Mrt
"Eksena kanina sa MRT, habang nakapila ako. May nakasabay akong babae na ""head turner"" talaga ika nila. Halos lahat ng lalaki dun, napapasunod ang ulo habang naglalakad sya papasok.
Pagkapasok namin ng MRT, katapat ko si girl. As usual sa MRT, nakatayo ka talaga. Bihira ka lang talaga makakaupo. May dalawang guy na alam kong sobrang nagagandahan sa girl, kaya sabay silang nagoffer ng upuan. Syempre di naman dalawa yun pwede upuan ni girl, kaya kung ano ang mas malapit, yun ang inupuan nya. And si guy na 'feeling rejected' umupo na lang at nanatili sa inuupuan nya.
Ano? Sa mga magaganda lang kayo gentlemen? Napakadaming babae don. At isa na ko dun. Bakit isa lang inalok nyo?! BAKIT NAKADEPENDE SA MUKHA ANG UGALI NYO? BAKET! Sarap pigain nung ulo nung lalaki na yun. "
MRTGirl/NotThatBeautiful
2015
Institute of Accounts, Business and Finance (IABF)
FEU Manila