayag naman sya kahit na medyo mapapatagal yung byahe namin. Mas mabilis kasi kung UV Express ang sasakyan namin.

Ilang minuto ang lumipas habang naghihintay kami ng bus...
""Ayun oh, bus! Tara na.""
Medyo maraming tao sa bus.
""Dun na tayo sa likod, puro may mga nakaupo na sa tabi ng bintana e.""
Big deal ba talaga sa taong to ang pag-upo sa tabi ng bintana?
""Bro, pakigising na lang ako kapag malapit na sa FCM ha.""
Hindi naman daw kasi sya inaantok at sa SM Fairview pa naman sya bababa.
""Sige tol.""
Traffic na naman. Natural na yata talaga to kahit hindi naman na rush hour. Makatulog na nga lang.

...
""Tol, gising!""
Nag-unat ako ng katawan at humikab.
""Bakit?""
""Tignan mo yun! Di ba yun yung ex-girlfriend mo?""
Hinanap ko yung tinuturo nya. Oo nga, ex-girlfriend ko nga! Biglang bumilis tibok ng puso ko nung nakita ko sya. Anong gagawin ko? Lalapitan ko ba sya? Kakausapin ko ba sya? O matutulog na lang ulit ako? Hindi ko alam gagawin ko. Baka kasi galit pa rin sya sakin. ""Lapitan mo na! Chance mo na to para magpaliwanag sa kanya.""
Oo. Chance ko na to. Hindi dapat ako matakot. Lalapitan ko na sya.
""Hi. Kumusta na?""
Sabi ko hindi dapat ako matakot pero bakit hindi ako makatingin sa kanya?
""Uy, ikaw pala. Okay naman ako. Ikaw ba? Tagal natin di nagkita ah?""
Bakit parang masaya sya? Naka-move on na ba sya? Napatawad nya na kaya ko?
""O-okay naman din.""
""Gabi ka na yata?""
""Oo, wala na kasing ibang mapili na schedule e.""
Medyo matagal-tagal na rin kaming nagkekwentuhan. Marami na kaming napag-usapan. Pero kailangan ko syang kausapin tungkol dito.
""Hm, s-sorry pala sa nangyari. Alam mo, nung time na yu-"" Hindi nya na ko pinatapos magsalita.
""Ano ka ba, matagal na yun. Napatawad na kita. Alam ko na kung ano talaga yung nangyari.""
Tumulo luha ko nung sinabi nyang napatawad nya na ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang saya ko nung sinabi nya yun kahit na lumuluha ako.
""Talaga?""
Wala na kong ibang masabi. Parang kumpletong kumpleto na yung araw ko nun.
""Oo naman. Ako nga dapat yung humingi sayo ng tawad kasi ako yung nang-iwan sayo e. Hindi ko man lang muna inalam kung ano ba talaga yung nangyari. Basta na lang kita iniwan... Sorry ha.""
Bakit ganito? Wala na kong masabi. Hindi ko mapigilan sarili ko sa pag-iyak. Parang gusto ko syang yakapin at sabihing mahal na mahal ko sya. Pero...
""Manong, sa tabi na lang po!""
Bababa na sya.
""Sandali.""
""Sige na. Magkikita pa tayo. Ingat ha, I love you.""
Para kong nabunutan ng tinik nung mga panahon na yun. Sobrang saya ko! Feeling ko, ako na yung pinakamasayang alien sa Mars!

Ilang minuto ang lumipas...
""Tol! Gising na!""
Nasa Delta pa lang kami kanina bago ko matulog ulit saka medyo traffic kaya parang ang bilis naman yata? Makamulat na nga.
""Teka, anong ginagawa natin dito?!""
Nagulat ako. Pag mulat ko ng mata ko, nasa Piyu pa rin kami!
""Anong 'anong ginagawa natin dito' ka dyan? Baliw ka na ba? Kakatapos lang ng klase ko! Tara na, uwi na tayo. Gutom lang yan.""
""Pero nasa bus na tayo kanina e! Nakita mo pa nga si Tin di ba? Nag-usap pa nga ka-""
Napahinto akong bigla sa pagsasalita.
""Alam mo tol, effective! Kaya tama na. Bukas pa tayo pupunta sa kanya di ba?""
Oo nga. Bukas... 2nd anniversary sana namin bukas... 1st Death Anniversary rin nya. 

June 27 last year,

Isang araw bago yung anniversary namin. Nasa kwarto ko kaming mga magkakaibigan nun. Gumagawa kami nun ng mga props para sa surprise ko sa kanya. Mga bandang 11:00 pm, unti-unti na silang nag-uuwian dahil may mga pasok pa raw sila kinabukasan... Hanggang sa kaming dalawa na lang ng kaibigan kong babae yung naiwan. May gusto sakin yung babaeng yun. Bago pa man din naging kami ni Lea, inamin nya na sakin yung nararamdaman nya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko sya nagawang mahalin. At dahil mag-iisang taon na kami ni Lea, akala ko wala na sa kanya yun. Nang bigla nya kong hinalikan. Ayaw nya kong bitawan. Nagulat ako sa kanya nun. Hindi ko ineexpect na gagawin nya sakin yun. Biglang dumating si Lea. Susorpresahin nya sana ko nun dahil mag-tetwelve na ng madaling araw. Pero sya yung nasorpresa. Napatitig lang sya samin, at ganun din kaming dalawa. Kitang kita ko yung galit sa mukha nya. Hindi ako nakapagsalita, o kahit nakagalaw man lang. Tumakbo sya palayo. Sa sobrang gulat ko, hindi ko agad sya nahabol para pigilan at magpaliwanag. Hinanap ko sya. Pumunta ko sa kanila pero wala sya. Naghanap ako ng naghanap. Hindi ako sumuko dahil ayokong masira yung anniversary namin. Kailangan kong magpaliwanag. Pero huli na ang lahat. Kinaumagahan, may nagbalita sakin na nakita raw yung katawan nya sa park na malapit samin. Marami syang saksak sa katawan. At parang ni-rape raw sya. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nung mga panahon na yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Para kong masisiraan ng ulo. Araw-araw matapos mangyari yun, sinisisi ko ang sarili ko. Na kung hindi dahil sa nangyari, hindi sya namatay.

Hindi ko alam kung normal na panaginip lang lahat ng yun o sinadya niya talagang magpakita sa panaginip ko. Ang importante, kahit sa panaginip lang, alam ko na napatawad nya na ko at mahal nya pa rin ako."

Iskiribapbiduap
2012
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila

Quotes etc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon